May 12, 2009

pag-iwan sa mga luha ng kahapon...

ang daming mga panahon na gusto ko pa ring umiyak, pero alam ko na di na kailangan kasi naka-move on na ako. sa tingin ko lang, kung di pa ako nakakabalik sa kinatatayuan ko, gusto kong sabihin ito sa mga taong kasama ko..

-------------------------------------------------------------------------------
malimit, may mga pagkakataon na kailangan na lang nating umiyak para mailabas kung ano ang nararamdaman natin. sa nakalipas na mga panahon, may mga nasaksihan akong mga bagay at pagkakataon na lubos kong ikinalungkot, ikinasaya at ikinagalit. pero ang mahalaga, natutunan kong umiyak at ilabas kung ano ang nararamdaman ko.

masaya ako dahil may mga kaibigan akong laging tumutulong at nakikinig sa kin. mga taong nais na gumawa ng paraan para maiwanan ang mga luha ng kahapon.
-------------------------------------------------------------------------------

0 comments:

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons