June 30, 2010

worst movie experience

edward: do you have someone like an usher who could sporadically check people watching the movie?
girl: wala po kaming usher ngayon eh.
edward: i understand. pero sana kahit patapos na yung showing ng movie ay di inaalis yung mga ushers. this is my worst movie experience ever. i am not satisfied with the movie. there are about three st***d people using their mobile phones inside with their voice louder than the audio of the movie (of course, i am somehow exaggerating). two couples talking with each other aloud about their lives. sorry kung sinasabi ko sa iyo ito, kasi i am really disappointed sa moviehouse na ito. first time lang nangyari sa akin ito.
girl: sorry po sa nangyari.
edward: its ok.

well, nasabi ko na nga. naisip ko lang talaga na KULANG SA DISIPLINA ang mga tao dito sa ating sariling bansa. iniintindi lang ay kanilang sarili at di iniisip ang kapakanan ng iba. 

una, tama ba namang makipag-usap ng ubod lakas sa telepono. nag-salita na ako na nanunuod kami ng movie at di kami maka-concentrate pero di pa rin natinag. bato bato sa langit, ang tamaan wag magagalit - mayayabang ang ilang mga pinoy. i said mayayabang kasi they dont want na ma-idle. gusto nila tinatawagan palagi sila para maramdaman nilang may mga taong nangangailangan sa kanila. maramdaman nila yung importansya nila sa mundo. at para maipag-malaki nila na may nangangailangan sa kanila, sasagutin nila ang telepono or mobile phone nila sa mga pampublikong lugar na nangangailangan ng katahimikan. tapos iiyak iyak kung ma-snatch yung cellphone! tandaan mo ate mabilis ang karma! sarili ko lang itong pananaw. di ko na iniisip kung may masasagasaan ako sa sinabi kong iyon. 

pangalawa, di masamang makipag-date sa sinehan. pero kung kailangan nyong mag-usap ng pansarili nyong buhay pede namang hinaan di ba yung boses mo? kasi nakaka-irita. don't get me wrong. i am not naiinggit or whatsoever. its just that i know that i need to listen and understand what the movie is trying to tell me. and a loud voice coming from other people will definitely affect on how i concentrate. kainis!

di kailangan ng mga pinoy na malaman ang proper etiquette sa panunuod ng pelikula. ang kailangan lang ay maging sensitive yung mga nanunuod sa ginagawa nila. lahat kasi apektado.

ahehehe. di naman ako galit. naiinis lang talaga ako sa mga taong ito...

June 26, 2010

busy weekends

two consecutive weeks of sover busy schedule. wah! maybe, its just it! that's it...

despite the busy schedule, i should still find time to run tomorrow. hope that i can hit 8 miles tomorrow. also, convivence day tomorrow. whew! i don't know what will happen but everything happens for a reason right? so be it.

anyhow, i just dropped by to unwind. its really busy but i need to pull some strings so i can remove some stress. =) .

June 25, 2010

dito na siya

june is really exciting! at long last, dumating na yung pinaka-iintay ko...

sobrang excited ako nung nakita ko, nasa marikina na yung package at siyempre alam ko na yung susunod. i-dedeliver na ito sa susunod na araw. oh my! di naman ako binigo. nandito na siya! 

ito na nga, gamit ko na yung binili kong mac! wow! first blog entry ko na with my macbook. ahehehe...

more blogs to come...=)

June 20, 2010

anong masasabi ko sa tatay ko?

kung tatanungin ako, ano ano pa ba ang naalala ko sa namayapa kong ama. ito siguro ang mga masasabi ko...

a. mabait. kahit mainitin ang ulo nyan, parang ako, pero mabait yan.
b. maparaan. hahaha! kahit minsan wala na sa lugar. pero sige. para lang sa ikabubuti namin.
c. matalino. mas matalino pa sa akin ang tatay ko. mas maraming alam yun sa akin.
d. maloko. hahaha! oo. maraming kalokohang taglay ang tatay ko. masama or mabuti. hahaha!
e. mapag-asikaso. kahit hinihika na yan, gagawin nya lahat para lang maturuan kami ng leksyon namin dati.

kitams. di perpekto tatay ko. pero mahal ko yun kasi tao siya. sabi ng iba, ang tatay nila ang pinaka-dakilang ama sa buong mundo. sa akin, di siya perpekto pero mas lalo kong dapat mahalin ang tatay ko dahil dun.

happy father's day daddy!

June 19, 2010

paano maglinis ng sapatos?

masaya ako! at walang makaka-alis sa akin nito. lampas alas-dose na pero nandito pa rin ako kaharap ng laptop dahil sa sobrang saya ko.

4.45 pm ng 6.19, nasa pamplona pa lamang ako. kailangan kong makarating sa the fort ng 5.30 pm. kaya, nag-taxi na lang ako papunta dun. pero guess what? nagkaligaw-ligaw talaga kami ng taxi driver. pero kahit ano pa, kailangan maging maganda ang mood ko. after few minutes, umulan ng malakas! waah! parang tinatamad na ako. or baka naman ma-postpone ang event. hehehe. few more minutes, manong and i arrived. yahoo! pero may problema, mali yung pinag-bababaan sa akin ni manong. kaya kailangan kong tumakbo sa papuntang gate para di masyadong mabasa. since malakas nga ang ulan, nabasa na rin ako. mahaba-haba din kasi ang tinakbo ko. madami nang tao ang nakasuot ng kanilang costume (lol! costume talaga ang tawag ko!). unang tanong ko sa taong nakita ko, “would you know where the registration for the run is?”. sosyal kasi mga tao dun kaya kailangan akong mag-english. lol! itinuro naman sa akin kung saan ko kukuhanin yung kit para sa akin. may ilang tao akong naka-usap para pag-tanungan kung saan ko kukuhanin ang complimentary kit ko, pero pinag-pasa-pasa pa rin ako sa ilang mga tao. (hay pinoy talaga!). in the end, nakuha ko rin naman. next step, mag-suot ng costume.
sa mga oras na iyon, nag-aagam-agam pa rin ako. tutuloy ba ako o hindi...

edward: baka kasi mag-kasakit talaga ka.
martin: pero sayang naman, libre ito! kaya, tumuloy ka na.
edward: sige, isusuot ko na lang yung binigay nilang shirt.

at yun na nga. unang pag-kakataon kong mag-suot ng muscle shirt (hiya ko kasi sa mga stretch marks ko). hahaha! di ako sanay mag-suot ng ganung shirt. hahaha! mali pala, hindi talaga ako nag-susuot ng ganun. pero, nagawa kong isuot ang magiging sandata at baluti ko sa mga susunod na oras o minuto ng buhay ko. in short, naka-costume na rin ako. lol! iniwan ko ang favorite green bag ko sa RNNER na store sa B3 building.
di talaga pede yun. pero nakiusap lang ako. lol! siguro, mainit lang talaga ako - translate ko sa english ah "i think i look hot with muscle shirt" - kaya sila pumayag. lol! ericka yung name ng manager nila. siya yung kausap ko. lol!

kahit nakasuot na ako ng costume, nag-dadalawang isip pa rin ako.

edward: sige, oks lang na magkasakit. matagal na akong di linalagnat. lol! pero nanghihinayang ako sa relo at sapatos ko.
martin: ang arte mo naman. di ba waterproof yung relo mo?
edward: di ko alam. di ko naman nilulubog yung kamay ko sa tubig kapag suot ko ito.
martin: water proof yan! malabong hindi.
edward: oh sige na nga. cleared na ako sa relo ko. tutal naman, madami na rin naman ang naitulong sa akin nito. it served me well. 
...
(tumingin si edward sa tech4o na relo nya at hinalikan ito.)
...
edward: at saka libre lang naman ito sa cp points ko. sige na. pede na yan!
martin: kitams! takbo tayo aahh. magiging masaya ito.
edward: sige. pero, pero...
martin: ano na naman?
edward: yung sapatos ko.
martin: anong problema? eh basa na yan.
...
(biglang naalala ni edward nung nasa L.A. siya, kasama ang dalawa nyang kaibigan. sa may kodak theatre, may parang fountain dun na pedeng pumasok sa loob. gusto ni edward na tumulad sa mga batang nag-lalaro sa fountain pero di nya ginawa. ang rason? ayaw nyang mabasa ang neon green nyang sapatos. lol! ang arte!)
...
martin: tsaka, binili mo yan para gamitin sa pagtakbo! para gamitin mo. ikaw talaga.
edward: oo nga. pero di tumakbo sa ulan. gets?
martin: bahala ka dami mong rason. tatakbo ka ba o hindi?
edward: oh sige na nga! babasain ko na ang sapatos ko na "the shoes that think of your feet" - lunarelite +.  
martin: wii! pero yabang mo aah. lol! wasakin ko yang sapatos mo eh.
edward: e di umuwi ka ring nakayapak.
martin: oo nga naman. sige na nga. wii!

humakbang na ako palabas ng building at handa nang sumugod sa ulan. pero balik agad ako. lol! isang mallllaaalim na buntong hininga tapos sabay takbo palusob sa bumubunghalit na ulan papuntang kalsada. yahoo! yeaba! wii! lahat na nasabi ko. malapit na ako sa kalsada nang ininform nung organizer na nag-simula na yung race. waahh! kaya, instead na tumigil ako. tuloy tuloy na ang takbo.

ang saya! super saya. parang bumalik ako sa pagkabata. naglalaro sa ulan. tumatakbo. napagtanto ko na lang na, na ilang buwan ko na nga pala ginagamit ang sapatos na ito. ang aking lunarelite + na sapatos. (ang yabang ko talaga! lol! minsan lang kasi ako magkaroon ng ganito kaya mahal na mahal ko.) kailangan nya na talagang malinis! at ito! ito ang paraan para malinis ang sapatos. i turned on din yung pedometer ng tech4o na relo ko! yahoo! saya! takbo! takbo. yung iba, naglalakad na. pero ako takbo pa rin. ang saya. sa unang labing siyam na minuto, alam ko maganda yung pag-hakbang at pag-hinga ko. proper pacing kung baga. lakad ng tatlumpung segundo tapos takbo ulit! makalipas ang tatlumpung minuto, tapos na! tatlumpung minuto aahh! lol! ang saya! sobrang saya ko! at mas masaya kasi may ulan. lol!

June 18, 2010

awesome!

i am sover happy and excited for tomorrow.

1. it will be my first day in my spanish class. yes! at last, i was able to enroll myself to one. it will be in UPD tomorrow @ 9 am. finally, finally! few years ago, i attended an italian class but i already forgot it. this time, i have some friends who could talk in spanish so hopefully i will practice it everyday.

2. i will be going to prince's bday. prince is the son of my cousin marlon. he's a cousin from my dad's side. so what's so special? it is very rare for me to mingle with my cousins from my dad's side. so i am excited!

3. 5K run tomorrow. yahoo! it will be my first time to run professionally! lol! i started running when i was in chicago. i quickly fell in love with it! and now! and now! hehehe....i mean tomorrow. and tomorrow! and tomorrow! yahoo! 5K run, here i come! next target 10K on july 25.

4. i hit it. march 14 it was 168. and now, june 18 it is 158.8. yahoo! go baby fats go! target - 140 by end of year...sana ma-hit ko.

June 14, 2010

movies - reality? fantasy?

ngayong long weekend, nakapanood ako ng dalawang nice korean movies - daisy at my girl and i. pero parang di lang ako satisfy. hahahaha! di ko alam kung dahil sa di lang ganun kaganda yung mga movies na nabanggit ko di tulad ng nakwento ko na. pero ewan ko ba! siguro pagod na ako sa mga love story na namamatay yung bida.

parang kinakain ko na yung mga sinabi ko na kapag namatay yung bida ay parang mas makatotohanan. parang gusto ko nang bumalik sa isang "happily every after" na type na movie. ewan ko...siguro dahil din ito sa gusto kong bumalik sa fantasy land. parang fantasy lang. walang kapalit.

ang tanong, kailan kaya yun? kailan kaya?

isang tanong...

kanina lang. maganda yung tanong sa akin, "ano ang kahalagahan ng way sa uiyo?"...

sabi ko, may susi ako palabas. ang ibig sabihin ay may kakayahan akong lumabas. pero wala akong kakayahang harapin ang mundo kung nandun na ako. hahanap-hanapin ko ito...

di lang ito parte ng sistema ko bagkus ito ay naging lakas at pundasyon ko bilang isang tao...

salamat!.

June 06, 2010

two big movies in one great day!

movie marathon ako ngayon...lol...i saw prince of persia. for me its an awesome movie. i just don't like the idea of going back to the past to affect what would happen in the future. pero everything is good.

sa tingin mo, makukumpleto ba ang linggo ko kung di ako nakapanood ng isang korean movie? lol. this time, its once in a summer. ang galing. awesome din yung movie. ang ganda ng pag-kakatwist ng story. unpredictable.

isang maikling liham kay tabil...

dear tabil –


tanda mo pa ba ako? hehehe. gusto ko lang sana humingi uli ng patawad. nagalit na naman ako sa sarili ko at sinisi kita dahil dito. may isa kasing bagay na gusto kong gawin pero di ko magawa. ayaw ko man pero pilit kong naaalala ang mga salitang nabanggit mo sa akin. umusbong na naman ang galit ko sa iyo. alam kong di ko lang dapat isisi sa iyo ang lahat ng bagay. pero, patawarin mo ako. ganun lang talaga eh. nasaktan lang talaga ako. patawad ulit.

di ko man maipangako, pero gagawin ko ang lahat para di na kita gambalain ulit.

unknown letters

ang susunod na liham ay para sa isang tao. tinago ko siya sa pangalang gladys reyes para sa personal niyang kapakanan. ito base sa mga tunay na pangyayari sa buhay-opisina.


dear gladys reyes –


alam ko nahahalata mo na galit ako sa’yo dahil sa malimit kong pag-iwas sa iyo. ngayon, masasabi ko sa iyo na di ako galit sa iyo, sobrang sama lang ng loob ko sa iyo. oo, masama ang loob ko dahil sa pakiramdam ko ay inagaw mo ang para sa akin. magaling ka naman eh, pero para kasing inangkin mo lang lahat. gusto mo, sa’yo lahat ng papuri. nasa tate ka pa nun, nung marami kang tinanong sa akin ng mga bagay bagay na di mo naman usually tinatanong. sinagot ko naman lahat ng tanong mo at karamihan ay isinalin mo sa isang dokumentong inari mong sa iyo. IYONG IYO. nakalimutan mo yata na parte ako sa idea na sinusulong mo. sa katotohanan, nakita ko pa nga yung mga bagay salita ko sa dokumento mong ginawa. ang kapal nang mukha mo. sobrang kapal nang mukha mo. kinuha mo pa ang atensyon nilang lahat at ako ay nasa isang tabi lamang. alam mo yung nararamdaman ko nun? sobrang galit. para akong ninakawan ng isang candy.


ikaw ang pangunahing dahilan kung bakit ninais kong lisanin ang comfort zone ko. masikip na ang mundo natin. kailangang may lumisan sa isa sa atin. at dahil sa tingin ko ay panig ang lahat sa iyo at nakuha mo ang kanilang simpatya, ako na lang ang nagpumilit lumisan. pero dahil sa kailangan ko nang mag-move on, papatawarin na kita. ipinag-papa-Diyos ko na lang ang lahat ng ginawa mo sa akin. kaya patawarin mo rin sana ako kung isa lang ang nasa isip at damdamin ko. ulitin ko, patawarin mo ako dahil dito.


pinangako ko, na tapos na ito. ito na yung huli kong beses na sasabihin at babanggitin ang ginawa ng kapalastangan sa akin. pinapatawad na kita. kaya sana mapatawad mo rin ako.


gumagalang kahit asar sa iyo,


judy ann santos

salamat...

ang salitang “moving on” ay nangangahulugan ng maraming bagay. ngayon, sa aking kalagayan, ito ay nangangahulugan ng pag-papanibago ng nakagawian ko nang buhay sa loob ng mahigit na limang taon. ang buwan ng mayo ay napaka-halaga sa akin. dito ko napatunayan na kung para ka sa isang lugar, para ka doon.


ika-7 nang mayo ang huling araw kong makakapiling ang mga taong nakasalamuha ko nang mahigit na limang taon. limang taon at labin-isang buwan. isa itong grupo ng mga tao na minahal ko at minahal din ako bilang isang tao. sige, hindi lahat ng tao ay nagustuhan ang ugali ko. at marami din sa kanila ay nakasagutan ko. mataray daw kasi ako. di ko ugaling ipagtanggol lang ang sarili ko sa paraang ganito dahil alam kong di dapat. pero wala akong magawa kundi sabihin na may dahilan ang lahat ng bagay. kung natatakot sila sa akin, wala akong magagawa. mabuti na yun kaysa walang mapala ang lahat ng pinag-hihirapan namin.

kung ano’t ano man, wala na naman akong magagawa kundi sumulong at ipagpatuloy ang buhay. ang mga taong ito ang naging comfort zone ko sa mga taong nais ko nang sumuko. mahirap man pero kailangan kong sumulong at maghanap ng para sa akin. salamat sa mahigit limang taon.

June 04, 2010

a moment to remember

just right now, i was able to finish watching one of korea's best movies. i can really attest to that! its so beautiful - all the members of the cast is perfect!

here are some lines...

su-jin: as my memory disappears, my soul will disappear too. i'm scared!
choi: why would your soul disappear? leave it to me. i'm your memory. i'm your heart.
(scene when choi and su jin were talking about su jin's alzheimer's disease.)
 
choi: lookin' straight into my eyes...she calls me by the name of her ex-lover (young min). and she says i love you.
(scene when choi was talking to the doctor about su jin's disease.)
 
...i don't have to remember you for you're a part of me. i smile, laugh and smell like you do. i might forget you, but nothing can drive you out of my body...
(an excerpt from su-jin's letter to choi asking for forgiveness about calling him young min)

su-jin to choi: forgiving is just giving your hate a little room in your heart.
 
old guy to choi: i like dust.when it's all over me, it feels good. when sadness is all over me, i can just dust it off.



i normally do not recommend movies but this one is really good. i watched the whole film in youtube (of course its part per part). i really love this!

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons