hindi ko batid kung may dapat bang baguhin...
nag-pagupit ako ng buhok, few weeks ago. kinuhanan ko ang sarili ko ng litrato at nilagay ko as profile pic sa facebook ko. ito ang mga reaksyon ng mga tao...
P1: duds, mukhang receding hairline ah, epekto ba yan ng tate?...(babae na kaibigan ko)
P2: lapit na...(lapit nang makalbo)
P3: congratulations! palakpakan! (tugon sa comment ni P2)
P4: bwahahahaha! (tugon sa comment ni P2 at P3)
P5: mukhang nawawala na ahh....(completely ibang tao)
P6: maikli din pala yung pag-kakagupit sa iyo. (kaibigan ko)
A1: nice haircut! its cute! (kasama ko sa community sa franklin park)
A2: you look good with your haircut. (kasama ko pa rin sa community sa franklin park)
A3: its awesome.
yung P stands for Pinoy. yung A stands for Onaks.
kung makikita nyo, di lahat maganda ang naging comment ng mga pinoy sa bago kong gupit. pero yung mga onaks, puring puri yung buhok ko. kung ano man ang comment nila, wala akong paki-alam. sa tingin ko maganda yung gupit ko. yun yung alam ko.
kung nakakalbo man ako, sino ba yung di makakalbo? hello? una una lang yan! makakalbo din kayong mga nag-mamalinis jan. lol!
ngayon, may dapat bang baguhin? oo. ako guilty din ako dito. instead sa nakikita natin na may pangit sa isang tao, tingnan natin yung magandang punto ng pag-babago. di puro na lang masama yung lumalabas sa bibig natin. sisikapin ko yun. papanindigan ko habang kaya ko. dahil, naranasan ko din minsan ang maging "outcast" dahil sasabihan kang pangit. naranasan ko na itaboy ng mga kasama dahil sa di ako "pogi" sa tingin nila.
kung sino man sila, mamamatay din yung mga yun. kung mauuna man ako, wala akong paki-alam. ang importante. alam ko yung mali sa tama. di ko man magawa yung tama ngayon, at least may bukas pa para mabago ko yung ugali ko dahil alam ko yung mali.
*disclaimer - yung mga comments, depende yan sa tao di depende sa lahi. di ko nilalahat ang mga pinoy o inaaangat ang mga onaks. sa tingin ko lang kailangan ng pag-babago.