may mag-ama na naiwan sa bahay nila. ang ilaw ng tahanan ay wala at may pinuntahang ibang lugar. kung saan pupunta ang ama, sinasama nya ang anak nya. ang anak ay naguguluhan kung bakit siya kailangang isama sa tuwing aalis ama. tanong...mahal ba ng ama ang anak nya dahil ayaw nya itong masadlak sa tukso at mauwi sa panonood ng pornograpiya? wala bang tiwala ang ama sa kanyang anak?
isang babae na malayo sa kanyang kasintahan. malapit siya sa isang lalake. ang lalaking ito ay masasabi kong sawi sa pag-ibig. tanong...hinahanap hanap lang ba ng babae yung kanyang kasintahan kaya napapalapit siya sa lalaki? naghahanap lang ba ng kapupunang pag-ibig ang lalaki sa piling nang babae? nag-gagamitan lang ba sila?
may isang babae na lubos na umibig. naging buhay nya ang kanyang kasintahan sa mahigit na isang taon. ngunit nauwi lang ito sa wala. pinilit nyang ipaglaban ang kanilang pag-mamahalan ngunit wala ring nangyari. tanong...mag-lalakas loob pa kaya siyang sumugal sa laro ng pag-ibig? paano kaya siya babangon?
may isang binata na kinulong sa pananaw ng mundo. di siya nag-karoon ng lakas upang lumaban at ipag-tanggol ang kanyang sarili. naniwala siya sa mga haka haka at bulong bulungan. ang kay palam nyang buhay ay nadagdagan pa ng pag-takbo ng kanyang kay lupit na kapalaran. tanong...kailan siya makakalaya sa kabaluntinaang ito? paano siya makakabangon sa putikan na kanyang kinaroroonan?
isang lalaki na takot mahusgahan ng mundo. pilit na tinatago ang kanyang relasyon sa kapwa nya lalaki. pilit na nag-papanggap na maging lalaki. tanong...kailan sya mag-laladlad sa mundo? kailan siya magiging taas noo at pag-mamalaki na bakla siya?
...ibat ibang mukha ng pag-ibig sa kapwa.
...pag-ibig na tila di maarok nitong isipan at diwa.
...pero pag-ibig nga bang maitatawag itong nararamdaman?
...o bugso lang ng damdamin na dala ay kapahamakan?
0 comments:
Post a Comment