August 29, 2011

pilgrimage to madrid v.02

maaga akong nagising pero naunahan ako ni joanna na maligo. 8.30 am ako kailangan sa sasakyan kaya dali dali akong kumain at tumakbo. pag-dating ko sa bus, wala pala akong baon at kailangan pala. siguro nalimutan nila esther ibigay or nalimutan ko sa sobrang pagmamadali...

sabi naman ni claro (our sheepdog), na humati na lang daw ako sa kanilang food. thank God! kaya di naman ako natakot. nag-popular mission kami sa aluche train station tapos pumunta kami sa park. isang babae lang ang nakausap ko dahil daming tao ang di nag-sasalita ng english dito sa espanya. afterwards, pumunta na kami sa Redemptoris Mater. maganda at malinis ang lugar pero medyo maliit. pinakita sa amin ang chapel. ginawa daw ito ni Kiko (yung painting) at natapos mga 10 hanggang 15 araw lang ang nakakalipas. sobrang ganda! para sa akin yung Redemptoris Mater sa Newark, New Jersey.

altar ng chapel

tumuloy kami sa parque san isidro labrador. binigyan ako ng tinapay ni claro. ang saya! nag-usap ng konti tapos alis na ulit. nagkita kami ni alfonso at ni esther. sinabi nila na nakalimutan ko nga daw yung pagkain ko. binigay daw nila kay sarah. unfortunately, di ko nakita si sarah. mamayang konti nakita ko na siya at binigay na sa akin ang food ko. nakain ko yung iba pero di lahat dahil sa busog na ako.

isang pagkain na di mawawala - magdalena...

pumunta kami next sa Parroquia Sta. Catalina. moderno itong simbahan na ito at para talaga sa mga taong nasa Daan ng Neo-Katekuminado. maraming mga kwarto na kung saan readily pede nang mag-celebrate ng word at mag-eucharist. eleven daw yung communities at dun daw lahat nag-celebrate ng eucharist in three batches. inexplain yung structure at pati yung mga paintings. 


church of parroquia sta. catalina.

bumalik kami sa san isidro. niyaya kami nila esther sa bahay to freshen up para sa eucharist. spanish yung misa pero may konting translation. galing! puro Pinoy ang mga nag-share (unlike nung unang eucharist)

na-touch lang ako dahil nabanggit na naman yung pag-laganap ng katolisismo sa pilipinas dahil sa espanya. nararamdaman ko ang pagiging makabayan ko. ayaw ko sa mga espanyol nung una, ngunit wala silang pinapakitang pangit sa akin ngyon. kaya naman, wala akong dahilan para kamuhian sila.

0 comments:

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons