April 18, 2012

kung andito ka lang sa tabi ko

madalas, kahit anong pilit mong mag-pakatino ay di mo magawa. dumadating ang pag-kakataon na napupuno ka rin ng damdamin na di mo nais. mga isipan na di mo gusto. mga haka-hakang di mo kailan man naisip.

masakit ang mag-mahal, lalo pa't ang dugo ng taong minamahal mo ay tulad ng dugo na nananalaytay sa iyo. kapatid ko siya sa ama, ngunit wari ko'y nababastos na ang pagkatao ko. binababa ko na nang husto ang isipan at puso ko.

kinakausap ko ang tatay ko sa isip ko. minsan sinabi ko ang ganito, kung andito ka lang sa tabi ko. maintindihan mo din ako...

mahirap mag-desisyon na talikuran mo sya. kasi nga di ko magawang magalit sa kanya. naiinis ako sa sarili ko dahil sa kahit anong pag-papanggap ko ay di ko makuhang mapoot sa kanya.

hhaayy, kung mababasa mo itong blog post na ito. sana ay matauhan ka na. bahala na si God sa iyo.

Related Posts:
family betrayal
relasyon 92.3
unknown letters
attitude of the heart...
desperado

0 comments:

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons