I stayed awake until two in the morning just to watch my favorite travel show. Right now, instead of preparing to sleep, I decided to scribble in my journal.
Kanina, naisipan ko ulit na mag-siga sa likod ng bahay namin. Nais ko sana na bugawin ang mga langaw sa likod at syempre para mabawasan ang mga tuyong dahon sa bakuran namin. While doing preparing for the fire, I realized that raindrops are starting to fall. Kaya napag-isipan kong patayin na lang ang apoy sa pamamagitan ng pagbuhos ng tubig dito. At first, it worked out. Nawala yung apoy ngunit patuloy pa rin ang pag-usok nito. Iniwan ko na lang ito. Ngunit pag-katapos ng ilang oras ay tinawag na lang ako ng aking Mommy at sinabing umaapoy yung sinisigaan ko sa likod ng bahay namin. Nagulat ako noong una. Panatag kasi ako na pinatay ko na ito. Ngunit napag-tanto ko na di ito kataka-taka dahil sa napansin kong may usok pa ito kanina.
Sa nakita ko, hanggang may usok pa na nagmula sa sinisigaan ko ay patuloy pa rin ang paglaban ng apoy para mabuhay at lumaban – at ang mabuhay para sa kanya ay kainin ang mga tuyong dahon na pinaglipasan na nang panahon. I suddenly saw the perseverance of the fire to stay alive. But despite this enthusiasm to live, the fire should end – must end. Everything – including us , has what analytic geometry call as asymptote. Asymptotes are formally defined using limits. Ang limitasyon ng apoy sa aking kuwento ay ang mga tuyong dahon. Ang mga dahon na ito ay nag-sisilbing parikit upang tuluyang mabuhay sila. Tayo bilang tao, may mga limitasyon din. Maaari tayong mapagod at sumuko. Nakakaranas din tayo ng mga pag-durusa. Ayaw man natin, ngunit di natin maiiwasan ang mga bagay na ito. Ang importante, alam natin higit sa lahat na kailangan nating tumayo at lumaban. Kailangan din nating gamitin ang lahat na naitatago nating kaalaman upang maging isang tao sa harap ng sanglibutang ating ginagalawan. Madaling gumawa ng paraan para mabuhay, ngunit kaakibat sa pag-gawa natin ng paraan ay isang resposibilidad para maging tao.
I do not have any intention of expounding this idea. I know that people knows what I am trying to say. It is easy to have sex and create a human being but to be human is not as simple as ABC. Nakakatuwa! Mula sa simpleng pag-sisiga sa bakuran ay nabuo ko ang isang sanaysay na tulad nito. Masaya ako dahil alam ko na nandito ang Diyos. Katabi ko para bigyan ako ng hindi lang tuyong dahon ngunit kasama pa ang kanyang pag-gabay habang umaalab ang aking damdamin at hangaring maging tao.
-- June 23, 2007
0 comments:
Post a Comment