August 30, 2011

pilgrimage to madrid v.07

we are all excited to see the pope! maaga kami nagising, to pack our things and get ready to rumble. i am not expecting anything or any event so come what may. i was about to wear a pants but unfortunately alfonso and esther told me that its going to be a very hot day - some 40's in C.

9 am is our assembly time @ the parish. we were able to get inside the cuatro vientos by 12 pm. imagine?! 3 hours? lol! the place is quite crowded and i hate it because i think (i just think of it) that have a slight fear of enclosed places especially if its a huge number of peeps/huge crowd - ochlophobia. anyways, going to E2 is another trouble. the scorching heat from the sun is not helping. we were able to get a good place. after a while, we decided to get some water from the faucet. water? what water? no water? lol! luckily, i still have a couple of bottles.

after a while, there were some not so friendly italian friends that ruined our day. they built a tent for themselves and is blocking the perfect view of the widescreen that we have. as in, oh my!? smells some trouble. but of course, things like this always happen. some unfriendly neighborhood peeps. lol!

the temp is really high! i saw some peeps with their nose bleeding. luckily, not mine. @ around 6 pm, sun started to set. i roam around to see my friendly chicagoans - but no luck. it's like looking for a needle in ten haystack.

then, the pope arrived. yahoo! people are chanting - BE-NE-DIC-TO! (with claps out of no where)...some peeps started to talk for the vigil and one of it is a Filipina (representing Asia) asking the pope a question -

It is my desire to reach high goals, but success and big dreams are always linked to amassing wealth and high positions. How can I be faithful to my faith without distancing myself from society?
and the pope answered...
In the Gospel, Jesus gives us an answer...Deep in our hearts, we yearn for what is grand and beautiful in life, but ground them in Jesus. 
*more of this found in Filipina represents Asia in Q&A with Pope.

not as what i was expecting but fair enough. it is true. however, what drives me crazy is the series of event that happened while reading the gospel - John 15:1-17. the rain poured over us. after reading the bible, the event needed to stopped for the winds are quite strong and the rain is getting heavy. people started to shout (out of joy) and some peeps from E2 started singing songs from the neo-catechumenal way. it was awesome. then, the pope gave his speech, it is short but very surprising (di pa tumitila ang ulan nito) - "stay with me" yun yung naalala kong isa sa mga sinabi nya. and i just uttered, yes lord i am going to stay with you. i was so strucked. it's as if God is talking to me through the pope. tumayo talaga yung balahibo ko habang nakikinig ako sa player ko.

the pope, sa wide screen...

di ako pedeng lumapit, so ganito na lang...

the closest view...

the stage...

anyways, the ceremony ended. the question is how are we going to sleep. ahahaha! 3 am na di pa ako makatulog. nakahanap din kami ng paraan. kahit ano man yan. sabi nga, basta inaantok, kahit anong pwesto yan. lol!

pilgrimage to madrid v.06

we're about to go to toledo. medyo na-late na naman magising mga kasama ko kaya nag-mamadali sina alfonso at si esther. haha! medyo off din kasi di ko man lang sila ginising. anyways, we were supposed to have euharist early morning pero dahil sa may gagamit daw ng simbahan, di kami natuloy. may nakita din kaming vandalism sa harapan ng simbahan. dalawang vandalism na tahasang nagtatakwil sa simbahan.

la iglesia; aliada historica del fascimo (the church is historically allied with fascism)
and

JMJ fuera! (World Youth Day out!)
grabe di ba? Mons gave a short background of the first - which drags the name of Franco. galing. dami kong natutunan.

while on our way to toledo, one sister gave a short background about the people and culture of the city. she said that christians, hebrews and moslems are peacefully living in this city. the setting of the city is medieval and it's hilly streets makes the tour a little more exciting. ang galing!

natutuwa ako ng sobra. nagustuhan ko ang zaragoza at avila pero mas nagustuhan ko ito! i love toledo! nakakapagod lang lumibot. masaya ding makapag-bonding sa mga kasama ko. ang reklamo ko lang ay ang mabigat kong pasanin. lol! pasan ko ang krus literally, pero oks lang. instead of going or coming in to the places that was assigned to us, we just went to on shopping and nagpunta lang sa labas ng mga stations. i enjoyed it a lot!

i saw a lot of interesting people and met a couple of old ladies whom we've shared for a couple of mins. di man kami magkaintindihan in most of our words, they are well informed of our mission which is to spread the words of God and they are very thankful.

at sa lahat ng mga places, mawawala ba naman ang pictures!? lol!

one of the many streets in toledo...

two priests eating gelato in a street of Toledo...

pagod na ako...

breathtaking...

simply captivating...

we ended the day with a eucharist. we were also given the id's that we need for tomorrow's big event. yahoo! and that is meeting with the pope! i'm so excited...

pilgrimage to madrid v.05

last day namin sa zaragoza. at ganun pa rin yung pagkain. lolz! pero ok lang. pinag-hihirapan nila yung binibigay nila sa amin so i should still be thankful. nakaligo ako ng maaga at nag-balot ng gamit ko ng maaga.

it was am awesome day sana kaso lang umulan. i had some bonding time with dante as well. kwentu-kwentuhan hanggang sa we have to ride the bus na. we're on our way to avila.

we arrived avila as expected. i am with josephina, dante, dindo and father paulino sa table. i realized na i was really having a good time with them talaga. si jean from bicol ay nahihilo daw. i told her na baka may bonamine ako sa bag. nung nalaman kong wala at dolfenal lang, i still offered it to her. she turned it down.

kung nagandahan ako sa zaragoza, avila is different - it's jaw droppingly great. the theme is historic. paulino shared a little history of the walled city. if we have intramuros, spain has avila. this walled city came into place in defense of the Moors. the walls are towering but a lot thinner than what we have in intramuros.

entrance pa lang ng avila...

cathedral ng avila...

pictures, pictures and pictures. i had a lot of pictures. we went to San Jose Monastery. this was by st. therese of avila. napaka-inspiring nung kanyang story. its reformation to what she believes in. she never hesitated to condole the practice. dati daw kasi kapag mayaman yung mag-mamadre ay she'll have a lot of different things for her. but with st. therese, di ito dapat. she reformed the system and she reformed the idea. galing di ba?

on our way out, we saw some people doing popular mission and they were from spain. galing! we did a popular mission with them. its goosebumps, once philippines and spain are enemies but now they are allies in spreading the words of god.

one word - goosebumps - former enemies but now allies in spreading the words of God.

picture ulit...

dito din sa avila ko na-practice ang unang una kong spanish statement - "donde es..." lol! so fun!

in the end (on our way to madrid), paulino gave a very heavigat na words. that we do not have to build a new one in reformation. we just have to reform what we have right now. as pilgrims and part of the neo catchumenal way, we are part of the newly evangelized people. it is our turn to be the reformers so we can reform the idea of what the church is....galing di ba?

pilgrimage to madrid v.04

7 am daw yung pagkain. kaya naman ako, maaga pa lang ay gising na. alam ko rin naman kasi na marami ang maliligo so dapat talaga ay maaga ako. as usual, kumain ako mag-isa at di ko pa rin gusto yung pagkain. lol! after kong kumain, bumalik ako dun sa higaan ko at naidlip. then afterwards, pumunta na ako sa bus. nakakita ako ng flower shop ang name ay "ideas en flor" kaya naman picture ko agad. lol! namiss ko yung mahal ko tuloy.

flower shop sa tapat ng tinutuluyan namin sa zaragoza...

we first went to huesca. birthplace ng santong si st. lawrence. grabe talaga yung feeling kapag maraming kayong mga nagpapahayag at kumakanta para kay Christ. ako naman ang taga-hawak ng cross ng bus namin.


nung nag-popular mission kami ay sama sama kami nila claro, yung asawa nya, si julie, si dante, si claren at si ino. medyo iba yung pakiramdam ko nung una. may nakausap kaming espanyola, na marunong mag-english. yun yung kinausap namin. buti na lang ay mabait sila. afterwards, bumalik kami at pumunta na sa shrine ni st. lawrence. maraming paintings! ang galing! kumain kami ng lunch dun sa isang activity center nila. nagpamalas nang kakaibang talento yung isang pari, ang galing nyang kumanta!

after lunch, pumunta kami sa javier (xavier). maganda yung castle ng family nya at napaka-inspiring nung story ng buhay nya. isa siyang mayaman ngunit pinili pa nyang mag-evangelize sa asia kaysa magpakasasa sa kanyang kayamanan.

sa likod ko ay castle nila st. francis xavier.

while on the road, maraming mga nag-share at isa dun ay mag-kasintahan na kasama sa pilgrimage. natatakot daw silang magpakasal. ang ganda nung sinabi ni paulino,...

mag-set daw dapat ng date at bayaan ang lahat sa Diyos. di daw foundation ng pagpapakasal ang pera kung di pag-ibig. sabi pa nya na it's not testing God. it's testing yourself to trust God. 
galing di ba? sana nandun si flor...=)...

pilgrimage to madrid v.03

medyo late nang magising ang lahat. ako lang ang maaga. 5.30 pa lang gising na ako. sila alfonso at esther ay 6.45 na rin gumising. si aaron natutulog pa. alfonso and esther prepared something kaya super saya. masarap yung food, as always. pinabaunan pa kami kahit di naman required.

nauna akong umalis kasi 7 am na ay nagbibihis pa sila. pagdating ko sa rendezvous ay maaga pa rin. hehehe. umalis din kami ng medyo late dahil sa late din ang karamihan. malayo yung byahe. nung una ay napaglalabanan ko pa ang antok pero bumigay din ako! lol!

on our way to zaragoza, ang ganda ng paligid. ang daming sun flowers at magaganda ang landscape. pupunta kami dun sa Our Lady of the Pillar Shrine. dumating kami sa san gregorio na gutom na gutom. lol! mga 1 pm na. habang nag-aantay kami dumating na ang mga bus dos. i saw sheila at si gladys. malayo pa lang ay nakita ko na si sheila. nag-smile agad siya sa akin while gladys parang di ako kilala. ahehehe. mamaya konti, dumating din yung malalaking lagayan ng paella. galing! ang laki ng lagayan. maraming nakakain at marami ring natira.

dalawang malaking paella...

after sometime, nag-punta na kami sa chapel ng san gregorio. someone gave an explanation about Our Lady of the Pillar. ganda ng story. sabi nila ...

nag-preach daw si st. james sa zaragoza nang mawalan ito nang pag-asa para ma-convert ang mga spaniards. nagpakita daw ang mahal na birhen (na nun ay kasalukuyang nabubuhay pa sa israel). sinabi daw ng mahal na birhen na magiging kasing tatag ng column (pillar) na hawak nya ang pananampalataya ng mga taga-espanya. 

nung nandun na kami, namangha ako sa sobrang ganda ng zaragoza. as in! gusto ko itong lugar na ito! nakita ko yung simbahan, konting picture at syempre yung pillar. maliit lang ito. di kalakihan. nabanggit pa ng pari na may dalawang bomba daw na ibinagsak dito sa lugar na ito ngunit di ito sumabog dahil na rin sa puspos ng pagpapala ang lugar nang zaragoza. pagkatapos ng konting sight seeing, lumabas na ako ng simbahan at nagexplore ng konti. ayun, dami kong pictures. may nakita akong shops ng mga crucifix at rosary.

behind me is the Our Lady of the Pillar Shrine @ Zaragoza...

ito yung dalawang bomba na di daw sumabog...

ganda di ba?

anyways, nag-start na ang popular mission namin. nakakakilabot kapag ganun kadami! sumayaw na lang ako dahil sa madami ang puspos at madami ang nag-share. na-tetempt akong mag-shop na lang pero alam kong mali kasi di naman yun yung ipinunta ko dun. ahehehe...

nag-eucharist kami afterwards sa san gregorio. sobrang init nang simbahan nila, pero sabi nga ni father paulino ay "it is good for our conversion.". natapos nang madali yung eucharist. pagod na kaming lahat. low batt pa ako at di masarap yung food namin. lol! dun kami sa isang school natulog. pero oks na rin naman ang lahat kasi maganda yung CR. may privacy. ahehehe...

August 29, 2011

pilgrimage to madrid v.02

maaga akong nagising pero naunahan ako ni joanna na maligo. 8.30 am ako kailangan sa sasakyan kaya dali dali akong kumain at tumakbo. pag-dating ko sa bus, wala pala akong baon at kailangan pala. siguro nalimutan nila esther ibigay or nalimutan ko sa sobrang pagmamadali...

sabi naman ni claro (our sheepdog), na humati na lang daw ako sa kanilang food. thank God! kaya di naman ako natakot. nag-popular mission kami sa aluche train station tapos pumunta kami sa park. isang babae lang ang nakausap ko dahil daming tao ang di nag-sasalita ng english dito sa espanya. afterwards, pumunta na kami sa Redemptoris Mater. maganda at malinis ang lugar pero medyo maliit. pinakita sa amin ang chapel. ginawa daw ito ni Kiko (yung painting) at natapos mga 10 hanggang 15 araw lang ang nakakalipas. sobrang ganda! para sa akin yung Redemptoris Mater sa Newark, New Jersey.

altar ng chapel

tumuloy kami sa parque san isidro labrador. binigyan ako ng tinapay ni claro. ang saya! nag-usap ng konti tapos alis na ulit. nagkita kami ni alfonso at ni esther. sinabi nila na nakalimutan ko nga daw yung pagkain ko. binigay daw nila kay sarah. unfortunately, di ko nakita si sarah. mamayang konti nakita ko na siya at binigay na sa akin ang food ko. nakain ko yung iba pero di lahat dahil sa busog na ako.

isang pagkain na di mawawala - magdalena...

pumunta kami next sa Parroquia Sta. Catalina. moderno itong simbahan na ito at para talaga sa mga taong nasa Daan ng Neo-Katekuminado. maraming mga kwarto na kung saan readily pede nang mag-celebrate ng word at mag-eucharist. eleven daw yung communities at dun daw lahat nag-celebrate ng eucharist in three batches. inexplain yung structure at pati yung mga paintings. 


church of parroquia sta. catalina.

bumalik kami sa san isidro. niyaya kami nila esther sa bahay to freshen up para sa eucharist. spanish yung misa pero may konting translation. galing! puro Pinoy ang mga nag-share (unlike nung unang eucharist)

na-touch lang ako dahil nabanggit na naman yung pag-laganap ng katolisismo sa pilipinas dahil sa espanya. nararamdaman ko ang pagiging makabayan ko. ayaw ko sa mga espanyol nung una, ngunit wala silang pinapakitang pangit sa akin ngyon. kaya naman, wala akong dahilan para kamuhian sila.

pilgrimage to madrid v.01

@ around 9 pm MNL - we are crossing Bangkok, Thailand...

@ 11.45 pm MNL - we are on top of India...

@ 3.05 am MNL - Doha, Qatar it is!

@ 1.25 am local time - off to Madrid...

@ 7.45 am local time - i smell some spanish breads...

we were put into a bus. noong una, walang tumatabi sa akin. syempre, di ko naman sila kilala. tapos pinaupo ni nang isang pari si raymond - at siya yung nakatabi ko to the rest of our land trips...

@ 9.45 am MAD - we ate sa isang small park na katapat ng parroquia san isidro labarador. tapos, nag-morning lauds kami. afterwards pinapunta kami sa gym.

From there, nag-hatian na nang mga room assignments. di ko alam kung saan ako ilalagay, tatlong beses na tinawag yung name ko. una, kasama daw ako sa mga taga-Masbate at sa gym daw ako tutulog. wah! ayaw ko sana pero kailangan akong maging patient. tapos tinawag ulit yung name ko. after ng ilang seconds, pinaupo ulit ako. tapos sabi sa akin ng first responsible ng taga-Samar ay dun na lang daw ako sa kanila sumama. bumalik ako sa group nila. tapos after a while ulit, tinawag ulit yung name ko. this time totoo na. kay alfonso ako sinama. si joanna, aaron at si sarah ang kasama ko. 

si alfonso ay 34 years old. malapit lang ang bahay nila sa parish, so naglakad lang kami. dalawang kwarto yung binigay nila sa amin. isang double deck at isang room na malaki lang yung kama. dun kami ni aaron sa double deck. 

marami kaming napag-usapan. mabait si alfonso, siya pa yung nag-luto ng lunch for us. mamaya pa ng konti ay dumating na si esther - 33 years old. masaya! mabait din siya at sweet silang dalawa. kumain na kami at naka-subo nang ginawa ni Alfonso na pasta nung nag-simula siya mag-dasal.

@ around 5.10 pm. pinasyal kami nila Alfonso, Esther at Enrique sa palibot ng madrid. nakarating kami Palacio Real de Madrid. dito daw dati tumitira yung mga hari ng Spain. nakarating din kami sa Madrid Cathedral. nakita namin dun yung unang Madonna na iginuhit ni Kiko. Nakarating din kami sa Plaza del Sol at Plaza Oriental. Naglibot-libot kami around the city. nakarating din kami sa simbahan kung saan unang inilibing si San Isidro Labrador. tapos lumibot kami sa 0 km marker ng madrid. tapos dumaan din kami sa simbahan along one street. kitang kita ko dito yung ginagawang kalapastanganan sa simbahan. may dalawang babae na naka-shorts ng maikli at kita na yung singit. 

nag-ayos na kami ng konti para sa eucharist. na-touch ako sa sinabi ni Luigi noong umaga, na so many things have been said against Spaniards nung unang panahon pero binigay daw sa Pilipinas ang lahat ng ito sa para sa salvation nating mga Filipinos. hhaayy

...so true...

facade of palacio real de madrid

first madonna and child icon drawn by kiko.

ako - behind is the altar of the madrid cathedral

km. 0...

more pictures in my facebook account...

August 12, 2011

handa na ako...

ilang oras na lang! wwaahh!! ang oras na lang ay paalis na ako papuntang madrid, spain. konting konti na lang. medyo excited ako na sobrang saya. halo-halong feeling. di ko alam kasi daming blessings. alam ko handang handa na ako para sa araw na ito. matagal tagal ko ring pinag-handaan ito. at ngayon, wala na talagang makaka-pigil sa akin.

viva madrid! ola espanya! wala akong inaasahan. kung ano na lang ang mang-yari..

iskrutinyo

iba daw ang pakiramdam kung nasa gitna ka. ang masasabi ko lang, totoo nga. parang lahat masasabi mo. pero dahil sa alam ko na yung mga dapat at di dapat kong sabihin, nagawa ko ng maayos yung mga bagay bagay.

sobrang hirap. di ko alam kung anong dapat kong isagot. aminado ako, yung iba talagang sagot ko wala dun sa listahan ko. hirap mag-salita. may mga nalimutan din ako. nahihiya ako. pero, pero masarap sa damdamin. sobrang saya.

ang mga tao sa likuran ko ay magiging sandata ko para mas makilala ko ang bagong ako. ang mga taong ito ay...ang aking komunidad. hirap na masarap. ang dami kong natutunan. tama sila - mga katekista - malayo-layo pa ang aking lalakbayin. at ang dapat ko lang gawin ay maging tapat sa paglalakbay...

August 11, 2011

Words of Wisdom from Kung Fu Panda 2

Stop fighting but let it flow. 

The beginning of your story may not be good but it doesn't define your personality. 

The only thing that matter is what you choose to be now.


I super love that movie. Quite late but it's better late than never.



August 05, 2011

this is the day.

this is the day that the Lord has made. we will rejoice and be glad in it.

few more hours and we're off to tagaytay city for our scrutiny. i have a mix feeling - quite happy and nervous. anyways, important thing is i am looking forward to this day. hope i can see all of my community members out there.

i'll post a picture later on...

He chose me


Tomorrow is going to be a big day. After having been with the way for the past 8 years of my life, we are finally going to enter the door. I’m no saint. I’m no honest. I’m a sinner in all aspect. I’m no good for Him. But to top them all, He chose me. As I set foot tomorrow in St. James, I know it is going to be different out there. The ball is completely between the two of us. It’s going to be a bloody. Everything might probably mess up.

It’s already 10.49 pm and I’m still wide-awake. I don’t know if this is what I call as excitement or anxiety. The important thing is – whether I’m ready or not – I am going to be there. Hope that most of the members of my community feels the same. We are all going to be there simply because God chose us.

I know it ain’t easy. It’s going to be a very difficult one. There might be questions that I might miss on answering but this is all part of the way - accepting mistakes and stepping up to the challenge. Hope I could apply this in my everyday life.

God chose me. He chose me. It’s all worth it.

August 03, 2011

zubiri

kung uulitin ko ang boto ko nung 2007, zubiri will still be in my list. among of winners, trillanes (sumikat lang dahil sa kudeta) at angara (isa sa best example ng political butterfly) ang wala sa listahan ko. si zubiri at si pimentel ang ang nandun, instead.

sa pang-yayaring pag-resign ni zubiri sa senatorial post nya, sumasaludo ako sa kanya. galing! its better to resign na may dignity than to have a your name tainted because of the fu*&()ng arroyo's.

from yahoo page.

you'll definitely have my nod in 2013! more news at yahoo.

August 02, 2011

aking katuwaan na makadalo sa pandaigdigang araw ng mga kabataan

ilang araw na lang ay aalis na ako patungong espanya para dumalo ng pandaigdigang araw ng mga kabataan. sobrang saya ko na may halong kaba dahil ito ang unang pagkakataon na makakadalo ako ng ganitong pagtitipon. di ko alam ang dapat kong unahin sa aking pag-eempake at ano ang dapat kong asikasuhin dahil sobrang aligaga talaga ako. hehehe.

sa ngayon, inilabas na ni ms. geeta (ang pangunahing abala) ang pang-sampung komunikasyon. sa pagkakataong ito, pulos mga dapat at di dapat ang nilalaman. hhaaayy, ngayon ang iniisip ko lang ang mga taong maiiwan ko dito lalo na yung aking kasintahan. labis akong mangungulila sa kanya. hhaayy (isang malalim na buntong hininga).

ang pag-punta ay talagang nasa plano na bago pa man ako umuwi ng estados unidos. sa katunayan, nag-aral pa ako ng wikang espanyol para lamang dito - ngunit ko lang natapos. kaya naman, alam ng aking nililiyag na ito ay nasa puso at isipan ko na. suportado nya ako at yun yung mahalaga.

from wikipedia.


Siya nga pala, ang Pandaigdigang Araw ng mga Kabataan ay "Jornada Mundial de la Juventud (JMJ)" sa wikang Espanyol.

August 01, 2011

buckingham fountain

i got this from my 2009 diary. sinulat ko ito ng mga august 1 to 9...

nandito ako ngayon, nagmumuni-muni ng mga bagay sa mundo. kaharap ko ang isang malaking bulto ng tubig na pumapa-alimbuyo pataas sa langit. Hindi ko siya makukuhanan ng larawan ngunit nakuha niya ako. nakuha niya yung atensyon ko bilang isang taga-hanga, hindi turista. nakita ko na ang bagay na ito sa maraming pagkakataon ngunit hindi kasing-ganda nito. kahit gabi na marami pa ring tao dito sa lugar na kinasadlakan ko. maraming mga batang nagtatakbuhan, mga amerikanong nag-uusap at nag-tatawanan. batid kaya nila ang taglay na kaligayahan na nabibigay sa akin ng tubig na aking natatanaw. alam kaya nila na lubos akong naliligayan? marahil hindi kasi isa lamang akong munting alikabok sa isang malaking bulto ng kamalayan.


ayaw ko na itong nararamdaman kong pagka-awa sa sarili dahil alam kong mali. ngunt, madalas masarap gawin ang di tama, di ba...ang bawal? naalala ko yung sinabi ni bea alonzo sa isang pelikula na sa kasalukuyan ay di pa napapalabas...pagod na akong maging malungkot ngunit ayaw ko namang maging masaya dahil sa may nasasaktan akong iba.


sa kasalukuyan, lila na ang kulay ng tubig na umaalimpuyo paitaas. tila nakikidalamhati sa taglay kong kalungkutan. pagod na talaga akong mag-pa-ka-"emo". pero sa ngayon, wala akong magagawa. tatanggapin ko muna na ganito ako sa susunod ng mga araw. hanggang kailan? marahil, dalawang araw, tatlong taon o isang oras. kung kailan matatapos ay di ko alam. ang tanging laman lamang ng puso ko ngayon ay pagka-awa sa sarili ko. alam kong mali ngunit sa ngayon, masa akong gawin ang mali.

from wikipedia.

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons