its more beautiful in the philippines v.2012
last year, a lot of filipinas marked a history in beauty contests - ms. universe, ms. world and ms. earth. they may not won the title (just runners up) but it still. being one of the finalists makes me very proud of our race.
5.33 AM/5.41 AM
i am a morning person. even though i sleep late, i can wake up as early as 4.30 am. so, its not a big deal for me to make a morning run and/or fetch her. hhhmm...i assume you know who am i referring to. for the past couple of months, i fetch her every morning and then i go to work. 6 am bus ride makes me an early bird for i usually arrive 7.30 @ mandaluyong.
goodbye my friend
my reebok shoes (trail) is now a record holder. so far, it is my longest running buddy. he used to be my gym buddy as well. i just love it! but like any other love, you need to know when to let go. it is so hard to say goodbye to a friend like my shoes. i may look stupid to some folks but i really love this one.
pilgrimage to madrid v.10
afterwards, nagpunta kami sa Palomeras Altas (sana tama ako...lol!). this is where kiko initiated the neo catechumenal way. dito kami kumain ng lunch tapos konting explantion si luigi tungkol sa place. iba yung feeling nung nandun ako. i felt my root. diniscuss sa amin how things went through at may mga pinakitang pictures with kiko and carmen. luigi reminded us of what kiko and the pope told us...
August 31, 2009
agosto 31
August 30, 2009
ang hirap
…ang hirap minsan tanggapin lalo na kung ganitong time of the year. hehehe…makakarelate sa akin yung ibang tao pero kailangan lang talaga siguro is maka-set up ka ng tamang isipan.
…ang hirap umiwas sa tukso. lalo pa’t kung lalapit talaga siya sa iyo. in my case, mahirap kasi nasa paligid ko lang ang tukso. nasa mga ginagawa ko at nasa mga kinikilos ko.
…ang hirap kasi ilang buwan na lang paalis na ako. napapamahal na ako sa mga taong nung una ay ayaw kong mahalin dahil alam kong luluha lang ako. pero ngayon, kahit anong iwas ko wala akong magawa. bumabagsak ako.
masaya ako in a way pero malungkot sa kabilang banda. ngiti lang kasi kailangan di maubusan ng gasolina sa pagpapagal. ang himaymay ng akong pag-daralita ay masasabi kong luto na nang panahon. ngiti lang kasi kailangan ko pa ring gumising sa katotohanan na ito ang nangyayari.
wag kang matakot
yup. ang mga ito ay mahirap pag-daanan ngunit kailangang pag-labanan.
di ko alam, pero mas maganda siguro na nararanasan ng mga tao ito para makita ang dapat makita...
pagod na akong malungkot, kaya kailangan lang ngumiti lang ng ngumiti...
kailangan ko lang alalahanin lagi itong lyrics ng kanta na ito...
wag kang matakot na matulog mag-isa
kasama mo naman ako
wag kang matakot na umibig at lumuha
kasama mo naman ako
wag kang matakot na magmukang tanga
kasama mo naman ako
wag kang matakot sa hindi mo pa makita
kasama mo naman ako
ito yung binibigay sa akin ni God na salit para di dapat akong matakot...
August 26, 2009
panaginip
bigla akong bumalikwas ng bangon dahil sa sobrang takot ang naramdaman ko...tapos di na ako nakatulog. baliw talaga ako, di ba? ahahaha
August 22, 2009
...God chose me
i was so amazed with father, he was an old man but you can see the youth behind his eyes. what also amazed me is one of the people who did an echo. her last words are “…God chose me.” somehow, some axons inside my body really did it’s job – to conduct electrical current away from neuron. i felt the same thing, too. despite my addiction, tactless words, endless murmurings and some inhuman activities (this is subjective to my beliefs), i'm still here walking with my community with hopes that someday i can call myself as a good follower of Christ. i am not good as others would think. i go to church every week to attend mass. i prepare for the celebration of the words. i do admonitions. but, i would say that i still love myself more than any thing else.
hhaayy (deep sigh) … when can i see myself fulfilled with the things that i do? i hope soon. i believe that because God chose me.
August 19, 2009
my valentine
If there were no words
No way to speak
I would still hear you
If there were no tears
No way to feel inside
I'd still feel for you
And even if the sun refuse to shine
Even if romance ran out of rhyme
You would still have my heart
Until the end of time
You're all i need
My love, my valentine
All of my life
I have been waiting for
All you give to me
You've opened my eyes
And showed me how to love unselfishly
I've dreamed of this a thousand times before
In my dreams i couldnt love you more
I will give you my heart
Until the end of time
You're all i need
My love, my valentine
La da da
Da da da da
And even if the sun refuse to shine
Even if romance ran out of rhyme
You would still have my heart
Until the end of time
Cuz all i need
Is you, my valentine
You're all i need
My love, my valentine
August 16, 2009
new jersey
pero masaya. excited lang ako ngayon kasi makikita ko na sila daddy peng, mommy tonnette at si kuya mike (kasama yung family nya). halo halo yung nararamdaman ko pero napapangibabaw pa rin ang excitement.
definitely, babalik ako dito sa new jersey.
August 12, 2009
usapang lasing vol 2.03
TANGA: adik ka ba? anong sinasabi mo?
OGAG: sabi ko, what is up?
TANGA: aahh. ok naman...
OGAG: eh bakit may beer ka na naman?
TANGA: wala marami lang iniisip. kung ano ba ang nakatadhana para sa akin...
OGAG: drama na naman nga ito. sige, kwento ka.
TANGA: di ko kasi alam kung ano ba talaga tong nararamdaman ko...kung ano ba talaga yung gusto kong gawin.
OGAG: like?
TANGA: gusto kong maging pulis, gusto kong maging mayor, gusto kong maging abogado, gusto kong magkaroon ng asawa, ng maraming anak, ng isang mansyon...gusto ko kong maging superhero. gusto kong lumipad...
OGAG: alam mo di mo matutunan lahat ng yan sa isang buhay...ang ibig kong sabihin, kailangan mong mamili ng tama. kung ano ang dapat mong gawin. isip ka ng mabuti.
TANGA: di nga ako makapag-isip eh. gusto ko lahat yun...
OGAG: di pede kasing lahat yun. kailangan mo ng kausap. yung matino. wag ako...
* ang mga tauhan ay pawang halaw lamang sa aking makitid at di mapaliwanag na isipan...kung may masasaktan o matatamaan sa mga sinasabi ko, wala akong pakialam...
August 11, 2009
feeling ko...
di ko inaakala na mag-kakaganito pa ako. after few failures, pero handa na ba ako? paano ko makikilala kung sino? paano ko malalalaman kung paano? paano ko masusumpungan kung ano? di ko din alam eh.
ang labo ba? ako din nalalabuan. alam ko lang masaya ako kung ano ang meron ngayon...
feeling ko...this is it...
August 08, 2009
sulat ko kay God
dear God -
nakakapagod nang maging malungkot...sabi nga ni bea alonzo sa bago nyang movie. sabi ko naman, nag-sasawa na akong hindi mag-salita at tumingin na lang sa kawalan. di ko alam kung bakit ako ganito...
di ito simpleng homesick lang alam ko. kasi may nag-sasabi sa akin na wag kong gawin itong bagay na ito, wag akong tumawa, wag akong mag-saya, wag akong mag-joke. sabi ko nga may bagay na nag-sasabi sa akin na wag kong gawin itong mga bagay na ito...
kung ano man itong nag-pipigil sa akin na ito, alam mo naman yun di ba? alam ko labag yun sa utos mo, pero pasensya na aahh, yun pa rin yung nararamdaman ko. ayaw ko nang manuro kung sino may kasalanan kasi alam ko, nasa akin din naman yun. di ba?
naniniwala akong nag-babasa ka ng blog ko, araw gabi. sana naman mabasa mo ito, ang marinig mo yung pag-sasamo ko na tanggalin mo ang sarong na kinasasadlakan ko ngayon, ngunit siyempre depende pa rin sa iyong kagustuhan yan. ikaw pa rin ang masusunod. bigyan mo lang ako ng mga dahilan kasi alam mo naman na matanong ako.
yun lang. thank you!
August 07, 2009
ikaw na naman
wag mo nang itanong kung bakit. basta wag na lang. kahit malungkot yung kinasasadlakan ko, di mo naman magagawang maayos ang pakiramdam ko.
sige, di muna ako mag-sasalita ng tapos, pero sa tingin ko di talaga pede yung iniisip mo. hanggang dito na lang. wag ka nang mag-isip ng kung ano ano pa.
mag-iiwanan lang din naman tayo dahil sa natatangi nating pananaw. sige sige, halos pareho pero magkaibang magkaiba. tama na!
usapang lasing vol 2.02
TANGA: sino kausap mo?
OGAG: ikaw. wala na namang ibang tao dito eh.
TANGA: ako? sana. sana ok na ako.
OGAG: bakit ba ang drama mo na naman ngayon?
TANGA: si tabil kasi eh. ginugulo na naman ako.
OGAG: oh, ano na naman ang sinabi sa iyo?
TANGA: wala. yun nga eh. wala siyang sinasabi sa akin pero affected pa rin ako.
OGAG: hhaaayyy! ano bang problema? sala ka sa init, sala ka sa lamig...
TANGA: wala nga sinabi! sandali nga bibili ako ng beer.
* ang mga tauhan ay pawang halaw lamang sa aking makitid at di mapaliwanag na isipan...kung may masasaktan o matatamaan sa mga sinasabi ko, wala akong pakialam...
pag-ibig
isang babae na malayo sa kanyang kasintahan. malapit siya sa isang lalake. ang lalaking ito ay masasabi kong sawi sa pag-ibig. tanong...hinahanap hanap lang ba ng babae yung kanyang kasintahan kaya napapalapit siya sa lalaki? naghahanap lang ba ng kapupunang pag-ibig ang lalaki sa piling nang babae? nag-gagamitan lang ba sila?
may isang babae na lubos na umibig. naging buhay nya ang kanyang kasintahan sa mahigit na isang taon. ngunit nauwi lang ito sa wala. pinilit nyang ipaglaban ang kanilang pag-mamahalan ngunit wala ring nangyari. tanong...mag-lalakas loob pa kaya siyang sumugal sa laro ng pag-ibig? paano kaya siya babangon?
may isang binata na kinulong sa pananaw ng mundo. di siya nag-karoon ng lakas upang lumaban at ipag-tanggol ang kanyang sarili. naniwala siya sa mga haka haka at bulong bulungan. ang kay palam nyang buhay ay nadagdagan pa ng pag-takbo ng kanyang kay lupit na kapalaran. tanong...kailan siya makakalaya sa kabaluntinaang ito? paano siya makakabangon sa putikan na kanyang kinaroroonan?
isang lalaki na takot mahusgahan ng mundo. pilit na tinatago ang kanyang relasyon sa kapwa nya lalaki. pilit na nag-papanggap na maging lalaki. tanong...kailan sya mag-laladlad sa mundo? kailan siya magiging taas noo at pag-mamalaki na bakla siya?
...ibat ibang mukha ng pag-ibig sa kapwa.
...pag-ibig na tila di maarok nitong isipan at diwa.
...pero pag-ibig nga bang maitatawag itong nararamdaman?
...o bugso lang ng damdamin na dala ay kapahamakan?
August 06, 2009
Because I could not stop for Death
Because I could not stop for Death,
He kindly stopped for me;
The carriage held but just ourselves
And Immortality.
We slowly drove, he knew no haste,
And I had put away
My labor, and my leisure too,
For his civility.
We passed the school where children played
At wrestling in a ring;
We passed the fields of gazing grain,
We passed the setting sun.
We paused before a house that seemed
A swelling of the ground;
The roof was scarcely visible,
The cornice but a mound.
Since then ’t is centuries; but each
Feels shorter than the day
I first surmised the horses’ heads
Were toward eternity.
from http://www.bartleby.com
ang araw ko...
nanuod kami ng play. spring awakening . maganda yung play! naka-relate ako ng konti kay mortiz. hindi yung part na traumatized by puberty pero yung isang side nya. yung tipong, may kailangan siyang patunayan lagi sa mga tao na kailangan ganito siya pero di naman siya ganun. hanggang sa di na nya kaya...
maganda rin yung role ni melchior. matapang siya pero ayun, minsan wala talagang pag-dadalhan yung tapang lalo na kung ang mundo mong ginagalawan ay sanay sa mga walang kwentang panuntunan. alala ko nung medyo bata pa ako! hahaha! wala akong pakialam kung aawayin ko yung teacher ko, basta eto yung gusto ko. parang isang malaking SH^T ung mundo pero wala naman akong magagawa di ba?
all in all, maganda talaga yung spring awakening. na-awaken ako. hehehe.
August 05, 2009
a thought about loneliness
these were the exact words written in the book Brida by Paulo Coelho. when i read these words, i came to realize something and in somehow understand myself and others. its really hard to become lonely for it can definitely kill somebody.
kahapon sa piling nila...
Pero to clear things up, di ako “drama mode”. Yung mga previous entries ko ay dahil lamang sa makitid kong pag-iisip – nothing else. Dito lang sa blog entries ko nailalabas yung second personality ko. Hahaha! Sa tingin ko nga kasi may MPD (Multiple Personality Disorder) ako! Hahaha!
Kahapon yung isa sa pinaka-masayang araw ko sa piling ng community ko dito sa St. Gertrude. Ang saya! Kahit, di ako masyadong nag-salita pero ang saya pa rin. Unti unti ay ang dami kong natutunan sa kanila. Hindi naman sa wala akong natutunan sa community ko sa Pinas, pero dito natutunan ko lahat yun nang di ako kailangang mag-salita. Miss na miss ko na yung community ko sa Pinas. Masaya DIN pala yun. Don’t get me wrong. Nag-sasalita naman ako. In fact, kahapon yung first word namin na kami yung in-charge. Ako yung nag-general admonition. Kasama ko sa group si Carolina, Fernando at Marisa. Kahit talaga sanay na sanay na ako sa pag-bibigay ng admonitions, may oras pa rin na ma-mental block ka at yun yung nangyari sa AKIN. MENTAL BLOCK. Kahapon din ay penitential celebration namin. At last, nakapag-kumpisal na ulit ako. Medyo kakaiba yung sinabi sa akin ni Father. Hehehe. Pero masaya kasi tama naman siya. Mahirap nga daw pero kailangan gawin. Hahaha! Kung di ko gagawin yung tama, ako naman yung talo sa dulo. At syempre, kapag may confession, may kainan! Gutom na gutom na ako pero kailangang tiisin. Tuwang tuwa sila sa dinala kong Cinnabon (cinnamon rolls). Natuwa ako dahil Cinnabon Guy daw ako! Mababaw man pero masaya lang kasi naramdaman ko na parang at home ako for the first time - after ilang araw ng solitude. Yung lahat nandun, di lang sina Jose, Adrianna, Moses, Angel at Sophie.
Ito na yung kinatatakutan ko. I am falling in love with my community. Baka mapa-iyak ako ng husto kapag umalis na ako. Pero sabi nya ni Ana, kailangan, just cherish every moments. Habang nandito ako kailangan kong maging masaya - kahit maraming problema. Smile pa rin kasi dapat masaya ka. It’s not pleasing other people but pleasing yourself.
I hope I can bid goodbye to my hormonal imbalance! Hahaha!
August 04, 2009
cory
kahit di ko talaga siya gusto nun, minulat ng mama ko at ng papa ko na lolo ko daw si marcos, pero i learned to love her.
she seems to be very peaceful. ang galing nya. dami kong nakukuhang points to ponder sa kanya.
kung nasa pinas lang ako ngayon, di ko papalampasin na makarating sa burol nya. kakalungkot pero kailangan talaga maging matatag. fight for democracy!
August 03, 2009
usapang lasing vol 2.01
TANGA: wala. masama bang uminom ng beer?
OGAG: di naman. alam ko lang kasi kaya ka lang umiinom ng beer para makatulog agad at panandaliang mawala sa isip mo yung problema.
TANGA: ganun nga.
OGAG: so nag-da-drama ka nga?
TANGA: di nga drama eh. suspense horror plus may kasamang konting action.
OGAG: horror? suspense? action? ano na naman yun? kwento mo nga para maliwagan ko...
TANGA: action kasi may mga pangit na kontrabida. suspense kasi pabigla bigla na lang darating, parang out of no where bigla na lang na lalabas. horror kasi nakikita ko mukha ko...
OGAG: comedy ka naman eh. nag-papatawa ka ba or serious?
TANGA: di mo naman talaga ako sineseryoso nun pa. kapag emo mode ako bale wala sa iyo.
OGAG: kasi naman bakit mo iniisip yung mga yun? ang tindi talaga ng inferiority complex mo ahh! adik ka ba? akala ko lasenggero ka lang? sino naman nag-sabi na pang-horror yung mukha mo?
TANGA: p&*ang i&a naman oh. kinakalimutan ko na nga, pinapaalala mo pa! alam mo naman si tabil.
OGAG: tanga ka talaga. bagay yung pangalan mo sa iyo. pinapaniwalaan mo yun. di yun worth it na paniwalaan. wala naman kwentang tao yun eh.
TANGA: wow! nice word..."worth it". alam ko naman na masamang isipin ko yun, pero walang pakialaman. yun yung nararamdaman ko eh. anong magagawa mo? inuman na lang tayo!
* ang mga tauhan ay pawang halaw lamang sa aking makitid at di mapaliwanag na isipan...kung may masasaktan o matatamaan sa mga sinasabi ko, wala akong pakialam...
August 01, 2009
sana...alam ko...
alam ko kaya ko ito...kaya ko ito...sana lang di ganun kahirap...alam ko nandiyan si God para tumulong sa kin...kaya ko ito...