grabe lakas ng hangin labas.
galing ako sa franklin park para sa word namin pero nung pauwi na ako. sobra ang lakas ng hangin sa train station. dun ako sa gilid ng office station pumuwesto. para at least natatakpan ako ng malakas na hangin at may maliliit na rin na patak ng tubig kaya magandang parte ito para silungan.
habang nag-iintay ako ng train ay may naka-daupang palad akong isang amerikano. madaldal siya pero nakakatuwa. animnapu't anim na taong gulang na siya ngunit kitang kita sa kanya na malakas pa ang kanyang pangangatawan.
marami kaming napag-usapan. tungkol sa "labor union", sa "bob cat", sa "welding", sa salamin nya sa mata, sa "DUI", sa "politics" at syempre di ba mawawala si "Manny Pacquiao" at "Oscar dela Hoya".
natuwa ako ng husto sa kanya. naalala ko yung namayapa kong ama. kung buhay siya ngayon, pareho sila ng edad. ganun din yung tatay, madaldal. maraming kwento. mayabang din. hahahaha! wala lang. na-miss ko lang yung tatay ko. promise! di ako nalulungkot. natutuwa pa nga ako eh kasi parang nakita ko yung tatay ko ulit.
0 comments:
Post a Comment