October 31, 2009

undas

hhhmmm...ito yung unang undas na wala ako sa pinas. ssoobbrraanngg miss ko yung tradisyon sa pinas. namiss ko yung kandila, yung ihaw-ihaw sa kanto, yung inihaw na hotdog at tinapay na tinipay, mga kung ano ano pang mabibili.

namimiss ko din siyempre yung pamilya ko. buong angkan ko sa pinas. lol! kasi ang dami talaga naming pumupunta taon taon sa sementeryo para lang sa araw ng undas.

pero ang konsolasyon ko na lang sa pagkakataon na ito, dalawang buwan na lang ang itatagal ko dito. konti na lang! =)

October 29, 2009

human

most of the times, when least expected, you will see yourself trapped in a very daring situation. you never expect it to be so tempting that you couldn’t resist the power that of that urge is taking over against you. it maybe a thing, a situation or person; the bottom line is you better say NO in some of the things that you have been dreaming to say YES.

what will happen tomorrow is something that you wouldn’t know. God only knows what and when is the proper timing for all the things.

it makes me smile whenever i'm trapped in a situation that will create a big laugh over me. i don’t know; but it makes me feel i’m human again. lol! no longer an undin! a human following what he thinks is right!!

October 26, 2009

malimit na tanong

malimit di ko matanto kung bakit kailangan gawin yung mga bagay na ayaw mong gawin...don't get me wrong, di ako naka-emo mode ngayon. medyo masaya pa nga ako sa gitna nang nararamdaman ko - medyo sinisipon kasi ako ngayon.

di ko lang alam...natanong ko na naman kasi sa sarili ko yan. bakit nga ba kailangan? wwaahh! hirap minsan pero ang gagawin ko lang smile lang at pray para maayos yung disposisyon sa buhay...

October 25, 2009

bakit mode?

hhhaaayyy…what will you do when life treats you so unfair? ok sige nga. di na life in general. lol!

kanina, out of somewhere may bigla akong nakita sa isang website na sssooobbbrrraaannnggg kinasama ng loob ko. well just to set this straight, i have nothing against the person dahil masaya ako at narating nya yun. ang kinasama lang nang loob ko? di ko alam. siguro human nature at urge na yung…hhhmmm…kailangan ko bang sabihin? lol! ok! siguro human nature at urge na yung mag-selos at maiinggit sa kinahinatnan ng ibang tao. kapag yun dalawang yun ang namayani sa puso ng isang tao, patay na!

di ko alam kung binigay talaga sa akin yung chance na yun ni Lord para di ako makapag-trabaho. ooppss! baka may makabasa! lol! don’t worry everything is accounted for. going back, di ko talaga inimagine na ganun yung mararamdaman. i thought its over. kakanta muna ako…

is it over, am i really over it
is it over, or will i take it back again
if it's over me can let that memory in
come on over, i'll let my life begin.


ok tapos na commercial. lol! going back, i really thought its over. i may call it “bakit mode” – pop mo ako kung gusto mong malaman ito. pero, ito na naman eh. wala naman akong magagawa. buti na lang may nakausap akong may sense kanina. may sense, kasi honest sya (ayaw nyang pasabi yung name nya). alam mong honest siya kasi tao siyang nakipag-usap unlike yung iba na sobrang ideal yung sinasabi.

*alam mo ako may feeling din akong ganyan minsan – pertaining to what i feel towards “bakit mode”.

*may mga powerful and very influencial sa mga ******* – kainis! galit ang mga taong nasa gitna ng food pyramid sa mga trapo dahil pulos pulitika na lang ang iniisip, pero silang mga ******* ang isang good example ng trapo!

*pag hindi mo na matake ang system and hindi mo rin ma-influence to change..the best move is to go out… - sobrang ganda ng statement na ito! totoong totoo kasi…

*it shouldn't define kung magaling ka ba talaga or hindi – tamang tama sa akin ito! as in ouch!

di ko na pedeng i-share yung iba kasi kapag pinost ko pa, lagot na talaga ako. medyo critical na kasi ung iba. ang importante dito, nakatulong nang husto yung sinabi nya sa kin.

October 23, 2009

another lonely day!

out of the loneliness that is slowly killing me, i googled (googled daw oh!) for the lyrics of a nursery rhyme that could help me overcome this feeling. here it is and i wanted to share it with you...



kung ang ulan ay puro tsokolate

o anong sarap ng ulan

ako'y lalabas at ako'y nganganga

ah ah ah ah ah ah ah ah ah ah

o anong sarap ng ulan



i'm super happy when i found this in flicker.

October 17, 2009

love na naman

isa pinaka-nakakaaliw na parte ng eucharist ay yung pag-tatanong ng pare sa mga bata. tulad ng sinasabi dati ni rollie sa min, di daw talaga dapat minamaliit ang mga bata kasi marami kang matutunan sa mga sagot nila. kanina, ayun natauhan na naman ako.

bakit nga ba kailangang magpakumbaba ka kung gusto mong mauna sa lahat?

nung tinanong ni father eric ito sa bata, miski ako di ko maintindihan. una, bakit ang hirap ng tanong sa bata. ayun di nakasagot yung bata. miski kung ako yung tanungin di ko masasagot yun eh. hehehe.

simple lang daw ang sagot. dahil sa pagpapakumbaba, matutunan mo ang pag-mamahal na walang hinahanap na kapalit. ito yung tinatawag na "love that consumes" ni paulo coelho - agape.

hhaaayy..."love" na naman...smile na lang ako kasi darating din yun...hehehe...

pearl harbor

after a long time, i was able to watch the movie pearl harbor again...

for me, this is one of the greatest movies ever made...


rafe: it's different out here. its cold, really cold. cold that penetrates your bone. i only do one thing that keeps me warm and that is to think of you...

evelyn: what did you got for winning is respect...

evelyn: every night i watch the sunset and soak up every last ray of its warmth, and send it from my heart to yours...

evelyn: you're acting like i didn't love you. rafe: evelyn, loving you kept me alive.


i even love the theme song...There You'll Be by Faith Hill. (thanks Pam sa correction!)

October 12, 2009

bakit?

isang taong unti unting pinahihirapan ng pagkakataon. lubos na nilugmok ang sarili sa isang kulungan na di nya kayang pang-hawakan...bakit kaya nya pinabayaan ang sarili na malunod dito?

isang taong nag-mimithing lumaban sa isang sitwasyon na di nya ninais. maaaring isang pag-kakamali ng sitwasyon ngunit di nya mabatid ang dapat gawin para maayos ang lahat. pilit siyang lumaban ngunit ang mga taong nasa paligid nya ang tuluyang naglaglag sa kanya...bakit siya pinabayaan?

isang taong lubos na nag-mahal. batid nya ang kahihinatnan nito ngunit handa siyang lumaban para matamo ang nais niyang maangkin. sa huli, wala siyang magawa dahil natuyo ang talulot ng rosas sa kanyang kamay...bakit nya pinaglaban ang sa tingin nyang walang patutunguhan?

ngayon, bakit? tatlong sitwasyon. tatlong tanong. tatlong pagkakataon. isang tao. kung seseryosohin mo yung lahat ng mga bagay, wala kang magagawa. walang mangyayari. walang mapapala.

laban lang ng laban hanggang sa makita mo yung dulo na wala nang patutunguhan. ang importante lumaban ka.

October 11, 2009

an awesome day!

There is nothing like a day started with something fruitful. Though I went home at around 1 am (we came from Hernan’s party), I made sure that 8.30 mass is on top of my To Do’s.

ALARM CLOCK: 8.03 AM Chicago Time.

What’s new?

October 11, 2009 is Chicago Marathon Day. No vehicles are roaming S. Michigan. It is something NEW!

What’s awesome?

Rev. Father Santa Claus (as I call him) gave a very good homily today! He gave us (listeners) two things that are worth thinking and I wanted to share these words to you:

a. The how is as much or far more important than the what. Fine! Everyone knows what to do but would they know how to do it? Some may say YES, but would you know how to do it in a correct way?

b. Let go! Let God! Oh my, it’s really me! I need those words. Most of the times, we have our plans and projects but we should somehow let go of these and let God take control of our so-called life.

What’s hot?

Nothing is gonna stop us now. LOL! Yes, we went to Aurora. I was supposed to buy things for my cousins and other relatives in the Philippines. I thought it will be easy for me but guess what? I failed. LOL! My patience is still the same. Short tempered and I easily gives up on something I do not want to do. Anyways, just to cut the story short, I ended up buying nothing for them. Overall, I enjoyed the day with my friends - John and Jay!

What’s cool?

The weather is very cold! It’s just October yet the temperature is 7 degrees C.


October 08, 2009

isang katotohanan na mahirap takasan

malimit di natin nakikita yung pinag-papaguran ng iba. di natin namamasid na makabuluhan pala. ang gusto lang natin, kabig ng kabig. di nasasalamin na mahirap mag-trabaho. mahirap gumawa ng mga gawaing bahay habang nag-gagawa ng kailangan mong gawin. mahirap umintindi sa mga taong ayaw naman umintindi kahit anong paliwanag mong gawin. alam mong tama ka pero di mo maipilit kasi ayaw nyang tanggapin na mas magaling ka sa kanya.

pero sa kabila ng lahat ng ito. dapat masaya ka pa rin, kasi nalalaman mo na may nasasaktan pala kung kain ka na lang ng kain habang yung iba nag-tatrabaho. mahirap pala yung trabaho ng isang nanay na nag-tatrabaho kasi kinakailangan nyang mag-banat ng buto habang ginagampanan pa rin ang pagiging nanay ng kanyang mga anak. mahirap din pala minsang makipag-trabaho sa isang Edward Alejo kasi ayaw ko ding intindihin yung ginagawa ng iba.

kailangan maging mapag-pasensya dahil marami pang mangyayari sa mga susunod na limang minuto, limang oras, limang linggo, limang buwan o limang taon. (galing kay Bea Alonzo sa pelikulang And I Love You So) =) . di naman ako nag-rereklamo. isa lang itong katotohanan na kailangan nating malaman.

October 06, 2009

isang malamig na gabi sa train station ng franklin park

grabe lakas ng hangin labas.

galing ako sa franklin park para sa word namin pero nung pauwi na ako. sobra ang lakas ng hangin sa train station. dun ako sa gilid ng office station pumuwesto. para at least natatakpan ako ng malakas na hangin at may maliliit na rin na patak ng tubig kaya magandang parte ito para silungan.

habang nag-iintay ako ng train ay may naka-daupang palad akong isang amerikano. madaldal siya pero nakakatuwa. animnapu't anim na taong gulang na siya ngunit kitang kita sa kanya na malakas pa ang kanyang pangangatawan.

marami kaming napag-usapan. tungkol sa "labor union", sa "bob cat", sa "welding", sa salamin nya sa mata, sa "DUI", sa "politics" at syempre di ba mawawala si "Manny Pacquiao" at "Oscar dela Hoya".

natuwa ako ng husto sa kanya. naalala ko yung namayapa kong ama. kung buhay siya ngayon, pareho sila ng edad. ganun din yung tatay, madaldal. maraming kwento. mayabang din. hahahaha! wala lang. na-miss ko lang yung tatay ko. promise! di ako nalulungkot. natutuwa pa nga ako eh kasi parang nakita ko yung tatay ko ulit.

October 02, 2009

ganun pala yung feeling!

ngayon alam ko na yung feeling! wwaahh! do i really have to watch the movie "and i love you so" before i could understand how she feels? wwaahh! super insensitive talaga ako sa feeling ng ibang tao - kahit mahal ko.

di ko ma-reveal yung name nya pero i salute her. di man kami nag-karoon ng masinsinang pag-uusap pero alam ko mahal na mahal nya ako..

...sorry kung di ko na siya maibabalik sa inyo.
...sorry kung di ko siya nabuhay samantalang ako ay nag-patuloy mabuhay.
...sorry kung gusto kong sumaya.
...yung gusto mong lumigaya pero may masasaktan ka namang iba. kapalaran pa ng ibang tao ang nakataya.

wwaahh! sana nababasa din ito ng mga "may ayaw" dati.

pero kung ano man yun, salamat pa rin. mas tumaas yung tingin ko sa iyo. isa kang tunay na bayani sa mata ko.

October 01, 2009

And I Love You So

i dont like regine v. but love her song...two thumbs up for me!

version naman ni gary...awesome!

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons