October 12, 2009

bakit?

isang taong unti unting pinahihirapan ng pagkakataon. lubos na nilugmok ang sarili sa isang kulungan na di nya kayang pang-hawakan...bakit kaya nya pinabayaan ang sarili na malunod dito?

isang taong nag-mimithing lumaban sa isang sitwasyon na di nya ninais. maaaring isang pag-kakamali ng sitwasyon ngunit di nya mabatid ang dapat gawin para maayos ang lahat. pilit siyang lumaban ngunit ang mga taong nasa paligid nya ang tuluyang naglaglag sa kanya...bakit siya pinabayaan?

isang taong lubos na nag-mahal. batid nya ang kahihinatnan nito ngunit handa siyang lumaban para matamo ang nais niyang maangkin. sa huli, wala siyang magawa dahil natuyo ang talulot ng rosas sa kanyang kamay...bakit nya pinaglaban ang sa tingin nyang walang patutunguhan?

ngayon, bakit? tatlong sitwasyon. tatlong tanong. tatlong pagkakataon. isang tao. kung seseryosohin mo yung lahat ng mga bagay, wala kang magagawa. walang mangyayari. walang mapapala.

laban lang ng laban hanggang sa makita mo yung dulo na wala nang patutunguhan. ang importante lumaban ka.

0 comments:

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons