February 07, 2009

kahit siguro sandali lamang.

kahit siguro ano ang gawin ko wala akong magagawa kundi ang asamin na makita siya.
kahit siguro sandali lamang.
kahit siguro paano ko man ibaling ang tingin ko sa ibang tao, pilit pa ring pumapaalimbuyo ang kaniyang mukha sa aking isipan.
kahit siguro sandali lamang.
kahit siguro sino man ang pilit kong ipalit ay walang makakapantay sa kanya.
kahit siguro sandali lamang.
kahit siguro kailanman ay mananatili na lang siyang parte ng buhay ko. di na siya maaalis.
kahit siguro sandali lamang.

pero alam kong kailangang lumaban sa agos ng isipan. kailangan di manumbalik ang dating pag-hahanap, pag-nanasang makapiling at pagsusumayong makadaupang palad na muli.

0 comments:

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons