March 26, 2009

attitude of the heart...

ang ganda ng naging sermon ni father eric kanina sa penitential celebration...attitude of the heart.

malamit akong nakakagawa ng pagkakamali o kasalanan...pero ano nga ba ang nagiging attitude of the heart ko sa tuwina akong nagkakaroon ng kasalanan? nagiging arogante o nagiging maluwag ang pagtanggap na kasalanan mo talaga...

hirap minsan matanggap na may mali ka. pero kailangan di ba? naisip ko kanina ang nangyari sa akin ng mga nakaraang araw na kung saan nag-mukmok ako dahil alam ko na tama ako pero naging mali yung reaksyon ko...sa isang banda, natanggap ko na pero mas lumuwag ang loob ko kanina nung nag-kumpisal ako at nasabi ko ang mga kasalanan ko...naging arogante ang pag-tanggap ko sa kasalanan ko - alam ko yun. pero ito ako ngayon, nakangiti at sinasabi sa sarili na..."may natutunan ka na naman..."

di ko man masasabi na huling beses na ganito ang pag-tanggap ko sa isang pagkakamali, pero alam ko na darating din ang pagkakataon...

masasabi ko talaga na minsan kailangan lang ng panahon para matanggap ang isang bagay...

0 comments:

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons