ang salitang “moving on” ay nangangahulugan ng maraming bagay. ngayon, sa aking kalagayan, ito ay nangangahulugan ng pag-papanibago ng nakagawian ko nang buhay sa loob ng mahigit na limang taon. ang buwan ng mayo ay napaka-halaga sa akin. dito ko napatunayan na kung para ka sa isang lugar, para ka doon.
ika-7 nang mayo ang huling araw kong makakapiling ang mga taong nakasalamuha ko nang mahigit na limang taon. limang taon at labin-isang buwan. isa itong grupo ng mga tao na minahal ko at minahal din ako bilang isang tao. sige, hindi lahat ng tao ay nagustuhan ang ugali ko. at marami din sa kanila ay nakasagutan ko. mataray daw kasi ako. di ko ugaling ipagtanggol lang ang sarili ko sa paraang ganito dahil alam kong di dapat. pero wala akong magawa kundi sabihin na may dahilan ang lahat ng bagay. kung natatakot sila sa akin, wala akong magagawa. mabuti na yun kaysa walang mapala ang lahat ng pinag-hihirapan namin.
kung ano’t ano man, wala na naman akong magagawa kundi sumulong at ipagpatuloy ang buhay. ang mga taong ito ang naging comfort zone ko sa mga taong nais ko nang sumuko. mahirap man pero kailangan kong sumulong at maghanap ng para sa akin. salamat sa mahigit limang taon.
0 comments:
Post a Comment