October 31, 2008

chantal prym

di ko akalain na mahuhulog ako sa isang sitwasyon tulad ng kay Chantal Prym...
ang hirap grabe...
alam ko kung ano ang tamang gawin, pero ang hirap gawin...

wala ako sa mood mag-trabaho...
gusto kong kumain ng kumain...
gusto kong umuwi...
gusto kong umiyak...
gusto kong tumawa...
gusto kong mabaliw...
wala akong masabi ng matino...
gusto kong tumalon sa gusali...
gusto kong sumigaw...
gusto kong mainis...
gusto kong magalit...
gusto kong manahimik...

pero kailangan kong maging propesyonal...
kailangan mag-trabaho...

October 29, 2008

go team phil!

amazing race asia fever is on!

i hope that team philippines will win this time...



October 27, 2008

smile...

most of the times, even though you feel that this so-called earth is slowly devouring your inner senses, you just have to smile…

kahit na sa tingin mo ay wala kang kasama sa pag-lalakbay mo. kailangan mo pa ring ngumiti…

benchè siate solo, sorriso.

October 17, 2008

masaya lang ako

di ko alam...
masaya lang ako...
minsan ko lang maramdaman ang pagiging masaya...
yung masaya na alam mong di mo malilimutan sa mga susunod pang araw...

mga dahilan...
a. bumili ako ng tatlong libro. mga maliliit lang na libro. lahat sila ay nasa wikang ingles ngunit dalawa dito ay mula sa mga pilipinong manunulat.
b. natanggap ko na yung pinakakaasam kong pera. matagal ko nang inintay yun. ngayon lang dumating. kaya pakiramdam ko ay mayaman ako. pero siyempre pakiramdam lang yun...
c. nakatulong ako sa matanda kanina, tinulungan ko siyang bumaba sa sasakyan. ang sarap ng pakiramdam kung nakakatulong ka...
d. marami akong bagong natutunan sa opisina. mga bagay na sa una ay tingin kong mahirap ngunit ngayon ay nakakagamayan ko na...
e. nakausap ko si tita ko. medyo matagal din kaming nag-usap. nasa seattle siya ngayon.
f. nakausap ko din ang isa sa mga pinagkakapitaganan kong taga-pamatnubay. si ana. kahit di ny agad ako nakilala ay ayos na din....
g. di ko alam yung pakiramdam, ngunit sa tuwinang naririnig ko ang ringing tone ng cellular ko ay may gusto akong makitang pangalan. pangalan na nakakapag-paligaya sa akin kapag kausap ko siya sa mga sms. matagal na kaming mag-kakilala. nanaisin ko din na di na mag-banggit ng iba pang detalye, baka nababasa nya ito. pero sa tingin ko naman, wala naman akong sinasabing masama, sabi ko lang naman ay masaya ako kapag nababasa ko ang mga sms na galing sa kanya...
h. marami pang iba pero higit sa lahat. pero higit sa lahat ng bagay, natapos na naman ang isang linggo na punong puno ng tuwa.

di ko malilimutan ang linggo na ito...
kaya tatalikod na lang muna ako...

October 10, 2008

ok na ako ngayon

Nang mag-punta akong muli sa Baguio, bumalik ang lahat....
Di ko alam kung maganda yun, pero mas ok na yun para malaman ko kung OK na talaga ako...

Isa ngayon sa kinababaliwan kong kanta ay itong OK NA ng MILK AND MONEY...
Ito yung lyrics...
--=================
Ok Na

Nagkita
Isang umaga sa buendia
Agad nilapitan
Kamustahan
Nagkangitian
Naaalala ang mga nakalipas
Sa iyong mga mata pala
Kitang-kita
May tinatago ka
Para bang gusto mo kong balikan
Pero...hindi na...wag na lang

Kasi..ako ngayon...

Ok na ko ngayon...di tulad ng dati..umiiyak sa iyo
Ok na ko ngayon...di tulad ng dati..umaasa sa iyo

Nagpaalam
Akoy aalis na
Salamat..sa munting kwentuhan
kelan tayo magkikitang muli?!
Sabi ko, hindi na..di na kailangan!
Paalam na...o,giliw ko!
Akoy lalayo na
Lumigaya ka sana
wag mong kalilimutan
Isang paalala
Na para sa yo

Kasi..ako ngayon...

Ok na ko ngayon..di tulad ng dati..umiiyak sa iyo
Ok na ko ngayon,,di tulad ng dati..nahihibang sa iyo

Ok na ko ngayon..di tulad ng dati..umiiyak sa iyo
Ok na ko ngayon..di tulad ng dati..umaasa sa iyo
Ok na ko ngayon..di tulad ng dati..natotorete sa iyo
Ok na ko ngayon..di tulad ng dati..nahihibang sa iyo

--=================

So, sa tingin mo OK na ako???

Sa tingin ko naman, nabubuhay na akong wala si GL...

October 08, 2008

Princess Hours

Yup. Nanonood ako ng mga Koreanovelas. Ang kaso, kailangan TAGALIZED siya.

Nanonood ang addict (addict sa Koreanovela) kong kapatid ng Princess Hours nang ako ay dumating. Naisip ko agad, hindi na naman ako makakapanood ng Trip na Trip. Tapos nakita ko yung episode na pinapanood nya. Ito yung episode na gustong-gusto ko. Kaya nakipanood ako…

Prince Gian: Minsan gusto na kita pakawalan. Minsan gusto pa kitang makasama. Kaya hanggang di ko pa alam ang gusto ko, maaaring bang subukan nating mag-sama?
Princess Janelle: Bakit para tumawa ka?
Prince Gian: Dahil sa masaya ako kapag kasama kita.


Hindi ako typical na romantiko na tao pero natutuwa ako sa mga linyang ito. Kung titingnan mo sa unang titig, parang may pag-kagahaman si Prince Gian dahil sa medyo makasarili siya. Pero kung napanood nyo yung buong Princess Hours, makikita ninyo kung paano siya nabago simula nang magpakasal sila ni Princess Janelle. Mula sa isang taong malungkot, unti unti niyang nakikita ang liwanag ng kaisipan at kagandahan ng isang mundo na di nya inaakalang makikita nya habang siya ay isang prinsipe. Kaya siya nalilito. Kung papakawalan ba niya o gusto pa niyang makasama dahil sa di niya alam kung ano ang nararamdaman ni Princess Janelle.

Para sa akin, Princess Hours ang isa sa pinakamagandang Koreanovela. Nakapanood din ako ng ilan, ngunit kapansin pansin para sa akin ang istorya at mga pangyayari dito.

Princess Janelle: Alam mo ba na sa tuwing nakikita kita nararamdaman kong mas malungkot ka sa akin? Kaya di ko man sinasadya nahulog na pala ang loob ko sa iyo.

May pahabol pa ako ano? Hehe. Sabi yan ni Princess Janelle kay Prince Gian.


I got the picture from http://en.wikipedia.org/wiki/Image:GoongCast.jpg

October 07, 2008

Life is too short...

Sometimes, it is nice to see how people make fool of themselves. These people thought that they are right but we all know that truth lies on how people understand situations. Big Brother once said that it is good to express how you feel but it is better to seek for understanding on the people you deal with. I am trying my best to live each day of my life with this principle. Most often than not, I fail but I keep on doing my best to become better and better everyday. My life is too short to criticize others and make fun of them.

October 06, 2008

baguio tour ulit kasama ang mga ko-workers ko

nag-punta ulit ako sa Baguio kasama ko ang mga kasamahan ko sa opisina...



masaya kasi ang daming nangyari, todo ang usap, tawanan at isama mo pa dyan ang todong kainan...



nawalan ng kwenta yung pag-babawas ko ng timbang, dahil sa dami ng kinain ko...





masaya. parang wala nang lunes.

tiyak na kapag nawala na ako sa team, ma-miss ko sila ng sobra.

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons