December 31, 2008

empake

maaaring masabi ko na may "empake fever" na ako...

habang nag-eempake ako, nagkaroon ako ng problema. di ko alam kung ano at papaano ko aayusin ang mga gamit ko para mag-kasya at hindi lumampas sa tinakdang dalawampu't tatlong kilo...

kanina, nakita ko na wala pa sa dalawampung kilo ang bagahe ko. parang nalungkot ako ng konti dahil sa sayang pala, pede pa akong mag-dala ng iba ko pang gamit kaso lang di na kasya sa maleta ko...

mula dito sa mga nakita ko at sa naging problema ko, naisip ko na iti-nadhana ng Diyos na ganun lang ang maleta ko.

...para maiwanan ko ang ibang mga bagay na dapat ko nang iwanan
...para mapag-desisyunan ko kung ano ang mas importante sa akin
...para malaman ko kung ano ang sobra sa akin
...para maisapuso ko na sobra pala ang binigay Niya sa akin
...para pumasok sa isipan ko na marami pa akong dapat ibahagi

ang galing, mula sa isang problema nakita ko ang liwanag na dapat kong makita...

akala ko mapag-bigay na ako, di pa pala. sobra pa ako...

0 comments:

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons