November 30, 2009

november to remember

november is very memorable to me. this is the month wherein i started to loose myself - yes, myself. (mawala sa sarili or became insane) lol!

its really hard. sometimes, i cry alone. sometimes, i laugh alone. sometimes, i make myself a fool. and most of the times, i pray. it helps me a lot if i pray. it makes me feel comfortable and it drains all the worries away.

though its been a busy (work, work, work!) month for me, november somehow excites me.

november has really been an awesome month for me. thank God he's always here beside me.

November 29, 2009

pasko na sinta ko...

di talaga buo ang kapaskuhan kung wala ang kantang ito...

Pasko na sinta ko hanap-hanap kita
Bakit magtatampo iniwan ako

Kung mawawala ka sa piling ko sinta
Paano ang Pasko, inulila mo

Sayang sinta ang sinumpaan
At pagtitinginang tunay
Nais mo bang kalimutang ganap
Ang ating suyuan at galak

Kung mawawala ka sa piling ko sinta
Paano ang Paskong alay ko sa'yo

Sayang sinta ang sinumpaan
At pagtitinginang tunay
Nais mo bang kalimutang ganap
Ang ating suyuan at galak

Kung mawawala ka sa piling ko sinta
Paano ang paskong alay ko sa'yo

November 28, 2009

habang nag-luluto ako...

habang ako ay nagluluto,


...nakita ko ang sarili kong naka-dungaw sa labas. nakikita ang willis tower (dating sears tower). di matatago ang taglay nitong ganda.


...iniisip ko kung paano ako pinakitunguhan ng buhay na pinili ko. nakatutuwa dahil marami itong binigay sa aking magagandang bagay ngunit wala pa akong masyadong napapatunayan...

...kumakain ako ng oatmeal cookie. gustong gusto ko ang oatmeal cookie lalo pa't kung may pasas ito.

...sinusulat ko ang blog na ito. kahit batid ko na maaaring masunog ang niluluto kong pagkain.

...minimithi kong maging maaraw ulit bukas dito sa chicago.

...pinag-darasal ko na ang mga susunod na araw ay kasindali lang ng pag-bigkas ng ABKD. buti na lang, nandito lagi ang Panginoon sa tabi ko. matiyagang nagtuturo sa akin ng mga bagay na takot kong matutunan.

November 25, 2009

$%^*

hinubad na nang pawisang hapon ang kanyang balabal na ginto at naghalili ng abuhing sutla ng takipsilim.* datapwa't kailangang maging magiliw, kailangan pa ring ipaglaban ang kariktang minimithi ng pusong kay palam...

hindi ko batid ang dapat kong gawin. isang bagay na nakakapanibago dahil batid ko ang sinisigaw ng puso ko ngunit nagaalimpuyo ang isip kong binabawalan ang panaghoy ng isa.

matultulan ko pa kaya ang balak sa akin? mabanaag ko pa kaya ang hapon na tila pinag-kakait sa akin?

wala na nga wala. nakapanaig man ang dilim na tuluyang lumalatag sa aking kabalintunaan, kailangang manalig na may isang Maykapal na magbibigay sa akin ng tamang patutunguhan.

*ang mga unang salita ay halaw sa Luha ng Buwaya ni Amado V. Hernandez.

November 24, 2009

kaya ko pala!

masasabi kong tagumpay ako sa una. naibigay ko nang buong puso at kaluluwa yung dapat kong ibigay...



...nagising ako nang 4 am. maraming agam-agam ang namayani sa puso ko ngunit alam ko na dapat paglabanan ko ito. naramdaman ko na kumukulo yung tiyan ko sa gutom. di pa oras kumain kaya pinagpaliban ko ito.



...naaalala kong bigla ang dapat kong pangalagaan. binuksan ko yung kompyuter ko at nag-bukas ako ng brawser. tama! sakto pa. ngunit konti na lang ang natitira. kaya ko pa bang mabuhay nito? ito yung naging tanong ko agad sa sarili ko. pinasukan ako ng dimonyo. di ko man naiisip na umurong, pero ang mga tanong na...bakit ko ba kailangan gawin ito? ano bang mapapala ko? dapat ba akong mag-paka-gutom? paano ako kakain?



...sinara ko na ang kompyuter ko. wala na akong mapapala kung titingnan ko lang nang titingnan ang dapat kong makita. nung papahiga na ulit ako, gusto kong umiyak. sobrang sakit. pero kailangang paglabanan.



...nakita ko ang bibliya na nasa mesa na pagitan ng kama namin ni jay (kasama ko sa kwarto). kinuha ko ito. alam kong ito lang yung mag-papaliwanag sa akin ng mga tanong ko. unang bukas, parang wala akong napala. nabasa ko yung istorya na kung saan sinisigaw ng mga tao na ipako sa krus si Kristo. nakita ko lang yung sarili ko na hinuhusgahan ko lang din siya. pero di naman ito yung sagot sa tanong ko.



...nagbuklat pa ako nang isa pa. kinalibutan ako. ito na yung sagot. naging bulag ako sa katotohanan. at si kristo, kumuha ng putik at pinag-huhugas ako ng mata sa Siloam. ito na yun. naintindihan kong bigla na, kailangan kong gawin ang mga bagay na ayaw ko kasi para makita ko ang katotohanan.



...kaya, ayun! nagawa ko ang ayaw ko ngunit kailangan. nagawa ko! una pa lamang ito. marami pang mga pagkakataon. kaya ko ito!

November 20, 2009

updates lang...

this is so far one of my pinaka-busy na month ng entire stay ko sa US. =( .

pero, sobrang fulfilling, my first two weeks are super filled with activities. two weeks na ako di nakaka-pasok ng Old St. Mary's, imagine that! first, went to Shema and last week was our convivence. sobrang sinusulit ko yung last few weeks ko dito sa US dahil i'm spending it most with my communities. like right now, i just got home from our preparation con wii game. after our preparation, we (fernando, marisa, liz and i) played mario super mario brothers. masaya! pero i really suck in video games. i need to practice every now and then. in which, i could not afford.

hhaayy...natapos ko na rin ang have a little faith ni mitch albom. super, maganda siya! in compare with tuesday's with morrie, i think i love this one. =) .

November 16, 2009

dapat gawin...

The past few days became so special. Special kasi dami kong naiisip at kulang na lang nang lakas ng loob para isulong ang kailangang gawin. Hhhaaayyy! Ang hirap talaga kasi alam mong kailangan mong gawin pero di mo agad magawa.

Siguro napapansin nyo na wala akong masyadong blog entries sa first half ng buwan. Dahil na siguro yun sa sobrang busy ako ngayon at sobrang emotional. Kapag emotional kasi ako, nasasabi ko lahat. Paulo Coelho said in one of his books that emotion is like wild horses that need to be tamed. Tama siya dun. Kailangan kong kontrolin yung emotion ko kasi kapag hindi, patay na! Hehe…

There are some thoughts that I wanted to share with you that molded my emotion for the past few days >>

a. When you see the truth, it started to hurt. This came from the person I consider as Kuya, and its true! Kapag nakita mo ang katotohanan na mali ka, unti unting sumasakit ang puso at damdamin mo. Wwwaahhh! Sobrang naka-relate ako dito nung sinabi nya sa amin (with some of my other friends).

b. You knew me but you never know who I wanted to be. Biktima ako at nambiktima din ako nito. Kahit ano kasing gawin ko, di ko na mabubura sa ibang tao ito yung masama kong ugali. Well, in a way, wala naman akong pakialam kung ano sabihin nila sa akin pero ang punta ko lang – WALA BA AKONG KARAPATANG MAG-BAGO? Haha! Nambibiktima din kasi ganun din yung tingin ko sa ISANG TAO! Haha! This is the best example ng kung anong ginagawa mo sa kapwa mo yun din yung gagawin nila sa iyo. Haha! Anyways, these words from the book of Mitch Albom – Have a Little Faith – is really inspiring! Balang araw, matatanggap ko din yung mga mali ng tao dahil mali ko din yun.

c. God is everywhere. Don’t get me wrong. I know this by heart. Pero ang pinupunto lang nang taong nagsabi sa akin nito ay di importante kung saan ko daw gawin ang dapat kong gawin. Ang importante ay kailangan kong gawin ang dapat kong gawin.

Hhaayy! Magiging mahirap talaga ang mga susunod na araw sa akin. Sana magawa ko.

November 12, 2009

tatlong taon ay tatlong taon...

tatlong taon na ang nakakalipas nung pinost ko ang unang blog entry ko. yes, ang bilis ng panahon. masasabi ko na sobrang naging outlet tong blog ko sa mala-roller coaster kong emotion. sa mga mambabasa, salamat sa inyo.

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons