August 20, 2012

ang pangangaliwa ni kristen: just thinking

paumanhin, maramil di ito yung inaasahan mong babasahin na magbibigay sa iyo ng bagong balita tungkol sa pagtataksil ni kristen kay robert. gusto ko lang patulan ang kuwentong ito na. =) . ito ay base sa aking nalalaman at sa aking obserbasyon. 

ngayon, sino makakapagsabi na mangangaliwa si kristen? magandang babae siya, oo. magandang lalaki ang kanyang nobyo, oo. para sa iba, isa sila sa mga perpektong nobyo at nobya. tunay na kinakikiligan ang kanilang tambalan. pero ano kayang nangyari? sabi ko nga, hindi ko isasalaysay ang tunay na pangyayari dahil sa hindi ko naman talaga alam kung ano.

picture from here.

sa kabila ng pagkakaroon ng masasabing perpektong tambalan ng dalawa dahil sa kanilang hitsura, di pa rin masasabing magtatagal ang isang relasyon. marami pa rin akong kakilala na tinitingnan pa rin ang hitsura sa paghahanap ng makakapareha sa buhay. hindi sa hinuhusgahan ko si kristen, pero makikita mo pangyayaring ito ang isang babae na walang kapanatagan sa mundo. sikat siya, maraming pera, kabi-kabila ang mga proyekto ngunit di pa rin siya nakuntento sa kung ano ang mayroon siya. sige, titigil na ako. 

in our eucharist last saturday, our presbyter talked about wisdom of our heart and contentment. it's so hard to be contented these days. a world full of commercialism. however, he stressed out that we can be happy by listening to what God say. our heart maybe a little "marupok" sometimes but to discern is to follow His will. personally, i hate people who turns out to be a cheater but God's will is forgive and accept. you may not forget things like this but you we need to accept the fact that this may happen and we need to understand.

marami nang nasabing masama kay kristen at iba naman ay dun sa lalaking naging kalaguyo niya. ngunit wala tayong karapatan na mag-husga sa kanila. bagkus gamitin natin ang pangyayaring ito para matuto sa kung ano yung pwede nating gawin.

Related Posts:
grace ibuna - the voice of the mistresses v.01
it's always better to do it in a hard way
movie day...
mag-ibigan kayo
ano ang mas importante?

0 comments:

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons