ayaw ko na sanang maki-alam...lol...pero di ko magawa. ang nangyaring away kina claudine/raymart vs. mon ay isang kahiya-hiyang bagay sa mata ng tao.
a. kay raymart. kahit pag-bali-baligtarin mo ang mundo, hindi tama na suntukin mo ang isang taong mas higit na matanda sa iyo. kung na-aagrabyado yung asawa mo, ilayo mo ito. huwag mong suntukin o patumbahin sa sahig yung mas matanda sa iyo. tanong: likas na ba sa iyo ang pakikipag-away?
b. kay claudine. kung ikaw ang matinong babae, ilalayo mo ang mga anak mo sa mga nagkakagulo. hindi yung makikipatol ka pa sa gulo. ang kaligtasan ng mga anak mo ang dapat mong alalahanin at hindi yung tumulong sa gulo ng asawa mo. tanong: ano ang pinag-kaiba mo ngayon sa asawa mo?
c. kay mon. malimit, ang pag-tulong ay nakukuha sa mabuting usapan. hindi yung kukuhanan mo na lang, kung malinis ang kalooban mong tulungan si claudine nung nakikipag-usap siya sa staff ng cebu pac, dapat ay nilapitan mo na lang sila - hindi yung kukuhanan mo siya ng litrato. tanong: anong pinag-kaiba mo ngayon sa paparazi?
bukas na komunikasyon ang sagot sa hidwaang ito. mga sikat kayong tao at tinitingala ng lipunan. ngunit kung ating pag-iisipan, away bata ang nangyari. isang away na mula sa pagkukulang sa tamang desisyon at konkretong aksyon. sana matapos na ito. nakakahiya kasi kayo.
onli in da pilipins!
Related Posts:
ideal man straight from a real man
The Road
SSS experience
side comments
disiplina

0 comments:
Post a Comment