August 25, 2012

katapusan ng agosto

noong una pa lang, nararamdaman ko na. medyo malabo yung langit. pero kahit alam ko na, ay umasa pa rin ako. at ngayong alam ko na, nagtatanong ako - bakit di pa ako nasanay? di ko alam. hehehe.

'yung batid na ng kaluluwa ko pero masakit pa rin sa dibdib.
'yung tanggap ng utak ko pero iwinawaksi ng puso ko.
'yung dapat ay magpasalamat ka pero di ko magawa. 

...ito ung dahilan kung bakit ko pinili ang Diyos kaysa itong mga bagay na ito. sa katunayan, nagdadalamhati pa ako ngayon. gusto ko sanang mag-salita ng marami pero di ko magawa. syempre, kailangan ay respeto na lamang.

kahapon, malakas na naman ang ulan - sumabay sa pagdarahop ng aking puso. akala ko ay patuloy na naman ang pagbagsak nito mula sa langit. lumipas ang ilang oras, pilit nang dumidilat ang aking mga mata. sa aking paggising, naramdaman ko agad ang pagmamahal ng Diyos. liwanag ang bumalot sa aking kapaligiran. nagbabadya ang pagpaparamdam ni Haring Araw at kasabay ang pagtawag ng Panginoon.

tama, sa gitna ng aking nararamdamang pagdarahop ay mahal ako ng Panginoon. sa gitna ng kadiliman ay sisikat ang araw. salamat sa Diyos!


bukang liwayway sa Zaragosa, Espana

Related Posts:
august 31
Road Block
Ang tagulaylay ng isang anak
Uncomfortable Feelings
12.01 am

0 comments:

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons