isang napaka-mahabang araw. ang daming ginawa. pero oks na yun kaysa wala.
nanuod kami ng play. spring awakening . maganda yung play! naka-relate ako ng konti kay mortiz. hindi yung part na traumatized by puberty pero yung isang side nya. yung tipong, may kailangan siyang patunayan lagi sa mga tao na kailangan ganito siya pero di naman siya ganun. hanggang sa di na nya kaya...
maganda rin yung role ni melchior. matapang siya pero ayun, minsan wala talagang pag-dadalhan yung tapang lalo na kung ang mundo mong ginagalawan ay sanay sa mga walang kwentang panuntunan. alala ko nung medyo bata pa ako! hahaha! wala akong pakialam kung aawayin ko yung teacher ko, basta eto yung gusto ko. parang isang malaking SH^T ung mundo pero wala naman akong magagawa di ba?
all in all, maganda talaga yung spring awakening. na-awaken ako. hehehe.
0 comments:
Post a Comment