July 31, 2008

Blackout

Nanunuod ako ng telebisyon kanina nang nawalan ng kuryente. Naturalmente, dumilim ang paligid. Wala akong makita. Kung kilala mo ako ng lubos, alam mong ayaw ko ng madilim kasi malabo ang mata ko kapag madilim at halos wala akong makita. Kaya naman nalungkot ako dahil sa hindi ko mapapanood ang paborito kong palabas sa telebisyon, malamok din ang paligid at walang “electric fan”.

Sa kabila nito, ayos lang din naman ang walang ilaw dahil sa mas nakikita ko ang di ko nakikita. Noong nasa ikalawang taon ako ng mataas na paaralan, natutunan ko na ang mata ng tao ay pinipilit umangkop sa kanyang paligid. Maaaring ito man ay maliwanag o madilim. Ganun na nga lang ang nangyari. Unti unti kong napansin na tila maliwanag sa labas ng bahay. Isang pamilyar na liwanag na di ko napapansin matagal na. Naaalala ko ang mga masasayang parte ng buhay ko noong bata pa lamang ako.

…naalala ko noong mga labing isang taon gulang pa lang ako nang naglalaro kami ng mga pinsan ko sa labas ng bahay ng lola ko. Masaya kaming naglalaro ng patintero at hagaran.

…naaalala ko ang lola ko habang nag-kukuwento ng mga istorya tungkol sa paring nagpapakita sa may Gate 4. Itong pari daw na ito ay putol ang ulo. Natatawa na lang ako dahil naniniwala pa rin ako sa kwento na iyon.



Lahat ito ay nangyari ng mga gabing laging blackout...

Napakaganda ang paligid. Lalo pa’t kung ito ay nakikita mo sa pamamagitan lamang ng liwanag nang buwan. Salamat sa blackout.

Ang tagulaylay ng isang anak

Di ko maisip kung ano ang nangyari…Kung ano ang mali? Kung sino ang nagkasala sa ating dalawa. Noon di kita pinapansin. Labas pasok ka man sa pintuan, di kita iniintindi. Wala akong pakialam kung ano man ang sabihin mo sa akin. Payo mo, pagmamalasakit galing sa iyo o pagalit mula sa iyo. Lahat nang ito ay bale-wala sa akin. Sabi ng iba, dapat daw pasok sa isang tainga ngunit lalabas naman sa kabila. Ganun ang iniisip ko at ganun nga ang nangyayari. Marami akong mga litanya na gusto kong balikan ngayon at alalahanin. Ngunit, wala akong matandaan miski isa.

Nagkamali ka man, ngunit iyong pinagsisihan. Pilit mong binabalik ang nakaraan tulad ng tawanan, hiyawan at hagakgakan. Ibinaba mo ang iyong sarili mo sa lebel na di mo maarok. Ginawa mo ito para mahuli mo ulit ang loob ko. Ngunit sa tingin ko, huli na ang lahat. Humingi ka man ng tawad pero ang puso ko ay natigang na sa galit.

Hindi ko alam pero mukhang ganun talaga. Ang lahat ng pagsisisi ay pawang nasa huli. Noon di ko maintindihan. Ngayon medyo nauunawaan ko na. At dahil dito ang daming naging sana…


…sana tinanggap ko ang paghingi mo ng kapatawaran.
…sana ibinalik ko na lang talaga ang kahapon na tayo ay masaya.
…sana pilit ko na lang ibinaon ang masasamang pangyayari.
…sana di na lang kita binastos.
…sana sinunod ko na lang ang mga bagay na dapat gawin.

Patawad. Ito lang ang masasabi ko ngayon. Hinihingi mo ito noon ngunit ngayon ako naman ang humihingi ng patawad sa iyo. Nasaan ka man, sana ay matanggap mo ito. Dahil sa naganap na di inaasahang pangyayari sa ating dalawa, maraming nabago...

…naging iba ang pananaw ko sa buhay.
…naging iba ang takbo ng mundo.
…naging iba ang balakin ko.
…naging iba ang buhay ko.
…naging maliit ang mundo ko.

Sana ay nandito ka sa tabi ko. Sana ay nakikita mo ako ngayon. Kahit na alam kong matutuwa dahil ito ang gusto mo, gusto ko pa ring malaman ang sasabihin mo. Gusto ko pa ring marinig yung sasabihin mo kahit ano man yan. Kahit alam kong imposible, sana ay nandito ka. Sana ay nandito ka sa tabi ko.

July 06, 2008

I celebrated a life

Every morning, I feel good. This is because I believed that “yesterday ended last night”. Marami man siguro akong nasagasaan kahapon, alam ko na ang umaga ang siyang makakapagsabi sa akin na – “may bagong araw para magbago, para humingi ng patawad sa mga di nakasundo”.

Isang umaga, di ko inaasahan ang mga pangyayari. Pababa na ako ng bus sa Buendia nang mapansin kong ang bagal ng usad ng mga taong bumababa. If you know me personally, you would know that I am grumpy with in terms of being sluggish. Anyways, people are queued up near the exit door. I can feel that everyone is eagerly waiting for someone else to come down. My instinct is correct and this time the culprit is an old guy with a “tungkod”.

Nang makababa na siya, nag-patuloy siya sa pag-lalakad. Kapansin pansin ang kanyang kahinaan dahil sa uugod-ugod na siya. Sa totoo lang, wala akong intensiyon na tulungan siya. Medyo nagmamadali na ako nung araw na yun dahil sa gusto kong pumasok ng maaga. Nakatatlo na akong hakbang papalayo sa kanya nang mapag-desisyunan ko na…tulungan ang matanda. Bumalik ako sa kanya at tinulungan siyang mag-lakad. Inalis ko ang earphone ng mp3 player ko sa tainga ko, tinanong ko siya kung sino ang kasama niya at magiliw nyang sinagot na wala. Kung ano man ang rason ng kanyang pag-iisa ay di ko na tinanong yun. Ang mahalaga sa oras na yun ay tinulungan ko siyang lumakad papunta malapit sa pathway ng service road. Nang makarating kami sa pathway, buong sigla niya akong pinasalamatan at nagbigay ng senyas na maari na akong umalis dahil kaya na nya.

“I celebrated a life”. This is the first phrase that came out from my mind. Indeed, I celebrated a life with an old man. The feeling is so great - especially when the old man whom I did not even dare to ask for his name – gave me grin and a warm…“Thank you”.

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons