eksaktong 12.28 na nang umaga - 02.14.2009 na. ito pa rin ako, sa tingin ko ay nag-iisa na lamang na gising. tulog na si jay. si john naman mukhang tahimik na sa kwarto - di ko alam kung naka-earphone habang nag-lalaro ng ps3 - at ako, kakaligo ko lang, hehehe.
mahigit isang buwan na kami dito sa chicago. parang bahay ni kuya. kaya lang, sa halip na 100 araw lang, 1 taon. at siyempre walang ma-tatanggal. pero the emosyon ay ganun pa rin. makikilala mo talaga ang mga tao kapag kasama mo na sila sa iisang bahay lamang. wala naman akong masasabing masama sa kanilang dalawa dahil napag-titiyagaan nila ako.
pero bakit nga pala ako nag-susulat ngayon ay dahil sa araw ngayon ng mga puso. sabi ng isa kong ka-klase sa kolehiyo, ang araw daw ng mga puso ay isa lamang komersyalismo. negatibo ang pananaw ngunit totoo. dapat naman kasi araw araw ay may pag-mamahalan. dapat araw araw ay araw ng mga puso. di ko man naisasakatuparan ito lagi dahil marami din akong naging pagkakasala, ang mahalaga ay alam ko ang kailangan kong gawin at nag-titiyaga akong makamtam ang bagay na iyon...
sa tanda ko na ito, masasabi ko na ang araw ng mga puso ay di lamang para sa mga mag-kasintahan. ito din ay para sa mga taong nangingibabaw ang saya sa kanilang mga damdamin dahil sa namamayani sa kanilang puso ang pag-mamahal.
marami na akong minahal. hahaha. wag na nating, isa-isahin kasi marami talaga. pero kaunti lamang ang tumatak sa puso at isipan ko. wala na siya. nawala na siya sa sirkulasyon ng mundo ko, ngunit sa tuwinang nakikita o naririnig ang kaniyang pangalan, naaalala ko siya. marahil, tumibok talaga ang puso ko sa kanya. di ko alam kung ano na ang nangyari sa kanya. ang huli kong balita ay isa na siyang dalubhasa.
ano ba yan? lab layp na naman ang topic ng blog ko. hahaha. pero sa totoo lang, masaya ako ngayon sa kinatatayuan ko. natatakot man sa mga susunod na mangyayari. sa mga susunod na araw, linggo, buwan at taon. alam kong mahal ako ng Diyos. kaya di ako natatakot. kahit puno ako ng kasalanan. maraming nasaktan, pinaglaruan "daw" at iniwanan "daw". alam ko mahal pa rin ako ng Diyos...
ikaw din mahal ka nya. ito talaga dapat ang nilalaman at ipinagdiriwang tuwing "araw ng mga puso". kung ano ang nasa puso natin na dapat ay dalisay na nagmamahal na pinapakita natin sa ating isip, salita at gawa.
0 comments:
Post a Comment