March 15, 2010

asaran ni aj at amaya

Hhay…Naka-alis na ako sa Tate. Nakakatuwang isipin na nasa ibabaw ako ngayon ng mga ulap. Hehehe. Alala ko ang sagutan ng mga bata (mga anak ni Ate Lei) >>

AJ: I wanna build a flying car.
Amaya: That’s impossible AJ.
AJ: You are impossible AJ.

Nakakatawa! LOL! Mula sa asaran ng mga bata nauwi sa isang pag-papatotoo. Totoo nga naman. Lahat ay posible kung nasa patnubay lang tayo ng Panginoon.

Dati, maniwala ka man o hindi, gusto ko talagang mag-tayo ng pinaka-mataas ng gusali at pinaka-mahabang tulay sa boong mundo. Pero sa kinahihinatnan ko ngayon, mukhang imposible talagang magka-totoo yun.Ako ay isang inhinyero ngunit di ko linya yung magtayo ng kung ano ano. LOL! Di ko alam nababago ba talaga yung mga pangarap ng mga bata o talagang di lang natutupad dahil malawak ang imahinasyon ng bata.

Sa ngayon, di ko alam kung matutupad ko pa yung pangarap ko nung bata. Pero sa totoo lang, wala na akong pakialam kasi ibig lang sabihin nun, di yun para sa akin. Di ko pinangarap nung bata na lumipad pero tingnan mo ngayon, nandito ako lumilipad mula sa Estados Unidos patungo sa bansang Hapon. LOL! Galing di ba? May nawawala pero may pumapalit. May plano talaga ang Panginoon para sa akin. Sa tamang pag-kakataon. Di ito ang unang pagkakataon na lumipad ako. Naging madalas ang pag-lipad ko mulad January 2009. Dami ko nang napuntahan sa Estados Unidos pero ngayon ko lang napagtanto na ang may mga bagay na di mo makukuha pero may mas magandang bagay ang ibibigay sa iyo.

Kung matupad man ni AJ ang pangarap nya o hindi. Sana mabasa nya ito blog entry na ito sa takdang panahon. (Sana isalin na lang ni Ate Lei sa Ingles dahil wala ako sa mood mag-Ingles ngayon). Mapag-tanto nya rin sana na di mo man makuha yung gusto mo, may matatanggap ka namang kapalit na mas maganda. Halimbawa na lang nitong sinasabi ko, gusto kong magtayo nang isang matayog na gusali dahil para nandun ako sa tuktok! LOL! Pero ngayon, mas mataas pa ako sa kahit anong gusali sa buong mundo, di ba?

Masaya talaga ang buhay kung maiintindihan mo yung tadhana at mga nangyayari sa iyo. May plano ka pero nawawala yun dahil sa may plano sa iyo ang Panginoon.

Humahaba na yung blog entry ko. Tama na…

0 comments:

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons