February 10, 2012

karapatan daw?

hindi ko gusto ang makipag-debate kung tama o mali yung ginagawa ng impeachment body ngayon. ang batas ay para sa tao at ang tao ay para sa batas. kung ang nakataya ay ang kredibilidad ng kataas-taasang hukuman, kailangan talagang pag-usapan. bilang punong mahistrado ng bansa, si renato corona ay may responsibilidad na ilabas ang katotohanan. malamang sa salita ko pa lang na iyon ay alam nyo na ang opinyon ko sa mga nangyayari ngayon.

ang pag-lalantad ng dollar account ng punong mahistrado ay di dapat pag-talunan. alam nang bawat isa ang mga batas. ang katanungan lang ay dapat ba nating sundin ang batas kung ang nakataya ay kredibilidad ng isang taong may mataas na posisyon sa gobyerno?

seryoso ang bawat isa sa pag-sugpo ng katiwalian sa gobyerno. kung gusto ng bawat isa na mawala ang mga buwaya sa lipunan, dapat nating saklawan ang batas. kung kilala mo ako bilang isang mang-gagawa, ayaw ko ang mga bagay na hindi sumusunod sa nakagawian nang proseso. ngunit, sa dulo alam natin na ang bawat proseso ay ginawa para mapag-lingkuran ng maayos ang ibang tao. ganun din ang batas, ginawa ang mga ito para mapangalagaan ang karapatan ng bawat isa. 

kailan ba nasunod lahat ang karapatan ng tao? karapatan ng bawat tao na makapag-aral kahit na hanggang mataas na paaralan. ngunit hindi lahat ng tao ay nakakapag-aral dahil sa kahirapan, dahil sa mga buwaya ng lipunan. ngayon, dahil ba sa may dollar account ang isang tao ay dapat nang galangin ang lahat ng kanyang karapatan? 

ayaw ko nang pahabain, hanggang dito na lamang. ang batas ay para sa lahat. mapa-mayaman ka man o mahirap. ako ay nagbabayad ng buwis dito sa pilipinas at bumoboto ako sa wastong pagkakataon. may karapatan ako sa opinyon ko.

Related Posts:


0 comments:

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons