goodbye july. i am trying to win over the game so-called life. goodbye and wish me the best.
its more beautiful in the philippines v.2012
last year, a lot of filipinas marked a history in beauty contests - ms. universe, ms. world and ms. earth. they may not won the title (just runners up) but it still. being one of the finalists makes me very proud of our race.
5.33 AM/5.41 AM
i am a morning person. even though i sleep late, i can wake up as early as 4.30 am. so, its not a big deal for me to make a morning run and/or fetch her. hhhmm...i assume you know who am i referring to. for the past couple of months, i fetch her every morning and then i go to work. 6 am bus ride makes me an early bird for i usually arrive 7.30 @ mandaluyong.
goodbye my friend
my reebok shoes (trail) is now a record holder. so far, it is my longest running buddy. he used to be my gym buddy as well. i just love it! but like any other love, you need to know when to let go. it is so hard to say goodbye to a friend like my shoes. i may look stupid to some folks but i really love this one.
pilgrimage to madrid v.10
afterwards, nagpunta kami sa Palomeras Altas (sana tama ako...lol!). this is where kiko initiated the neo catechumenal way. dito kami kumain ng lunch tapos konting explantion si luigi tungkol sa place. iba yung feeling nung nandun ako. i felt my root. diniscuss sa amin how things went through at may mga pinakitang pictures with kiko and carmen. luigi reminded us of what kiko and the pope told us...
July 31, 2009
trying to win over the game...
goodbye july. i am trying to win over the game so-called life. goodbye and wish me the best.
July 28, 2009
five reasons kung bakit ako malungkot
a. …dahil sa mga naririnig kong nangyayari sa pinas. di ko alam kung yun talaga yung gusto ni God pero ganun talaga. mahirap ang buhay pero kailangan lumaban. saka isa pa, di ko din naman alam kung ganun pa rin ang mangyayari kung nasa pinas ako. waahh! nakakalungkot.
b. …dahil sa di ko na-aachieve yung mga bagay na gusto ko. siguro, para mailagay ko sa mas magandang konteksto, di ko alam kung ano ang gusto ko ngayon i-achieve financially. sa lahat ng ayaw kong problema ay problema sa pera.
c. …dahil maraming nakakapag-pabagabag sa aking pag-katao. minsan nauuwi na lang ako sa isang sitwasyon na tinatanong ko sa sarili ko kung tama ba ang sinasabi ng mga tao sa akin? tama ba na ganun ako?
d. …dahil sa di ko makuha yung tamang timpla ng toyo ko. oo. toyo. tama yung sinasabi kong hormonal imbalance kasi may pagkakataon na ganun talaga ako. wala ako sa mood at mas nalulungkot ako dahil sa di ko ma-kontrol yung mood swings ko.
e. …dahil hanggang ngayon di ko alam kung ano yung plano para sa akin. kung hanggang dito na lang ba ako o kailangan ko nang sundin yung isipan ko. alam kong nag-huhumiyaw yung puso ko na di ito yung para sa akin pero wala pa rin. give me signs, God!
nakakapagod nang maging malungkot kasi ilang araw na rin na ganito ang nararamdaman ko pero anong magagawa ko kung ganito talaga yung nararamdaman ko. di ko naman siguro kailangan mag-paka-plastic para lang i-please yung ibang tao di ba?
a happy thought out of gloomy days
ang galing. salamat sa mga nagbabasa ng blogs ko...
July 26, 2009
usapang lasing - vol. 1.02
OGAG: ano pare ok ka na?
TANGA: ok naman talaga ako eh. di ko na lang papansinin si tabil...
OGAG: tama yan, wag mo na lang siyang pansinin...pero naiisip mo ba na baka naman biro nya lang sa iyo yun?
TANGA: siguro nga biro nya lang na pangit ako...siguro nga biro lang yun...
OGAG: ayun naman pala eh...kaya wag mo na lang papansinin si tabil...
TANGA: oo kaya nga mukha na naman akong tanga kanina eh...
OGAG: bakit?
TANGA: di ko siya pinansin tapos ayun...kung ano ano na naman ang sinabi sa akin...
OGAG: tanga ka talaga. ano sabi mo?
TANGA: wala...
* ang mga tauhan ay pawang halaw lamang sa aking makitid at di mapaliwanag na isipan...kung may masasaktan o matatamaan sa mga sinasabi ko, wala akong pakialam...
July 25, 2009
usapang lasing - vol. 1.01
OGAG: minsan may mga tao talagang ibababa yung nararamdaman mo dahil di nila makita na tama ang ginagawa mo. ikaw naman si tanga pinaniniwalaan mo yung sinasabi nya. kahit naman alam mong bunga lang yung nang matabil ang dila ni tabil.
TANGA: eh, anong magagawa ko? tanga talaga ako. kaya nga tanga yung pangalan ko eh. pede bang palakasin mo na lang loob ko? kaysa pag-duhan mo pa yung mga ginagawa ko?
OGAG: paano ko nga gagawin yun? eh kahit ano naman sabihin ko sa iyo eh di naman papasok sa makitid mong kokote yung mga sasabihin ko?
TANGA: buti alam mo. ah basta! ang alam ko lang down na down ako ngayon dahil sa pakiramdam ko, di ako tao. isa akong hayup na hindi nilikha ninuman.
OGAG: tingnan mo yung katigasan ng ulo mo! isang tao lang ang nakasakit sa iyo tapos ganyan na nararamdaman mo. parang galit at wala ka nang pakialam sa mundo.
TANGA: galit, definitely hindi. kasi alam ko naman na may pinag-huhugutan si tabil nung sinabi nya na pangit ako. alam ko naman yun eh.
OGAG: hindi ka pangit. ok. ok. ok. di ka lang masyadong gwapo. pero di ka pangit.
TANGA: tingnan mo na! pati ikaw. di ko naman sinasabi na gwapo ako eh. pero kapag sinasabi ni tabil yung mga salita na yun, feeling ko wala na. ako na ang pinaka-pangit na tao sa mundo.
OGAG: di ka lang pala tanga eh. ogag ka pa! sabi ko sa iyo, isang tao lang yun di ba? bakit mo papakinggan yun?
TANGA: di mo nararamdaman ang nararamdaman ko. mababa na self esteem ko. kaya pede bang wag ka na lang maki-alam.
OGAG: eh para saan pa pala ang usapan na ito! hayup ka pala eh. inuman na nga lang tayo at saka ilabas mo pa yung nararamdaman mo.
* ang mga tauhan ay pawang halaw lamang sa aking makitid at di mapaliwanag na isipan...kung may masasaktan o matatamaan sa mga sinasabi ko, wala akong pakialam...
July 22, 2009
nanliligaw, naliligaw
nanliligaw, naliligaw
lloyd umali and ima castro
madalas kitang makitang may kasama
magkahawak ang mga kamay
bumigat ang puso ko
laging nangangarap, na ako’ng kapiling mo
dapat nga kayang sa iyo ako’y humanga
kahit na ako’y mayroon nang iba
pigilan man ang puso ko
tuwid man ang tingin lumilingon ang isip ko
ang puso ko ay nanliligaw
ang puso ko ay naliligaw
bakit kay tagal nang hinihintay
at ngayon ka lang nakita
at di na ako manliligaw
at di na ako maliligaw
kung sasabihin mong ikaw at ako ang magkapalad
kung sakaling mang magulo itong damdamin
naghahabol sa iyong nagdaan
nauna nang pagsuyo niya’y lihis sa ‘yong landas
pagkat tayo ang tadhana
pag nilalaro mo ang aking isipan
halik at yakap mo ang nararamdaman
akala ko’y nabihag niya
ang puso kong itong sa ‘yo’y malayang nagpasya
ang puso ko ay nanliligaw
ang puso ko ay naliligaw
bakit kay tagal nang hinihintay
at ngayon ka lang nakita
at di na ako manliligaw
at di na ako maliligaw
kung sasabihin mong ikaw at ako ang magkapalad
di ko kayang masaktan ang damdamin
siya’y nagmamahal ng tunay sa akin
paano na ang aking pusong
ikaw lamang ang tanging buhay
ang puso ko ay nanliligawang puso ko ay naliligawsana nga’y maging ikaw at akoat wala ng hahanapinang puso kong nanliligawang puso kong naliligaw
July 21, 2009
my first…
my first…
a. catechesis in english – i was so nervous but i think i did it. it is not what i expect it to be but i think i well.
b. visit in the lincoln park zoo – i enjoyed my visit. its all i can say. see my pictures in my facebook.
c. domestic celebration – i had it with ana and alex. i was so nervous at first but it went well.
d. team building with the whole project – i enjoyed it. super!
these are just few…i still had a couple but i'd rather keep it. hehehe! july so far is awesome! i hope the next few days will be great, too.
July 18, 2009
movie day...
nanuod kami ng harry potter. maganda yung movie, pero sa tingin ko medyo bitin. pero sabi nya nila jay, kaya daw bitin yung kasi may kasunod pang part yung movie.
next stop, ice age three...i so adore the three dinos. ang galing at ang cute nila...
at huli, twilight! grabe, second time ko pa lang napapanuod ito pero i'm super hooked with it. maganda yung mga linya nilang lahat. pati plot ng istorya maganda din...
July 17, 2009
tapos na sa wakas
just accept the fact that most of the time you cannot have them all. may ibang tao na may masamang ugali, may iba naman na mabuti. may ibang palabiro at may ibang di nag-sasalita. kung ano man ako dun. or kung ano man sila dun. bahala na. basta ako, tapos na yung drama ko. kung ano man ang ipagkaloob sa akin kailangan ko lang siyang tanggapin at bukas palad na akuin ang responsibilidad na iniaatang sa akin...
July 15, 2009
ito na naman...
dapat masaya ako, dahil sa mga rason sa baba >>
a. masama mang sabihin pero natuwa ako dahil sa pagkakamali ng iba. ang sama ko ano? pero magandang maranasan naman nila yung batas ng isang taong inaalipin...
b. nakatanggap ako ng isang mensahe sa isang tao. di ko inaasahan na ganun yung mensahe nya. natuwa ako. simple pero may kurot sa puso. ayaw ko nang mag-kwento para di ito maging "connect the dots" na tila pinag-durugtong-dugtong ko ang mga kwento, haka-haka, nararamdaman at opinyon. alam ko namang wala. so sana makuntento na ako dun...
pero sa kabila ng mga bagay na dapat kong ika-siya, namumutawi pa rin sa mga labi ko ang lungkot at pag-hihinagpis. pati ang kunot kong noo at mata kong tila napapalibutan ng isang maitim na ulap dahil sa "eye bag". nandito na naman yung sinasabi ko pagkakataon kung saan tinatanong ko ang sarili ko ng "kung sana".
kung sana nasa pilipinas ako, di na ako nagkakaganito. ang "kung sana" ay parating nauuwi sa "akala ko". akala ko magiging masaya ako. at nauuwi ito sa "pero". pero akala ko lang pala yun.
kung sana nasa pilipinas ako, di na ako kailangang gumawa ng isang mahirap na desisyon. akala ko binibigay sa akin ng pag-kakataon. pero di pala...
mahirap ipaliwanag sa iyo. ikaw nga. nag-babasa ng blog entry na ito. kung gaano ako kalungkot ngayon. kung paanong tumutulo ang luha sa aking kaliwang mata na pag-katapos ng ilang saglit ay sa kanan naman. maya-maya pa ay pag-singhot naman ng uhog para di ito tumulo. pag-kalipas naman ng dalawang minuto ay tatawa ako at hahalakhak ng malakas para mapawi ang lungkot. hhaaayyy...ang hirap ngunit ganun talaga. ang buhay ng isang taong nais lumigaya na may sariling plano.
alam ko na nababasa ni God yung puso ko dahil sa labis na pag-darahop. pero nababasa Nya kaya itong blog entry ko na ito? hehe. ayan na naman ako. nag-tatanong kung hanggang saan ang kakayahan Nya. sana mawala na itong nararamdaman kong ito. pero ang kalooban sana ng Nya ang masunod.
July 14, 2009
july 15...
ito na yung unang pagkakataon ka para mag-bigay ng katekesis...nakapag-bigay na ako dati kaso lang iba talaga ito dahil nasa wikang ingles ito.
wwaaahhh!!! ninenerbyos ako lalo na nung sinabi ni jose na alam na nila marla at ni ana yung sasabihin ko. baka may mali akong masabi o baka ma-mental block ako.
pero ginagawa ko ito dahil sa alam ko para sa ikabubuti ko...
go! aja!
July 10, 2009
ner bus
yan yung nararamdaman ko ngayon. alam ko kasi ang kahinaan ko. hehehe. siguro sobrang yabang ko pa dahil masyado akong proud sa sarili ko.
sana mawala na itong nararamdaman kong ito. kasi ayaw talaga ng pakiramdam. may isang beses na hindi ako makatulog. tyak yun! dahil sa ner bus ko.
bakit kasi di ko pa masabi, di ba? ang mga dapat kong sabihin? akala ko sobrang tapang ko na kaya kong sabihin. pero di ko pa rin masabi ang mga bagay na gusto kong sabihin pero di ko masabi.
sana lang, magkaroon ako ng lakas ng loob. kasi nahihirapan na ako.
July 09, 2009
my only u
Kasama kang Tumanda
Itong awiting ito
Ay alay sayo
Sintunado man to
Mga pangako ko sayo
Ang gusto ko lamang
Makasama kang tumanda
Patatawanin kita
Pag hindi ka masaya
Bubuhatin kita
Pag nirayuma ka na
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda
Ibibili ng balot
Pag mahina na tuhod
Ikukuha ng gamot
Pag sumakit ang likod
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda
Chorus:
Sasamahan kahit kailanman
Mahigit kumulang di mabilang
Tatlumpung araw sa isang buwan
Umabot man tayo sa three thousand one
Loves na love parin kita
Kahit bungi bungi ka na
Para akin ikaw parin
Ang pinaka poging papa
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda
At nangangako sayo
Pag sinagot mong oo
Iaalay sayo buong puso ko
Sumangayon ka lamang
Kasama kang tumanda
ito yung kinanta ni toni gonzaga to vhong navarro sa movie na my only u. well, naalala ko lang naman. gusto ko kasi yung movie.
source: http://getitfromboy.net/tonigonzaga-vhongnavarro-myonly
July 08, 2009
distilled water is harmful to your health?
kanina, nagbabasa ako ng blogs. na-encounter ko ang isang siute na nag-sasabing harmful daw yung distilled water sa health natin. as in sobra akong naging curious dahil di ko alam yung pinag-sasabi nya. ang alam ko, distilled water is safe to drink. nakakainis lang dahil masyadong one sided ang blog nya. well, it is her own opinion not mine. this is mine...
walang evidence na harmful ang distilled water sa katawan natin. unang una, paano naman magiging harmful yung distilled water eh tubig lang talaga yun na tinanggalan ng ions. sige nga? sagutin nyo yung tanong ko. tapos, ang distilled water DAW (sabi ng babaeng blogger na ito) ay harmful dahil nag-aabsorb DAW ito ng carbon dioxide which makes it acidic in nature. sa akin lang, hello? alam ba niya na in general, kapag kumuha ka ng water sa ref, acidic din ito in nature? hello ulit? alam din ba nya na kahit basic yung tubig - pH greater than 7 - ay pede pa ring mag-exist ang carbon dioxide sa tubig? carbon dioxide when dissolved in water yields carbonic acid which is a WEAK ACID.
di naman obvious na inis ako di ba? sana lang sa mga bloggers na tulad ko ay maging responsible tayo sa mga sinasabi natin lalo pa at maraming nakakabasa nito...
sa kabilang banda, tama naman yung sinabi nya tungkol sa vitamin water. wala naman talagang vitamins ang tubig kung pinag-halong distilled water at crystalline fructose lang ang halo nito. magaling siya kasi alam nya yung sinasabi nya kaso lang the way we present the data.
references >> http://www.cyber-nook.com/water/distilledwater.htm and http://www.aquapurefilters.com/contaminates/116/carbon-dioxide.html.
July 05, 2009
masaya lang ako...
di ko alam. siguro dahil sa nag-sasalita na si jay (lol) at dahil sa nakikita kong mukhang ok na rin si john. nakakahawa talaga yata ang pagiging senti ng mga kasama ko. lol .
pero, bakit nga ba ako masaya? di ko din alam. ang alam ko lang, masaya ako and i should cherish every moment na masaya ako dahil kapag na-homesick na naman ako lagot lagot na. by the way, what makes me happy?
- a cup of ice cream.
- a good run along the lake shore.
- an awesome laugh with my friends.
- playing pokemon.
- heard that roger fed won wimbledon.
ilan lang yan sa mga nag-papasaya sa akin. lastly, marahil wala pa sa radar ko ang feeling of belonging with someone else. after a failure, here i am again so eager to know what God offers me. wish ko lang malapit na.
July 03, 2009
ika anim na buwan...
sa dami ng mga bagay bagay, di ko ma-explain lahat! hahaha! ang alam ko lang ngayon, masaya ako dahil marami akong natutunan. sana lang, wag akong mag-sawa. hahaha! anim na buwan na lang ulit ang bubunuin ko at babalik na ako sa pinas! ang galing, parang kailan lang...
quotes from my favorite author...Bob Ong
- maganda ito...ahahaha! tawa ako ng tawa dito sa quote na ito...
..."Ang pag-ibig parang imburnal, nakakatakot mahulog, at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka."- Bob Ong
- totoo nga, nakakatakot. hahahaha! ayaw kong bumaho ng ganun na lang...
..."Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?" - Bob Ong
- hindi din ako nakatulog...hahahahaha!