May 21, 2009

tama si tin

Di ko alam pero parang tama ang kaibigan kong si Tin. Nakakainis, kasi parang tanga talaga ako. Ganito talaga ang nararamdaman ng mga taong nahinog lang sa pag-mamahal. Nalilito pa rin ako pero kailangan lang akong maniwala eh. Kasi yun naman talaga ang gusto kong paniwalaaan.

Nakakatawa dahil sa panahon nga ngayon, paniniwalaan mo kung ano ang gusto mong paniwalaan kasi ang tama lang sa iyo ay kung ano ang nararamadaman mo. May sense pa ba? Sa tingin ko kasi kung nararamdaman mo yung nararamdaman ko ngayon, malalaman mo. Di ko naman syempre pwedeng i-expound kung ano man ito dahil magkakaroon siya ng idea. Ang alam ko lang, tanga ako kasi alam ko naman yung limitations ko pero pinipilit ko pa rin.

0 comments:

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons