November 25, 2007

...una ko ito...

-- 1.15.2007

Ang ganda ng gabi ko. Di ko man inaasahang mangarap, ngunit kusang lumalapit at isinisigaw ito ng aking damdamin. Ninais kong isulat ang una kong blog sa wikang aking kinagisnan. Di upang maging kakaiba, ngunit upang magbigay pugay sa aking Inang Bayan.

Ang lahat ng bagay sa mundo ay isang himala at isang biyaya. Himala dahil sa may pwersa na naninikluhod sa aking isipan na gawin ang mga bagay na di ko ninanais gawin. Isip ang ginagamit natin upang intindihin ang mga bagay na di pang-karaniwang mangyari. Mga bagay na di natin binibigyang pahalaga ngunit ninanais nating kalimutan.

Biyaya ang isang bagay na kung saan pilit nating iniintindi ngunit di natin maintindihan. Kaya’t hinahayaan nating puso ang siyang gumabay sa dapat nitong karatnan. Masayang isipin na walang mali sa mundo. Tayo lang tao ang nagbibigay ng depinisyonsa kontekstong ito. Di sinabi ng Panginoon na siya ay mabait…ang sabi nya lang ay Siya ay Siya.

lakad tayo...

--1.25.2007

At nag-karoon nga…Isa sa pinakamahirap gawin ngayon ay mag-lakad ng walang iniisip. Walang pagbabalik-tanaw sa mga nag-daang araw. Kaya nga’t pumapailanlang lagi sa ating mga isipan ang kung ano ang dapat nating gawinn. Isa ako sa mga taong naniniwala na kung ano ang sinabi mo ay dapat mangyari ngunit di ko maisip kung mag-kakaganun nga ang lahat ng mga sinasabi ko. Ang labo ano? Basta’t magkakaroon nga ang salitang dapat nating isabuhay. Naalala ko ang sabi ni Josephine sa Princess Hours (isang tele-nobela na isinalin sa wikang Filipino) – “Tumatawa tayo, umiiyak at napapagod ngunit di tayo nabubuhay. Nakikiayon lamang tao sa takbo nito”. Di natin makayanang ipagtanggol ang kung ano ang gusto natin. Takot tayong may mangyaring masama sa atin sa at sa iba. Di man lahat ay magkakaganun nga, wag nating paka-isipin na di tayo kaaya-aya. Bagkus ay pagsumikapan nating ibangon ang patay nating kaluluwa.

November 13, 2007

Move!...Sulong!

--written: June 22, 2007


Almost five years ago, when I last saw her. And almost four years ago when my last text message was sent to her saying…”I am happy for you.”. She has been my obsession for the last few years. Words such as…”I wanted to see her.” and “ Is she really blooming?”…keep on fluttering in my mind.

Kung ano man siya ngayon o kung ano man ang itsura nya ngayon, masaya ako para sa kanya. Napapanindigan ko na ito ngayon. Katunayan nito ay inalis ko na ang lahat ang isang bagay sa kwarto ko na mag-papaalala sa kanya. Isang bagay na pinangalagaan ko sa loob ng mahigit na siyam na taon. Ngayon, masasabi ko na sa sarili ko na…”Sulong!”.

November 12, 2007

My Millenium Experience I

-- written September 28, 2007

My millennium experience is really fantastic. It was exactly a year a go when the typhoon “Milenyo” struck our country. It was sure one heck of an experience. In fact, it took me a year before could write my experience and deal with what I have thought could be my last day.

It was September 28, 2006; and was supposed to be my fourth day of VB .NET training in DB Wizards. I was very excited to come to the 88 Corporate Tower – where DB Wizards is situated – when my classmate in the training and my office mate as well sent me an SMS asking if we will be having our class at that day. I abruptly answered him back with an improper tone. When I arrived at the building, it was already 10 minutes before 9 am. Luckily, I was able to grab the elevator going up fast. I was alone in elevator. After few minutes, the electrical current in the building fluctuated and you already know what happened next....I got stranded in the elevator for almost thirty long minutes. At first I was not feeling afraid, but I can feel the silence. Normally, I can only HEAR the silence but at that time I can FEEL it. They are slowly devouring every inch of my body. Then, someone speaks via the red speaker found in the upper part of the small hanging box where I am situated. His first words are…”May tao ba dyan?”. I answered, “Opo. Ano pong nangyari?”. And there goes a small chat between me and the man behind the red speaker. I feel that I am no longer part of the outside world. Not because I am inside the elevator but I feel that we in two separate worlds. There are times when the air is empty. No words are coming from the voice behind the red speaker. Suddenly, I found myself texting some of the most important people in my lives. You know who you are guys! Few moments after, I asked myself…”Why am I telling these people what happened to me? Can they help me? Someone is already helping me so what is the reason behind of telling my Mom and other people that I was stucked in the elevator. Am I telling these because I can feel that it would be my last message to them?” How morbid? But, it is true. At that time, I can feel that it could be my last message. Hhhmmm…A lot of pictures suddenly played into my mind. A lot of “WHAT IF’S?” were left unanswered. And now I was looking into the most important questions in my mind…”What are the things in my life that I still wanted to do or achieve?” Hhhmmm…

“Maraming importante sa buhay ko. Ang pamilya ko, ang trabaho, ang mga gawain ko sa simbahan at mga kaibigan. Lahat sila ay naging parte ng maikli kong buhay. Kung ito na ang huli ng mga sandali ng buhay ko ay nais ko sana silang makausap. Masabi man lang ang mga bagay na di ko nasabi sa kanila. Tunay na tunay na kapag ang isang tao ay nasa gilid ng isang panganib ay naiisip nito na ibahagi ang kanyang sarili, at naramdaman ko iyon. “

“Naisip ko ang magiging itsura ko kapag biglang bumagsak ang sinasakyan ko nang walang kaabog-abog. Paano nila makikilala ang durog durog kong katawan? Ano ang magiging reaksyon ng Nanay ko? Mukhang hindi na nya ako makikita na ganito ang itsura. Iiyak sigurado yun at hihimatayin sa araw ng libing ko…Buti na lang nakakuha ako ng isang life insurance. Makakapagpatuloy nang mag-aral yung kapatid kong bunso. Sapat na yung halaga na yun para makapagpatuloy siya ng pagaaral. Sayang at di ko na makikita ang kapatid ko na mag-sayaw sa kanyang debut…Sigurado din ako, di na kami mag-aaway ng kapatid kong pangalawa. Di na kami mag-tatalo at higit sa lahat mas magiging responsable yun kasi wala na ako. Alam ko namang magagawa nya yun, kapatid ko kasi yun eh.”

“Mami-miss kaya ako ng ka-office mates ko? Wala nang mag-tataray sa kanila. Marahil magiging mas mabuti ang buhay nila kasi wala nang maingay sa cube ng Support. Kung di nila ako ma-miss hihilahin ko ang paa nila…Mami-miss ko ang trabaho ko sa Accenture. Isang trabaho na nagpabago ng buhay ko at pananaw ko sa buhay. Di man ito nakikita sa mga gawa ko at sa mga asal ko, pero totoo yun. Masaya ako sa trabaho ko at mahihirapan akong mag-desisyon kung aalis man ako.”

“Mawawala na ako sa sirkulasyon sa Daan - hindi ito Dating Daan ngunit Daan ng Neo-Katekuminado."

Ilang sandali pa, nagsalita ulit yung lalaki. Ang sabi nya ay pababa na raw yung sinasakyan ko kaya wag daw akong matatakot. Nasa gitna daw kasi ako ng “express lane” na kung saan walang mapagbababaan sa akin. Kinalma ko na lang ang sarili ko sa pamamagitan ng pagkuha ng litrato sa sarili ko.

Few more minutes and all I could remember are the faces of all the people outside the elevator eagerly waiting for the next elevator to arrive. Hhhmmm…This might be a short memory of my millennium experience. Surely, my experience with the elevator is amazing and I was able to realize a lot of things.

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons