March 31, 2009

pagkakatiwala ko na lang sa bangkero

ngayon lang yung pagkakataon na mag-susulat ako nang di ko alam kung ano ang isusulat ko. kadalasan, may iniisip na akong paksa o isang pangyayari na nais kong ibahagi. ngunit sa pag-kakataon na ito ay tuluyan nang hinigop nang hangin ang nais kong sabihin. kaya ito na lang...

kanina, nagkaroon ulit ako ng pagkakataon na kausapin ang isa sa pinag-kakapitaganan kong "team lead" - walang halong biro ito kapitaga-pitagan talaga siya. naibahagi ko ang mga nasa isip ko nung mga nakaraang araw at binigyan nya ako ng isang matinong pag-iisip ngayon. sa totoo lang alam ko na hindi ko dapat iniisip ang maaaring masamang mangyari sa akin - alam ko yun. pero nandito lagi itong "team lead" ko na ito para paalalahanan ako.

siguro, panahon na. panahon na para labanan ang agos ng mundo.
...panahon na para labanan ang "entropy" ng pag-iisip ko.
...panahon na para abutin ang "fugacity coefficient" upang maging kaaya aya ang pag-iisip ko.
...panahon na para gumawa ng desisyon at pumili sa keto-enol tautomerism.

hhhhaaaayyy...ipagkakatiwala ko na lang lahat ng desisyon ko...pag-kakatiwala ko na lang sa bangkero...

0 comments:

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons