October 08, 2009

isang katotohanan na mahirap takasan

malimit di natin nakikita yung pinag-papaguran ng iba. di natin namamasid na makabuluhan pala. ang gusto lang natin, kabig ng kabig. di nasasalamin na mahirap mag-trabaho. mahirap gumawa ng mga gawaing bahay habang nag-gagawa ng kailangan mong gawin. mahirap umintindi sa mga taong ayaw naman umintindi kahit anong paliwanag mong gawin. alam mong tama ka pero di mo maipilit kasi ayaw nyang tanggapin na mas magaling ka sa kanya.

pero sa kabila ng lahat ng ito. dapat masaya ka pa rin, kasi nalalaman mo na may nasasaktan pala kung kain ka na lang ng kain habang yung iba nag-tatrabaho. mahirap pala yung trabaho ng isang nanay na nag-tatrabaho kasi kinakailangan nyang mag-banat ng buto habang ginagampanan pa rin ang pagiging nanay ng kanyang mga anak. mahirap din pala minsang makipag-trabaho sa isang Edward Alejo kasi ayaw ko ding intindihin yung ginagawa ng iba.

kailangan maging mapag-pasensya dahil marami pang mangyayari sa mga susunod na limang minuto, limang oras, limang linggo, limang buwan o limang taon. (galing kay Bea Alonzo sa pelikulang And I Love You So) =) . di naman ako nag-rereklamo. isa lang itong katotohanan na kailangan nating malaman.

0 comments:

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons