July 31, 2008

Blackout

Nanunuod ako ng telebisyon kanina nang nawalan ng kuryente. Naturalmente, dumilim ang paligid. Wala akong makita. Kung kilala mo ako ng lubos, alam mong ayaw ko ng madilim kasi malabo ang mata ko kapag madilim at halos wala akong makita. Kaya naman nalungkot ako dahil sa hindi ko mapapanood ang paborito kong palabas sa telebisyon, malamok din ang paligid at walang “electric fan”.

Sa kabila nito, ayos lang din naman ang walang ilaw dahil sa mas nakikita ko ang di ko nakikita. Noong nasa ikalawang taon ako ng mataas na paaralan, natutunan ko na ang mata ng tao ay pinipilit umangkop sa kanyang paligid. Maaaring ito man ay maliwanag o madilim. Ganun na nga lang ang nangyari. Unti unti kong napansin na tila maliwanag sa labas ng bahay. Isang pamilyar na liwanag na di ko napapansin matagal na. Naaalala ko ang mga masasayang parte ng buhay ko noong bata pa lamang ako.

…naalala ko noong mga labing isang taon gulang pa lang ako nang naglalaro kami ng mga pinsan ko sa labas ng bahay ng lola ko. Masaya kaming naglalaro ng patintero at hagaran.

…naaalala ko ang lola ko habang nag-kukuwento ng mga istorya tungkol sa paring nagpapakita sa may Gate 4. Itong pari daw na ito ay putol ang ulo. Natatawa na lang ako dahil naniniwala pa rin ako sa kwento na iyon.



Lahat ito ay nangyari ng mga gabing laging blackout...

Napakaganda ang paligid. Lalo pa’t kung ito ay nakikita mo sa pamamagitan lamang ng liwanag nang buwan. Salamat sa blackout.

0 comments:

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons