itong larawan na ito ay magpapakita ng katotohanan. wala talagang disiplina ang marami sa atin...
kung ikaw ay laging nag-bibiyahe patungong opisina sa araw-araw, di na kakaiba sa iyo ang tanawin na ito. mga taga-tawag ng pasahero (aka barkers) ay nagkalat sa kalsada. pumupuwesto sila sa mga kanto para mas madaling makatawag ng pasahero. pero madalas, sila pa yung nagiging sanhi na mabigat na trapiko sa kakalsadahan.
barker: gapang* lang boy. gapang lang.
drayber: may naic bang nauna? (sabay bigay ng barya.)
barker: si tonio. kakaalis lang.
*ang ibig sabihin ng gapang ay dahan dahan lang ang paandar. baka kasi maabutan yung naunang sasakyan na kapareho ng ruta.
barker: naic! naic!
drayber: sino nasa unahan? (sabay parada sa gitna ng kalye, dahan dahang gumagalaw habang nag-iintay ng pasahero.)
barker: kaaalis lang.
ito ay mga halimbawa ng isang talastasan sa kalye. nakakalungkot. tila nawalan na nang silbi yung paalaala sa tabi ng kalye na "BAWAL PO MAGBABA AT MAGSAKAY DITO".
matindi pa nito, may mga pasahero pang sa gitna nang kalye sumasakay. kaya naman, nawiwili itong mga drayber na ito para mag-sakay sa di tamang sakayan. gising pinoy! gising!
Related Posts:
0 comments:
Post a Comment