ang susunod na liham ay para sa isang tao. tinago ko siya sa pangalang gladys reyes para sa personal niyang kapakanan. ito base sa mga tunay na pangyayari sa buhay-opisina.
dear gladys reyes –
alam ko nahahalata mo na galit ako sa’yo dahil sa malimit kong pag-iwas sa iyo. ngayon, masasabi ko sa iyo na di ako galit sa iyo, sobrang sama lang ng loob ko sa iyo. oo, masama ang loob ko dahil sa pakiramdam ko ay inagaw mo ang para sa akin. magaling ka naman eh, pero para kasing inangkin mo lang lahat. gusto mo, sa’yo lahat ng papuri. nasa tate ka pa nun, nung marami kang tinanong sa akin ng mga bagay bagay na di mo naman usually tinatanong. sinagot ko naman lahat ng tanong mo at karamihan ay isinalin mo sa isang dokumentong inari mong sa iyo. IYONG IYO. nakalimutan mo yata na parte ako sa idea na sinusulong mo. sa katotohanan, nakita ko pa nga yung mga bagay salita ko sa dokumento mong ginawa. ang kapal nang mukha mo. sobrang kapal nang mukha mo. kinuha mo pa ang atensyon nilang lahat at ako ay nasa isang tabi lamang. alam mo yung nararamdaman ko nun? sobrang galit. para akong ninakawan ng isang candy.
ikaw ang pangunahing dahilan kung bakit ninais kong lisanin ang comfort zone ko. masikip na ang mundo natin. kailangang may lumisan sa isa sa atin. at dahil sa tingin ko ay panig ang lahat sa iyo at nakuha mo ang kanilang simpatya, ako na lang ang nagpumilit lumisan. pero dahil sa kailangan ko nang mag-move on, papatawarin na kita. ipinag-papa-Diyos ko na lang ang lahat ng ginawa mo sa akin. kaya patawarin mo rin sana ako kung isa lang ang nasa isip at damdamin ko. ulitin ko, patawarin mo ako dahil dito.
pinangako ko, na tapos na ito. ito na yung huli kong beses na sasabihin at babanggitin ang ginawa ng kapalastangan sa akin. pinapatawad na kita. kaya sana mapatawad mo rin ako.
gumagalang kahit asar sa iyo,
judy ann santos
0 comments:
Post a Comment