Mukhang dumami yung hits ko kahapon aahh! Dahil ba sa parang “drama mode” ako ngayon? Hahaha! Anyways, salamat sa mga nag-babasa.
Pero to clear things up, di ako “drama mode”. Yung mga previous entries ko ay dahil lamang sa makitid kong pag-iisip – nothing else. Dito lang sa blog entries ko nailalabas yung second personality ko. Hahaha! Sa tingin ko nga kasi may MPD (Multiple Personality Disorder) ako! Hahaha!
Kahapon yung isa sa pinaka-masayang araw ko sa piling ng community ko dito sa St. Gertrude. Ang saya! Kahit, di ako masyadong nag-salita pero ang saya pa rin. Unti unti ay ang dami kong natutunan sa kanila. Hindi naman sa wala akong natutunan sa community ko sa Pinas, pero dito natutunan ko lahat yun nang di ako kailangang mag-salita. Miss na miss ko na yung community ko sa Pinas. Masaya DIN pala yun. Don’t get me wrong. Nag-sasalita naman ako. In fact, kahapon yung first word namin na kami yung in-charge. Ako yung nag-general admonition. Kasama ko sa group si Carolina, Fernando at Marisa. Kahit talaga sanay na sanay na ako sa pag-bibigay ng admonitions, may oras pa rin na ma-mental block ka at yun yung nangyari sa AKIN. MENTAL BLOCK. Kahapon din ay penitential celebration namin. At last, nakapag-kumpisal na ulit ako. Medyo kakaiba yung sinabi sa akin ni Father. Hehehe. Pero masaya kasi tama naman siya. Mahirap nga daw pero kailangan gawin. Hahaha! Kung di ko gagawin yung tama, ako naman yung talo sa dulo. At syempre, kapag may confession, may kainan! Gutom na gutom na ako pero kailangang tiisin. Tuwang tuwa sila sa dinala kong Cinnabon (cinnamon rolls). Natuwa ako dahil Cinnabon Guy daw ako! Mababaw man pero masaya lang kasi naramdaman ko na parang at home ako for the first time - after ilang araw ng solitude. Yung lahat nandun, di lang sina Jose, Adrianna, Moses, Angel at Sophie.
Ito na yung kinatatakutan ko. I am falling in love with my community. Baka mapa-iyak ako ng husto kapag umalis na ako. Pero sabi nya ni Ana, kailangan, just cherish every moments. Habang nandito ako kailangan kong maging masaya - kahit maraming problema. Smile pa rin kasi dapat masaya ka. It’s not pleasing other people but pleasing yourself.
I hope I can bid goodbye to my hormonal imbalance! Hahaha!
0 comments:
Post a Comment