masaya ako! at walang makaka-alis sa akin nito. lampas alas-dose na pero nandito pa rin ako kaharap ng laptop dahil sa sobrang saya ko.
4.45 pm ng 6.19, nasa pamplona pa lamang ako. kailangan kong makarating sa the fort ng 5.30 pm. kaya, nag-taxi na lang ako papunta dun. pero guess what? nagkaligaw-ligaw talaga kami ng taxi driver. pero kahit ano pa, kailangan maging maganda ang mood ko. after few minutes, umulan ng malakas! waah! parang tinatamad na ako. or baka naman ma-postpone ang event. hehehe. few more minutes, manong and i arrived. yahoo! pero may problema, mali yung pinag-bababaan sa akin ni manong. kaya kailangan kong tumakbo sa papuntang gate para di masyadong mabasa. since malakas nga ang ulan, nabasa na rin ako. mahaba-haba din kasi ang tinakbo ko. madami nang tao ang nakasuot ng kanilang costume (lol! costume talaga ang tawag ko!). unang tanong ko sa taong nakita ko, “would you know where the registration for the run is?”. sosyal kasi mga tao dun kaya kailangan akong mag-english. lol! itinuro naman sa akin kung saan ko kukuhanin yung kit para sa akin. may ilang tao akong naka-usap para pag-tanungan kung saan ko kukuhanin ang complimentary kit ko, pero pinag-pasa-pasa pa rin ako sa ilang mga tao. (hay pinoy talaga!). in the end, nakuha ko rin naman. next step, mag-suot ng costume.
sa mga oras na iyon, nag-aagam-agam pa rin ako. tutuloy ba ako o hindi...
edward: baka kasi mag-kasakit talaga ka.
martin: pero sayang naman, libre ito! kaya, tumuloy ka na.
edward: sige, isusuot ko na lang yung binigay nilang shirt.
at yun na nga. unang pag-kakataon kong mag-suot ng muscle shirt (hiya ko kasi sa mga stretch marks ko). hahaha! di ako sanay mag-suot ng ganung shirt. hahaha! mali pala, hindi talaga ako nag-susuot ng ganun. pero, nagawa kong isuot ang magiging sandata at baluti ko sa mga susunod na oras o minuto ng buhay ko. in short, naka-costume na rin ako. lol! iniwan ko ang favorite green bag ko sa RNNER na store sa B3 building.
di talaga pede yun. pero nakiusap lang ako. lol! siguro, mainit lang talaga ako - translate ko sa english ah "i think i look hot with muscle shirt" - kaya sila pumayag. lol! ericka yung name ng manager nila. siya yung kausap ko. lol!
kahit nakasuot na ako ng costume, nag-dadalawang isip pa rin ako.
edward: sige, oks lang na magkasakit. matagal na akong di linalagnat. lol! pero nanghihinayang ako sa relo at sapatos ko.
martin: ang arte mo naman. di ba waterproof yung relo mo?
edward: di ko alam. di ko naman nilulubog yung kamay ko sa tubig kapag suot ko ito.
martin: water proof yan! malabong hindi.
edward: oh sige na nga. cleared na ako sa relo ko. tutal naman, madami na rin naman ang naitulong sa akin nito. it served me well.
...
(tumingin si edward sa tech4o na relo nya at hinalikan ito.)
...
edward: at saka libre lang naman ito sa cp points ko. sige na. pede na yan!
martin: kitams! takbo tayo aahh. magiging masaya ito.
edward: sige. pero, pero...
martin: ano na naman?
edward: yung sapatos ko.
martin: anong problema? eh basa na yan.
...
(biglang naalala ni edward nung nasa L.A. siya, kasama ang dalawa nyang kaibigan. sa may kodak theatre, may parang fountain dun na pedeng pumasok sa loob. gusto ni edward na tumulad sa mga batang nag-lalaro sa fountain pero di nya ginawa. ang rason? ayaw nyang mabasa ang neon green nyang sapatos. lol! ang arte!)
...
martin: tsaka, binili mo yan para gamitin sa pagtakbo! para gamitin mo. ikaw talaga.
edward: oo nga. pero di tumakbo sa ulan. gets?
martin: bahala ka dami mong rason. tatakbo ka ba o hindi?
edward: oh sige na nga! babasain ko na ang sapatos ko na "the shoes that think of your feet" - lunarelite +.
martin: wii! pero yabang mo aah. lol! wasakin ko yang sapatos mo eh.
edward: e di umuwi ka ring nakayapak.
martin: oo nga naman. sige na nga. wii!
humakbang na ako palabas ng building at handa nang sumugod sa ulan. pero balik agad ako. lol! isang mallllaaalim na buntong hininga tapos sabay takbo palusob sa bumubunghalit na ulan papuntang kalsada. yahoo! yeaba! wii! lahat na nasabi ko. malapit na ako sa kalsada nang ininform nung organizer na nag-simula na yung race. waahh! kaya, instead na tumigil ako. tuloy tuloy na ang takbo.
ang saya! super saya. parang bumalik ako sa pagkabata. naglalaro sa ulan. tumatakbo. napagtanto ko na lang na, na ilang buwan ko na nga pala ginagamit ang sapatos na ito. ang aking lunarelite + na sapatos. (ang yabang ko talaga! lol! minsan lang kasi ako magkaroon ng ganito kaya mahal na mahal ko.) kailangan nya na talagang malinis! at ito! ito ang paraan para malinis ang sapatos. i turned on din yung pedometer ng tech4o na relo ko! yahoo! saya! takbo! takbo. yung iba, naglalakad na. pero ako takbo pa rin. ang saya. sa unang labing siyam na minuto, alam ko maganda yung pag-hakbang at pag-hinga ko. proper pacing kung baga. lakad ng tatlumpung segundo tapos takbo ulit! makalipas ang tatlumpung minuto, tapos na! tatlumpung minuto aahh! lol! ang saya! sobrang saya ko! at mas masaya kasi may ulan. lol!
0 comments:
Post a Comment