i got this from my 2009 diary. sinulat ko ito ng mga august 1 to 9...
nandito ako ngayon, nagmumuni-muni ng mga bagay sa mundo. kaharap ko ang isang malaking bulto ng tubig na pumapa-alimbuyo pataas sa langit. Hindi ko siya makukuhanan ng larawan ngunit nakuha niya ako. nakuha niya yung atensyon ko bilang isang taga-hanga, hindi turista. nakita ko na ang bagay na ito sa maraming pagkakataon ngunit hindi kasing-ganda nito. kahit gabi na marami pa ring tao dito sa lugar na kinasadlakan ko. maraming mga batang nagtatakbuhan, mga amerikanong nag-uusap at nag-tatawanan. batid kaya nila ang taglay na kaligayahan na nabibigay sa akin ng tubig na aking natatanaw. alam kaya nila na lubos akong naliligayan? marahil hindi kasi isa lamang akong munting alikabok sa isang malaking bulto ng kamalayan.
ayaw ko na itong nararamdaman kong pagka-awa sa sarili dahil alam kong mali. ngunt, madalas masarap gawin ang di tama, di ba...ang bawal? naalala ko yung sinabi ni bea alonzo sa isang pelikula na sa kasalukuyan ay di pa napapalabas...pagod na akong maging malungkot ngunit ayaw ko namang maging masaya dahil sa may nasasaktan akong iba.
sa kasalukuyan, lila na ang kulay ng tubig na umaalimpuyo paitaas. tila nakikidalamhati sa taglay kong kalungkutan. pagod na talaga akong mag-pa-ka-"emo". pero sa ngayon, wala akong magagawa. tatanggapin ko muna na ganito ako sa susunod ng mga araw. hanggang kailan? marahil, dalawang araw, tatlong taon o isang oras. kung kailan matatapos ay di ko alam. ang tanging laman lamang ng puso ko ngayon ay pagka-awa sa sarili ko. alam kong mali ngunit sa ngayon, masa akong gawin ang mali.

from wikipedia.
0 comments:
Post a Comment