ang blog post na ito ay hindi naglalayon na manira. gusto ko lang masabi ang nakikita ko at naranasan ko...
salamin sa mata, nasaan ka na?
kamakailan lamang, ibinili ko ng salamin ang nanay ko sa Executive Optical sa SM Bacoor. doon na kami nag-pagawa kasi konti lang ang mapag-pipilian dito sa SM Rosario at malayo naman ang Glorietta. pero ito yata ay isang maling desisyon. lol! nagpagawa kami ng salamin, sinukatan ang nanay ko. sobrang tagal halos isang oras para maasikaso - sobra kasing dami ng tao. sabi sa amin nung babae sa tindahan ay isang linggo makukuha ang salamin pero tatawagan daw kami. nagbayad ako ng credit card, nakita ko ang nakapaskil sa kanila na kapag di naibigay yung salamin sa takdang panahon ay magkakaroon kami ng 10% refund. pagkatapos ng isang linggo, walang tawag. lumipas pa ang ilang araw, pinatawag ko na ang nanay ko. sabi daw sa kanya, ay sa sabado na lang kuhanin. dumating ang sabado, di ako ang nakasama ng mama ko sa pagkuha ng salmin nya bagkus kapatid ko ang kasama nya. nakuha na ang salamin. nung tinanong ng kapatid ko kung may refund kaming makukuha dahil WALA NAMAN DAW KAMI SA TINDAHAN NUNG TAKDANG PANAHON. bago daw kami makakuha ay dapat nasa tindahan kami. wala silang sinabing ganung kondisyon nung nakapaskil. dinahilan namin na sabi nung babae ay tatawag sila sa amin bago kami pumunta ngunit pinilit nung kausap namin na yun yung kondisyon nila at wala silang magagawa. ang punto ko, para silang manloloko.
lumipas ang ilang araw, may nakitang mali yung nanay ko sa salamin. may dalawang tuldok na nakita sya sa salamin na nakaka-apekto sa kanyang pag-gamit. binalik namin. umabot ulit ang dalawang linggo, bago nakuha ang salamin. hhaayy...isang buwan. isang buwan para sa isang salamin. saan ka pa? sabi ko sa nanay ko di na mauulit ito. sa iba na kami papagawa...
single na nga ako wala pa akong singlet
nung isang linggo, sumali ako sa pink run. napaka-ganda kasi ng patutunguhan ng takbong ito - para sa mga pasyente ng breast cancer. nakalagay sa website nila, kung magbabayad ka bago matapos ang buwan ng agosto ay ipapadala nila ang singlet at race packs ng libre. libre di ba!? galing! nagbayad ako ng agosto 31.
dumating ang setyembre 15, pinadala na daw nila. sobrang saya ko! dumating ang katapusan ng setyembre wala pa rin. dumating ang oktubre 11, wala pa rin. tumatawag ako sa telepono nila, walang sumasagot. nag-post ako ng comment sa facebook, tinanong lang nila kung paano ako nagbayad. nag-email ako, sinabi lang nila sa akin na may problema sa delivery - wala nang ibang detalye. dumating ang oktubre 15, nag-paramdam sila sa akin. sabi sa akin ay makukuha ko ito sa megamall ng sabado. ang saya ko!
dumating ang sabado sa takdang lugar, sabi sa akin ay wala pa raw yung singlet ko! naiinis na talaga ako. tumawag ako contact ng Effective Media. nagalit talaga ako, ngunit humingi ako ng pasensya. alam kong di tama ang ginawa ko. sabi nya, para daw makabawi siya sa akin ay magkita na lang daw kami sa Robinson's sa Pioneer ng 2 ng hapon. dumating ang alas-2, tumawag siya. pasensya na raw. di na siya makakarating. nakuha ko ang singlet ko nung mismong event na...
sa dalawang experiences ko na yun, nagalit ako. pero wala akong magagawa dahil ito yung tawag nilang serbisyo. kung nasa estados unidos lamang ako, may refund na akong natanggap dahil lubos lubos na ang kanilang pag-hingi ng pasensya sa PANGIT na serbisyo nila. as in, pangit!
nagalit ako, pero nangibabaw pa rin ang pag-unawa ko. bahala na sila, di ko naman pinapanalangin na makakarma sila pero bahala na sila. =)
0 comments:
Post a Comment