kanina, naglaba ako ng mga basahan. di ako nagpatinag sa dilim ng kalangitan kaya't sa labas ko sinampay ang mga ito. kadalasan, di namin sinasama sa regular na labahin ang mga basahin. (mali, dapat yata ganun talaga. kaya walang "kadalasan"). ibinabad ko muna ang mga ito sa sabon habang nag-wawalis ng mga tuyong dahon ng mansanitas sa labas. di pa umuulan ngunit napaka-dilim ng kalangitan. masarap ang ganitong panahon dahil sa di ka masyadong pag-papawisan. (haha! dapat nag-papapawis ako kasi tumataba na naman ako.).
makalipas ang ilang minuto, kukusutin ko na sana ang mga basahan. inuna ko yung medyo malaki. kusot dito. kusot doon. naramdaman ko ang init sa aking mga kamay. nagbabadya na maaring mag-sugat ito dahil sa pag-kiskis ng magaspang na basahan sa banayad kong mga kamay. (ang arte, banayad!). naalala ko yung aking tiyuhin. nalalaman ko na naglalaba siya kung naririnig ko ang hampas ng palo palo sa kanilang mga damit. kaya naman, di ako nag-atubiling kuhanin ang palo-palo namin. pumasok sa isip ko, saan ko ba uunahin yung pag-hampas? sa loob ba ng sisidlan ko ito hahampasin? malamang hindi, mababasa ako ng tubig na may sabon. sa labas? dalawa lang naman ang pag-pipilian ko. kaya sa labas na malamang. sa semento, eh marumi din yun kung dun ko hahampasin? ang lalim ng problema ko. binuhusan ko ng tubig at nilinis ang sahig-labahan ko.
nang handa na ako, may mas matindi pala akong problema. paano ko ito hahampasin? iisipin ko ba yung mga kaaway ko? iisipin ko bang ang mukha nila yung hinahampas ko? baka masira yung basahan? pero, basahan na nga lang yun di ba? di na importante kung masisira. importante pa ba yung mga kinaiinisan ko? sabagay, tao rin naman sila. gaanong kalakas dapat yung hampas? kailangan ba may kasamang emosyon? dapat ba parang galit ako? o masaya?
daming tanong. sa dulo, ibinababad ko na lang ulit yung basahan, nilagyan ng mas marami pang sabon at inapak-apakan ko na lang.
Related Posts:
0 comments:
Post a Comment