Malimit, sa di inaasahang pagkakataon, makikita natin ang sarili natin na lugmok sa isang lugar. Hindi man natin gustuhin pero kailangan nating maranasan ang mga bagay na ayaw nating maranasan. Sa mga taong nakakabasa nito, ito ay halaw sa aking nararamdaman. Di ko masyadong ugali ang mag-kwento ng mga nararamdaman ng ibang tao dahil alam kong sila ang nasa magandang posisyon para gawin ito.
Akala ko hindi na ako magiging apektado kung may maririnig ako tungkol kay GL. Pero sa tingin ko, ito na yung huling blog entry ko tungkol sa kanya. Kung di nyo kilala si GL, pasensya na kailangan ko lang siyang itago kasi may sarili na siyang buhay. Sabihin na lang natin na importante siya sa buhay ko – mali pala – NAGING importante siya sa buhay ko. May pagkakataon na sa kanya lang umikot ang mundo ko. Pero sabi ko nga, may ibang buhay na siya. Eh, bakit ko siya binabanggit dito di ba? Naguguluhan ka ba? Ako kasi naguguluhan din. Pasensya na! Siguro, naging apektado lang talaga ako sa huling balita ko sa kanya. Di ko inaasahan na ganun yung malalaman ko.
Pero pangako ko, ito na yung huling blog entry ko sa kanya. Siya nagawa niyang sumulong patungo sa buhay na gusto niyang matamo, ako naman ay nandito din ay patungo din sa nais kong puntahan.
Sa pagkakataon na ito, di ko na siya talaga papatakbuhin sa isipan ko...
0 comments:
Post a Comment