Kanina, natamo ko ang isang katanungan na bumabagabag sa aking isipan. “Bakit kailangan nating magdasal sa Diyos kung alam naman ng Panginoon ang lahat ng gusto ko?”. Simple lang pala ang sagot. It is to feel His presence. Naalala ko ang ‘yung kuwento ng isang lalaki na hindi nag-simba ng ilang linggo. Dati siyang palasimba, at dahil dito ay nabagabag ang pastor sa kanilang komunidad. Isang araw ng linggo, pinuntahan ng pastor ang taong ito. Naabutan ng pastor ang lalaki sa harap ng isang “furnace” (pugon – wala kasing furnace sa Pilipinas). Sa halip na kausapin ng pastor ang lalaki upang tanungin ang kung bakit di siya dumadalo sa mga nakaraang misa, inalis ng pastor ang isang kahoy mula sa “furnace”. Isang apoy na malakas ang baga. Umupo ang pastor at hindi pa rin nag-salita. Makalipas ang ilang minuto, nawala ang baga sa kahoy. Naintindihan ng lalaki ang ibig ipahiwatig ng pastor sa kanya. Kung tayo ay di lumalapit sa pinag-mumulan ng apoy, ay maaari tayong manghina. At matatanim sa ating isipan na lahat ng bagay na ating nagagawa ay mula sa ating kakayahan at hindi sa Diyos nag-mumula.
May logic naman di ba? Ang yayabang kasi nating mga tao. We are very proud of ourselves. They thought that they could conquer the world by themselves alone. Conquering the world is merely a satisfaction and not a goal. Thank God that we have some friends to help us realize these things.
0 comments:
Post a Comment