December 31, 2008

my new year's letter

dear God -

i wanted to thank you for a very special year (2008). thank you for your...

...gift of a very beautiful career in our company. thank you for always giving me a new opportunity to explore.
...gift of a very bountiful personal life (^.^). though i still wanted to live in a "no-commitment" status, i know that you know that i still wanted to meet the right person for me.
...gift of a very awesome community. i do not know how am i going to survive this crazy world without the neo-catechumenal way.
...gift of a very cool family. my family is simply the best. it even gets stronger and stronger each day.
...gift of wisdom. thank you for sharing me the wisdom to understand people and the ability to weigh things up during critical decision-making time.
...gift of love. i always wanted to talk about this. philos. eros. agape. thank you God for loving me unconditionally.
...gift of life. this is really is it. thank you for waking me up for the past 366 mornings. thank you for giving me the opportunity to live on my dreams.

love,
edward

-- january 1, 1 am...

empake

maaaring masabi ko na may "empake fever" na ako...

habang nag-eempake ako, nagkaroon ako ng problema. di ko alam kung ano at papaano ko aayusin ang mga gamit ko para mag-kasya at hindi lumampas sa tinakdang dalawampu't tatlong kilo...

kanina, nakita ko na wala pa sa dalawampung kilo ang bagahe ko. parang nalungkot ako ng konti dahil sa sayang pala, pede pa akong mag-dala ng iba ko pang gamit kaso lang di na kasya sa maleta ko...

mula dito sa mga nakita ko at sa naging problema ko, naisip ko na iti-nadhana ng Diyos na ganun lang ang maleta ko.

...para maiwanan ko ang ibang mga bagay na dapat ko nang iwanan
...para mapag-desisyunan ko kung ano ang mas importante sa akin
...para malaman ko kung ano ang sobra sa akin
...para maisapuso ko na sobra pala ang binigay Niya sa akin
...para pumasok sa isipan ko na marami pa akong dapat ibahagi

ang galing, mula sa isang problema nakita ko ang liwanag na dapat kong makita...

akala ko mapag-bigay na ako, di pa pala. sobra pa ako...

December 30, 2008

si GL na naman...

di ko alam kung bakit? pero pumasok na naman si GL sa panaginip ko...

sabi sa nabasa kong libro, kapag lagi mong iniisip ang isang tao, mataas ang posibilidad na siya ang mapaniginipan mo. pero di naman siya sumasagi sa isipan ko mag-hapon...=(

hhaaayyy...gusto ko lang sabihin sa iyo giliw kong mambabasa kung gaano kahirap para sa akin ang mapaniginipan si GL. pakiramdam ko, bumabalik ang lahat. ang mga panahong siya ang aking ZAHIR. ayaw kong bumalik yun sa aking sistema...

December 27, 2008

isang magandang panaginip...

kanina, habang ako ay nahihimlay sa pag-kakahiga. naisip ko ang mga bagay na pumasok sa aking panaginip...

nakakatuwa lang kasi alam ko naman na di na ako dapat umasa pa sa mga bagay na di ko na makakamtan pang muli, pero ito pa rin ako siya pa rin ang nasa panaginip ko...

yes, napanaginipan ko si GL kanina...ayaw ko man pero ganun talaga. ang masaya lang sa panaginip ko, nagawa kong talikuran ang mga ngiti nya at nagawa kong pagmaramutan ang kanyang paanyaya...

marahil, tama si ana, ang bagong lugar ay magbubukas sa akin ng isang bagong pagkakataon upang hanapin ang sarili ko...=)

--dec 27

December 26, 2008

last day with my friends...

we went out. my usual companion, jessie, tina and aldrin. we had a good lunch (in congo grille - MOA)...

it was a good day for me, aldrin did not bring any cigarettes. tina and jessie look great. i will truly miss these people...=(

kainis lang si aldrin kasi nung nag-papa-picture kami sa may christmas tree at nag-papaalam na sinabi pa nya na..."how sad naman?"...tumalikod na lang ako kasi ayaw kong umiyak...hahaha!

to my friends who missed my treat - baldo, pam, edwin, leo, ferdie, ces, laarni, dex, etc - till next time...we may not be able to talk because of our schedules but i know all of you are happy for me.

ingat kayong lahat...hanggang dito na lang

see you on 2010!

-- dec 26

December 24, 2008

RockStar is on his way to Chicago

hhhmmm...the day concluded with a grin in my face saying goodbye to some of my peers...

it was supposed to be a very sad day because this will be my last working day in manila but i see to it that no tears will flow to my eyes....(iyakin pa naman ako)...Kristine is not successful in teasing me.

instead of crying, i was surprised with my team's little gift before i go. they nominated me to become the rockstar for the month of november...(saya di ba!?)...and i even won the award...



i hate goodbyes, but i have no choice but to bid farewell. to my co-workers here in manila, see you online! to my kids - bill, aiza and kristine - , thank you for being good kids to me.

chicago, go! go! go!

December 14, 2008

food trif...

hooked na hookes ako World Topps - as in sobra. My favorites?

Dessert:

Turon Ala Mode...





Pasta:





Aligue Pasta...





last few minutes

December 7…I do not know what is happening with me. I should be happy yet so sad. I should feel excited yet so numb. If someone else will be given this opportunity, he/she might be shouting out of joy but here I am sitting in my bedroom talking to you…

…I am not feeling well. For three consecutive days, I was suffering from severe cold (baka nga sinusitis na). I was hoping that I could attend my last Christmas Party with Helen and Que but I guess I can not…

…My Mom is not around. I am not comfortable if she is not around whenever I have cold. LOL. Quite funny but it is true. She attended the Grand Marian Procession in Intramuros. I would like to come, too. But I am really not feeling well today…

…I do not want to start my countdown but I guess I have to. It will be 27 days to go. Yes, I was supposed to leave on January 3. This might be what Ana explains to be last minute tutut.

Whatever this feeling is, I DO NOT CARE. All I want is this feeling to be tutut. NoW!

-- written, Dec 7, 2008

boy minora

hhhmmm...this is one of my latest photos while lighting up the candles in minora during our eucharistic celebration...




November 23, 2008

true blooded chain gang fanatic

i am a true blooded chain gang fanatic...

and he is back with the World Heavyweight Championship belt…

go John Cena!


I got the picture from WWE Website.

sa lahat ng mga bagay, ayaw ko sa lahat ang nag-hihintay...

sa lahat ng mga bagay, ayaw ko sa lahat ang nag-hihintay...
mainipin kasi ako...ayaw ko ng walang ginagawa kasi ang pakiramdam ko ay napaka-bobo ko...

pero kung iisipin mo ito, ang hirap din kaya ng walang ginagawa, di ba!?

nasa isang tabi ka lang ay nakakabugnot...
wala kang iniisip dahil sa walang kang ginagawa...
hehe...nakaka-inip ang walang ginagawa...kaya mahirap...
kasi di ka maka-laban sa gusto ng ibang tao...
di mo makuha yung gusto ko kasi wala nga akong ginagawa...
ang malala pa, may ninanais ka pang makuha kahit wala kang ginagawa...

kaya ayaw ko ng walang ginagawa, kasi alam kong kailangan kong lumaban...
dahil ang mga taong may lakas ng loob na lumaban sa agos ng buhay ang
sila lamang ang makakarating sa kabilang pampang...

ang hirap talaga ng walang ginagawa, kung ano ano ang iniisip...

November 21, 2008

masarap ang pakiramdam....

hindi ko inakala na magiging maganda ang kahihinatnan ng mga bagay na di ko ninais...mas magiging maigi talaga ang mga bagay kung ibibigay mo ang lahat lahat sa Panginoon...


mga kuha ko ito sa isa sa mga restaurant na madalas naming kainan sa RCBC Plaza. tipong walang problema ngunit puno ng paghihinagpis ang nararamdaman...ngunit wika nga ng mga nakakatanda, ngumiti ka lang dahil ang lahat ng bagay ay magtatapos din...

November 17, 2008

the big night after the big event

Alas! I was able to make it. At first, I was very hesitant because my personal dream is at stake. Nonetheless, God paved way and gave me enough reasons to be true and honestly admit my mistakes. True enough that denying something will not prosper in the end. Though there are still little tweaks in my story but I know somehow and someway, my family is going to understand it.

The truth is when I went out of the room at around 3.30 in the afternoon yesterday, I told myself – “Ang gago mo!” – but I was able to control myself. Hhaayy…(sigh) . I even had a lot of stupid questions . With this in mind, I really need to talk to some good old friend that I could really rely on. So, I went to chapel in the heart of Greenbelt and hate to see myself crying because I know that all my questions and so-called “pag-hihinagpis” were answered. I gave myself a treat – a nice Japanese cherry tea and a sweet slice of Blueberry cheesecake courtesy of my swirl card from Coffee Bean – in order to control my emotional instability and to give Edu the Great a big treat because of his courage.




So, it is done. I may not know what happen next but I know God has plans for me. Thy will be done.

November 16, 2008

today is the day

i woke up early. i had a good mood. it seems that God created this day specially for me and for me alone. i stood up and had a good morning shower. i ate my favorite fried fish (with ketchup) with my pineapple juice. i wore my new polo barong, new socks, favorite underwear and favorite pants.

i went to the church, prayed and asked God to give me his blessings for my three wishes. i saw mami osie on her way to church, too. a cute girl sat beside me in the bus =) . i arrived office in a very stupendous disposition.

the sun is starting to the look at me as well. he is smiling down at me while giving me assurance that whatever happen today, God loves me.

tomorrow is one of my biggest days

tomorrow is one of my biggest days. i will be tested based from what i know versus what i should believe. seems vague? i can't tell the details but rest assured that i will tell this when i am ready.

some "cruel" thoughts before i sleep (cruel because i do not know how to describe them) :

"wow, haba ng patience nya!" - this was my thought when a guy (maybe he is at his early 30's) was preaching inside the bus. though feel irritated, he continued doing his job despite the noise inside an over populated bus.

"bakit ang bike, may break? bakit ang cellphone, nalolowbatt? bakit ang puso di pwedeng pigilan?" - this was a line by kim chiu from the movie "i've fallen for you". sounds corny? yes. in some ways, it's true. we really can't stop the heart beat when we are in love.

"community is not a place for perfect people. this is a place for people who do not know how to love." - this was from father paulo benetton during the last regional convivence that i have attended. i love these words because i really believe that i do not know how to love. i do not have the heart to love but my community is trying to teach me how to do so.

November 14, 2008

sleep almost a day...

I practically slept all day.

Nov 7, 11 PM – I arrived home.
Nov 7, 11 PM to 11.30 PM – I changed my clothes.
Nov 7, 11.30 PM to Nov 8, 2.00 AM – Watched my favorite travel show.
Nov 8, 2.00 AM to 10.00 AM – Sleep Part 1.
Nov 8, 10.00 AM to 10.30 AM – Ate my breakfast.
Nov 8, 10.30 AM to 1.30 PM – Sleep Part 2.
Nov 8, 1.30 PM to 2.30 PM – Ate lunch.
Nov 8, 2.30 PM to 6.30 PM – Sleep Part 3.
Nov 8, 6.30 PM to 8.00 PM – Watched TV.
Nov 8, 8.00 PM to Nov 9 10.00 AM – Sleep Part 4

19 hours of sleep…
What a day!?

October 31, 2008

chantal prym

di ko akalain na mahuhulog ako sa isang sitwasyon tulad ng kay Chantal Prym...
ang hirap grabe...
alam ko kung ano ang tamang gawin, pero ang hirap gawin...

wala ako sa mood mag-trabaho...
gusto kong kumain ng kumain...
gusto kong umuwi...
gusto kong umiyak...
gusto kong tumawa...
gusto kong mabaliw...
wala akong masabi ng matino...
gusto kong tumalon sa gusali...
gusto kong sumigaw...
gusto kong mainis...
gusto kong magalit...
gusto kong manahimik...

pero kailangan kong maging propesyonal...
kailangan mag-trabaho...

October 29, 2008

go team phil!

amazing race asia fever is on!

i hope that team philippines will win this time...



October 27, 2008

smile...

most of the times, even though you feel that this so-called earth is slowly devouring your inner senses, you just have to smile…

kahit na sa tingin mo ay wala kang kasama sa pag-lalakbay mo. kailangan mo pa ring ngumiti…

benchè siate solo, sorriso.

October 17, 2008

masaya lang ako

di ko alam...
masaya lang ako...
minsan ko lang maramdaman ang pagiging masaya...
yung masaya na alam mong di mo malilimutan sa mga susunod pang araw...

mga dahilan...
a. bumili ako ng tatlong libro. mga maliliit lang na libro. lahat sila ay nasa wikang ingles ngunit dalawa dito ay mula sa mga pilipinong manunulat.
b. natanggap ko na yung pinakakaasam kong pera. matagal ko nang inintay yun. ngayon lang dumating. kaya pakiramdam ko ay mayaman ako. pero siyempre pakiramdam lang yun...
c. nakatulong ako sa matanda kanina, tinulungan ko siyang bumaba sa sasakyan. ang sarap ng pakiramdam kung nakakatulong ka...
d. marami akong bagong natutunan sa opisina. mga bagay na sa una ay tingin kong mahirap ngunit ngayon ay nakakagamayan ko na...
e. nakausap ko si tita ko. medyo matagal din kaming nag-usap. nasa seattle siya ngayon.
f. nakausap ko din ang isa sa mga pinagkakapitaganan kong taga-pamatnubay. si ana. kahit di ny agad ako nakilala ay ayos na din....
g. di ko alam yung pakiramdam, ngunit sa tuwinang naririnig ko ang ringing tone ng cellular ko ay may gusto akong makitang pangalan. pangalan na nakakapag-paligaya sa akin kapag kausap ko siya sa mga sms. matagal na kaming mag-kakilala. nanaisin ko din na di na mag-banggit ng iba pang detalye, baka nababasa nya ito. pero sa tingin ko naman, wala naman akong sinasabing masama, sabi ko lang naman ay masaya ako kapag nababasa ko ang mga sms na galing sa kanya...
h. marami pang iba pero higit sa lahat. pero higit sa lahat ng bagay, natapos na naman ang isang linggo na punong puno ng tuwa.

di ko malilimutan ang linggo na ito...
kaya tatalikod na lang muna ako...

October 10, 2008

ok na ako ngayon

Nang mag-punta akong muli sa Baguio, bumalik ang lahat....
Di ko alam kung maganda yun, pero mas ok na yun para malaman ko kung OK na talaga ako...

Isa ngayon sa kinababaliwan kong kanta ay itong OK NA ng MILK AND MONEY...
Ito yung lyrics...
--=================
Ok Na

Nagkita
Isang umaga sa buendia
Agad nilapitan
Kamustahan
Nagkangitian
Naaalala ang mga nakalipas
Sa iyong mga mata pala
Kitang-kita
May tinatago ka
Para bang gusto mo kong balikan
Pero...hindi na...wag na lang

Kasi..ako ngayon...

Ok na ko ngayon...di tulad ng dati..umiiyak sa iyo
Ok na ko ngayon...di tulad ng dati..umaasa sa iyo

Nagpaalam
Akoy aalis na
Salamat..sa munting kwentuhan
kelan tayo magkikitang muli?!
Sabi ko, hindi na..di na kailangan!
Paalam na...o,giliw ko!
Akoy lalayo na
Lumigaya ka sana
wag mong kalilimutan
Isang paalala
Na para sa yo

Kasi..ako ngayon...

Ok na ko ngayon..di tulad ng dati..umiiyak sa iyo
Ok na ko ngayon,,di tulad ng dati..nahihibang sa iyo

Ok na ko ngayon..di tulad ng dati..umiiyak sa iyo
Ok na ko ngayon..di tulad ng dati..umaasa sa iyo
Ok na ko ngayon..di tulad ng dati..natotorete sa iyo
Ok na ko ngayon..di tulad ng dati..nahihibang sa iyo

--=================

So, sa tingin mo OK na ako???

Sa tingin ko naman, nabubuhay na akong wala si GL...

October 08, 2008

Princess Hours

Yup. Nanonood ako ng mga Koreanovelas. Ang kaso, kailangan TAGALIZED siya.

Nanonood ang addict (addict sa Koreanovela) kong kapatid ng Princess Hours nang ako ay dumating. Naisip ko agad, hindi na naman ako makakapanood ng Trip na Trip. Tapos nakita ko yung episode na pinapanood nya. Ito yung episode na gustong-gusto ko. Kaya nakipanood ako…

Prince Gian: Minsan gusto na kita pakawalan. Minsan gusto pa kitang makasama. Kaya hanggang di ko pa alam ang gusto ko, maaaring bang subukan nating mag-sama?
Princess Janelle: Bakit para tumawa ka?
Prince Gian: Dahil sa masaya ako kapag kasama kita.


Hindi ako typical na romantiko na tao pero natutuwa ako sa mga linyang ito. Kung titingnan mo sa unang titig, parang may pag-kagahaman si Prince Gian dahil sa medyo makasarili siya. Pero kung napanood nyo yung buong Princess Hours, makikita ninyo kung paano siya nabago simula nang magpakasal sila ni Princess Janelle. Mula sa isang taong malungkot, unti unti niyang nakikita ang liwanag ng kaisipan at kagandahan ng isang mundo na di nya inaakalang makikita nya habang siya ay isang prinsipe. Kaya siya nalilito. Kung papakawalan ba niya o gusto pa niyang makasama dahil sa di niya alam kung ano ang nararamdaman ni Princess Janelle.

Para sa akin, Princess Hours ang isa sa pinakamagandang Koreanovela. Nakapanood din ako ng ilan, ngunit kapansin pansin para sa akin ang istorya at mga pangyayari dito.

Princess Janelle: Alam mo ba na sa tuwing nakikita kita nararamdaman kong mas malungkot ka sa akin? Kaya di ko man sinasadya nahulog na pala ang loob ko sa iyo.

May pahabol pa ako ano? Hehe. Sabi yan ni Princess Janelle kay Prince Gian.


I got the picture from http://en.wikipedia.org/wiki/Image:GoongCast.jpg

October 07, 2008

Life is too short...

Sometimes, it is nice to see how people make fool of themselves. These people thought that they are right but we all know that truth lies on how people understand situations. Big Brother once said that it is good to express how you feel but it is better to seek for understanding on the people you deal with. I am trying my best to live each day of my life with this principle. Most often than not, I fail but I keep on doing my best to become better and better everyday. My life is too short to criticize others and make fun of them.

October 06, 2008

baguio tour ulit kasama ang mga ko-workers ko

nag-punta ulit ako sa Baguio kasama ko ang mga kasamahan ko sa opisina...



masaya kasi ang daming nangyari, todo ang usap, tawanan at isama mo pa dyan ang todong kainan...



nawalan ng kwenta yung pag-babawas ko ng timbang, dahil sa dami ng kinain ko...





masaya. parang wala nang lunes.

tiyak na kapag nawala na ako sa team, ma-miss ko sila ng sobra.

September 25, 2008

isang tula

kamakailan, nag-post ako ng isang tula para sa isang ka-opisina...

ngayon naman, ibabahagi ko ang isang tula na hanggang ngayon ay di ko alam kung paano ko ginawa.

--==============================
Kailan?

May luha sa aking mga mata
Di man lungkot, di man ligaya
Kawalan ng emosyon, sa puso nadarama
Ang alam ko lang ngayon ako’y lumuluha

Lumalalim ang gabi
Lumalamig ang paligid
Ako’y nagmumunimuni, kung bakit?
Walang pumapasok sa aking isip

Kailan ako liligaya?
Kailan matutupad ang aking pangarap?
Kailan sisibol ang pangalan ko?
Kailan dadagundong sa buong mundo?

Kailan ako makukuntento?
Kailan ko makikita ang ganda ng ibang tao?
Kailan ako magtitiwala sa hangarin nila?
Kailan matatapos ang pag-iisip ko?

Kailan magtatapos ang kalungkutan ko?
Kailan magwawakas ang kapalaluan ko?
Kailan titirik ang mata para huminto?
Kailan ko maiisip…kasalanan ko ba ito?


Kailan makikita ang liwanag?
Kailan bubuka ang mga bulaklak?
Kailan sisibol ang mga itinanim ko?
Kailan di mapapasik ang mga ito?

Kailan? Kailan? Kailan?
Bukas, ngayon o sa makalawa.
Hindi ko pa alam sa ngayon.
Ang alam ko lang ako’y lumuluha.

Pagdating ng panahon
Kung tunay at wagas ang hangarin
Magkakasabay pa rin sa biyahe
Biyahe patungong…kailan?

--==============================


di ko alam kung paano ko ginagawa...
pero minsan dumarating talaga ang panahon na marami akong tanong...
ginawa ko ito noong ako ay nasa mataas na paaralan pa lang (high school sa mga konyo)...
ito ulit yung tanong ko ngayon...kailan?

September 18, 2008

gaano kalimit ang minsan lamang

nakakatawa yung titulo? parang titulo sa isang pelikula...pero ito ang nararamdaman ko, gaano kalimit ang minsan lamang.

noon naiisip ko na dapat minsan lang akong maging malungkot, minsan lang ako maging hindi maayos at higit sa lahat minsan lang ako mag-kamali...

ngunit di ko maiwasan. at dahil sa malimit - na dati ay minsan lamang - di ko inaasahan, di ko maintindihan agad. simple lang naman ang gusto ko, maging maayos ang ginagawa ko sa mata ng ibang tao. pero sa kagustuhan kong ito, naiiwan ko ang isang katauhan na di ko nakikilala. mas pinag-hihinahuli ko ang tama, dahil alam kong ang gusto ko ang dapat masunod. dahil sa kalapastanganan kong ito, nakakasakit ako ng tao na di ko nalalaman. itinataboy ko ang dapat kaysa sa kailangan.

kapag nararamdaman ko na ito, ipinipikit ko na lamang ang mga mata ko dahil sa alam kong maaaring umagos ang mga luha sa aking mga mata. hindi ko nais ipakita sa tao ang kahinaan ng aking damdamin na gustong lumaban sa amihan ng buhay. ngunit sa loob ng aking puso, ay nananahan ang isang damdaming di ko ninais mahinawa. at dahil sa kasalanan ko, kailangang may isang parte ng aking kaluluwa ang dapat mamamatay - sa ayaw ko man at hindi.

ayaw kong humingi ng patawad, subalit sa tingin ko wala akong magagawa.

pikit mata akong nanalangin na...nawa ang damdamin kong ito ay mawala, ngunit kung ito ay kalugod-lugod sa Iyo pag-harian mo nawa ako...

August 24, 2008

Minsan may Isang Tita

Tita ang tawag sa kanya
Makulit kausap at laging masaya
Hindi maaaring hindi ka tumawa
Kaya sa lahat siya ang bida

Araw ko'y hindi kumpleto
'Pag walang corny joke mula sa Tita ko
Inis at galit, tunay na maglalaho
No choice eh, kundi tumawa dito

Problema mo'y mawawala
"Ok mag-cry, wag lang forever" sabi nya
"Just control your emotions" babala lang nya
Ilan sa ginintong wika n'ya

Nerissa "Aji" P. Azul
Tunay na pangalan ng Tita ko at mo
Tita s'ya ng buong project at kahit sino
Handang tumawa at mag-payo sa'yo.


...minsan lang akong gumawa ng isang tula at sinisigurado kong importante ang mga taong ito...
...pasensya na, di siya pang-pro, pero ok naman siyang basahin...



sa mga di nakakakilala...ito ang tita ko dito sa office...


August 09, 2008

happyness

i could not figure out how happy i am. the feeling that i have right now is incomparable. it is totally different. GOD is giving me a lot of reasons to stay awake late in the evening and yet another handful of reasons to wake up early in the morning.

as of this time, i could not reveal why. i am still discreet in revealing incidents, situations and people responsible for my happyness.

if you are quite annoyed on how i spell happyness, try to watch the movie THE PURSUIT OF HAPPYNESS.

July 31, 2008

Blackout

Nanunuod ako ng telebisyon kanina nang nawalan ng kuryente. Naturalmente, dumilim ang paligid. Wala akong makita. Kung kilala mo ako ng lubos, alam mong ayaw ko ng madilim kasi malabo ang mata ko kapag madilim at halos wala akong makita. Kaya naman nalungkot ako dahil sa hindi ko mapapanood ang paborito kong palabas sa telebisyon, malamok din ang paligid at walang “electric fan”.

Sa kabila nito, ayos lang din naman ang walang ilaw dahil sa mas nakikita ko ang di ko nakikita. Noong nasa ikalawang taon ako ng mataas na paaralan, natutunan ko na ang mata ng tao ay pinipilit umangkop sa kanyang paligid. Maaaring ito man ay maliwanag o madilim. Ganun na nga lang ang nangyari. Unti unti kong napansin na tila maliwanag sa labas ng bahay. Isang pamilyar na liwanag na di ko napapansin matagal na. Naaalala ko ang mga masasayang parte ng buhay ko noong bata pa lamang ako.

…naalala ko noong mga labing isang taon gulang pa lang ako nang naglalaro kami ng mga pinsan ko sa labas ng bahay ng lola ko. Masaya kaming naglalaro ng patintero at hagaran.

…naaalala ko ang lola ko habang nag-kukuwento ng mga istorya tungkol sa paring nagpapakita sa may Gate 4. Itong pari daw na ito ay putol ang ulo. Natatawa na lang ako dahil naniniwala pa rin ako sa kwento na iyon.



Lahat ito ay nangyari ng mga gabing laging blackout...

Napakaganda ang paligid. Lalo pa’t kung ito ay nakikita mo sa pamamagitan lamang ng liwanag nang buwan. Salamat sa blackout.

Ang tagulaylay ng isang anak

Di ko maisip kung ano ang nangyari…Kung ano ang mali? Kung sino ang nagkasala sa ating dalawa. Noon di kita pinapansin. Labas pasok ka man sa pintuan, di kita iniintindi. Wala akong pakialam kung ano man ang sabihin mo sa akin. Payo mo, pagmamalasakit galing sa iyo o pagalit mula sa iyo. Lahat nang ito ay bale-wala sa akin. Sabi ng iba, dapat daw pasok sa isang tainga ngunit lalabas naman sa kabila. Ganun ang iniisip ko at ganun nga ang nangyayari. Marami akong mga litanya na gusto kong balikan ngayon at alalahanin. Ngunit, wala akong matandaan miski isa.

Nagkamali ka man, ngunit iyong pinagsisihan. Pilit mong binabalik ang nakaraan tulad ng tawanan, hiyawan at hagakgakan. Ibinaba mo ang iyong sarili mo sa lebel na di mo maarok. Ginawa mo ito para mahuli mo ulit ang loob ko. Ngunit sa tingin ko, huli na ang lahat. Humingi ka man ng tawad pero ang puso ko ay natigang na sa galit.

Hindi ko alam pero mukhang ganun talaga. Ang lahat ng pagsisisi ay pawang nasa huli. Noon di ko maintindihan. Ngayon medyo nauunawaan ko na. At dahil dito ang daming naging sana…


…sana tinanggap ko ang paghingi mo ng kapatawaran.
…sana ibinalik ko na lang talaga ang kahapon na tayo ay masaya.
…sana pilit ko na lang ibinaon ang masasamang pangyayari.
…sana di na lang kita binastos.
…sana sinunod ko na lang ang mga bagay na dapat gawin.

Patawad. Ito lang ang masasabi ko ngayon. Hinihingi mo ito noon ngunit ngayon ako naman ang humihingi ng patawad sa iyo. Nasaan ka man, sana ay matanggap mo ito. Dahil sa naganap na di inaasahang pangyayari sa ating dalawa, maraming nabago...

…naging iba ang pananaw ko sa buhay.
…naging iba ang takbo ng mundo.
…naging iba ang balakin ko.
…naging iba ang buhay ko.
…naging maliit ang mundo ko.

Sana ay nandito ka sa tabi ko. Sana ay nakikita mo ako ngayon. Kahit na alam kong matutuwa dahil ito ang gusto mo, gusto ko pa ring malaman ang sasabihin mo. Gusto ko pa ring marinig yung sasabihin mo kahit ano man yan. Kahit alam kong imposible, sana ay nandito ka. Sana ay nandito ka sa tabi ko.

July 06, 2008

I celebrated a life

Every morning, I feel good. This is because I believed that “yesterday ended last night”. Marami man siguro akong nasagasaan kahapon, alam ko na ang umaga ang siyang makakapagsabi sa akin na – “may bagong araw para magbago, para humingi ng patawad sa mga di nakasundo”.

Isang umaga, di ko inaasahan ang mga pangyayari. Pababa na ako ng bus sa Buendia nang mapansin kong ang bagal ng usad ng mga taong bumababa. If you know me personally, you would know that I am grumpy with in terms of being sluggish. Anyways, people are queued up near the exit door. I can feel that everyone is eagerly waiting for someone else to come down. My instinct is correct and this time the culprit is an old guy with a “tungkod”.

Nang makababa na siya, nag-patuloy siya sa pag-lalakad. Kapansin pansin ang kanyang kahinaan dahil sa uugod-ugod na siya. Sa totoo lang, wala akong intensiyon na tulungan siya. Medyo nagmamadali na ako nung araw na yun dahil sa gusto kong pumasok ng maaga. Nakatatlo na akong hakbang papalayo sa kanya nang mapag-desisyunan ko na…tulungan ang matanda. Bumalik ako sa kanya at tinulungan siyang mag-lakad. Inalis ko ang earphone ng mp3 player ko sa tainga ko, tinanong ko siya kung sino ang kasama niya at magiliw nyang sinagot na wala. Kung ano man ang rason ng kanyang pag-iisa ay di ko na tinanong yun. Ang mahalaga sa oras na yun ay tinulungan ko siyang lumakad papunta malapit sa pathway ng service road. Nang makarating kami sa pathway, buong sigla niya akong pinasalamatan at nagbigay ng senyas na maari na akong umalis dahil kaya na nya.

“I celebrated a life”. This is the first phrase that came out from my mind. Indeed, I celebrated a life with an old man. The feeling is so great - especially when the old man whom I did not even dare to ask for his name – gave me grin and a warm…“Thank you”.

June 30, 2008

Uncomfortable Feelings

Slowly, it cripples me down. I just do not know if this is correct. All I know is I was caught unarmed. This feeling of longing for someone else is within my radar once again. But this time, I have no reason not to pursue. I have all the means to do it. I have all the access to manipulate the scene. And I have all the ways to tell in my most bizarre way. This might have been an answer from my longed prayer. But then, I still have to make a move. I still have to feel. If the feeling is absolutely right, then I have to manage all the things to make it work.

--05/27/2008

June 12, 2008

june 12

It is already two thirty in the morning of June 7, 2008. I am still awake for no reason. I just wanted to keep my eyes open until my brain tells me to close it. I would like to challenge my brain, my tired eyes and my body. I am too sleepy but I do not want to sleep. All I want is to write something. Here is what I have in my mind:

June 12 will be a very special day to each and every Filipino. This will be the 110th anniversary of Philippine independence from Spaniards. After over of three years of solitude, a young general named, Emilio Aguinaldo waved the Philippine flag in the balcony of his mansion in Kawit, Cavite – first in whole of Asian continent. This is a very special day too for some other Filipino patriots like Julian Felipe and Jose Palma for they have composed the infamous Philippine national anthem. Up to now, we still use these Filipino symbols with honor and dignity. Truly, the generations passed this tradition - a complete submission of bravery and loyalty to independence. However, are we really free? Do others treat these symbols as signs alone and nothing else?

Every time we watch an early or late movies, there is this portion that we get to sing Lupang Hinirang, not everyone stands up to show some courteous gesture. Are they lazy enough or they just do not treat the emblem with respect? One time during a date - we were too late for the 7 o’clock time so we ended up catching the last full show - the familiar sound began to play. I stood up with great honor and pride. However, she remained seated. I asked her why she stayed behind, she replied “Wala namang nakakakita.”.

In this very moment, how many of us Filipinos are loosing their hope that someday this country will change? It is sad, indeed. But being sad alone will not change the current situation of our country. We have to fight for we are warriors by nature. Honestly, I pity on those who loses hope for they could not see the amazing facts that there hope if we open to all opportunities.

As a CaviteÅ„o by heart and by deed, I feel so proud every time the whole country commemorates the Independence Day Declaration. This annual celebration should bring optimism and uplift the morale of us Filipinos. I am currently on my late 20’s and it was at this age when Jose P. Rizal wrote the ever famous Noli Me Tangere. So what is the difference between the heroes that I have mentioned above against us today? (whew!…a hard question) Personally, the answer on the question lies on how proud we are to be a Filipino. We are proud to be Pinoy, there is no question to that, but the degree is different. Maybe because of the situations are also different - I do not know - but the main point is they love the Philippines more than we do. If we are proud to be Pinoy, we can do everything. We can be one. We can be united. We can achieve our freedom.

June 09, 2008

earthly happiness means john cena t-shirt

I am so happy. I can't describe it! After more than a year, I was able to buy my very own John Cena T-Shirt. Oh my! Below are some of my pictures wearing the best t-shirt ever...





It's funny. Most of the times, I am looking for dwelling places, hi-tech things and nerve-cracking food just to satisfy my earthly hapiness. But here I am, so happy with shirt that costs a little more than a hundred pesos.

May 21, 2008

ang pag-pinid ng pintuan para sa pagsasaya

Naisulat ko ang susunod na sanaysay noong mga panahong nais ko nang kumawala. Aminado akong nalugmok ako sa putikan dahil sa mga bagay na nasa isip ko lamang - mga haka haka. Di ko man alam ang tunay na nangyari ngunit alam kong may basehan ako. Ito ang akong sanaysay...

Mas malungkot ang mga gabi pagkatapos kong malaman ang katotohanan. Hindi ko man masambit ang bawat salita na nais kong sabihin, ngunit alam ko ang nararamdaman ko sa loob ng puso ko ay ang pag-aalimpuyo ng mga bagay na DAPAT kong gawin laban sa mga GUSTO kong gawin. May mga bagay na dapat itago mo na lamang. May mga bagay din na kay hirap aminin. Ngunit sa kabila ng lahat, nasa puso ko pa rin ang pag-iimbot at kapalaluan. Alam kong mali ngunit ito ang laman ng aking damdamin.

Wika ni Christian Fabroada, “sweet revenge” ang dapat kong makamit. Isang bagay na alam akong gawin ngunit alam ko rin na mali. Nakakatuwang isipin na marami akong alam na gawin ngunit kakaunti lamang ang kaya ko sa mga ito. Ito ay maaaring sa kadahilanang hindi ko kinagisnan ang gumanti at may takot ako sa Diyos na may likha sa lahat ng bagay. Ang alam ko lang ngayon na pwede kong panindigan ay ang galit na namamayani sa loob ng puso ko at nais kong lumuha dahil sa nararamdaman kong ito.

Nakakalungkot isipin na ang pagiging tapat sa isang bagay ay magdadala pa sa iyo sa bingit ng kapahamakan. Nakakainis at nakakayamot. Ngunit wala akong magagawa. Napakalungkot ko. Wala akong maisip na bagay na makakapag-pasaya sa akin. Lugmok ako sa kalungkutan, nalalasap ko ang bawat sandali. Hanggang sa naalala ko ang isang pangyayari sa buhay ni Jesus nang maramdaman nya ang higit pang kalungkutan na nararamdaman ko ngayon. Sa isa sa mga huling araw ni Jesus ay tumungo siya sa isang lugar na kung tawagin ay Getsemane. Doon, hiniling niya na alisin ng Diyos Ama ang sarong na nakatalukbong sa kanya. Ngunit batid ni Jesus na ito ang nararapat niyang gawin para mailigtas ang sangkalupaan. Kaya sinundan ni Jesus ang kahilingan Niya ng salita na hanggang ngayon ay baluti ko sa lahat ng pag-subok ko sa buhay. “Thy will be done”.

--March, 2008

May 07, 2008

malungkot ngunit buo ang pag-asa

Naglalakad ako. Gumagalaw. Ngunit pakiramdam ko ako ay patay.
Nakakakita. Nakakapag-salita. Ngunit iba ang aking nararamdamang kapighatian.
Nakakarinig, nakaka-amoy. Ngunit ang pakiramdam ko ay pumapailanlang.
Nakakaramdam ng init at ng lamig. Ngunit pakiramdam ko ay manhid.
Nakakahawak. Nakakapansin. Ngunit pakiramdam ko ay wala akong ulo.

Napakasalimuot nitong buhay. Hindi natin matanto miski ang dapat nating maramdaman. Pag-susupil sa dapat maisabuhay. Pagmamabuti na maging manhid. Pagnanais na makapag-isip ngunit ayaw pakawalan ang pag-kakataon. Sa kabila nang lahat, pag-asa ay buo. May halo mang pag-aalinlangan, ngunit alam ang dapat maisapuso -- ang dapat nating maramdaman – ang dapat maging pag-asa para sa buhay na walang hanggan.

sa tuwinang nakadaram ako ng pag-iisa
tumatawag lang ako sa itaas
pakiramdam ko ay gumaganda


-- March 3, 2008

April 29, 2008

minsan may kalungkutan na di maipaliwanag

Malimit akong nakakaramdam ng kalungkutan. Maaaring ito ay dahil sa mga bagay na di ko inaasahang mangyayari at di ko makontrol. Naisulat ko ang mga katagang nasa ibaba mga ilang linggo na ang nakakalipas...

Hayaan mo naman akong gumawa ng isang bagay na nais ko at hindi yung inaasahan ng iba na gagawin ko. May buhay ako ngunit di ko nararamdaman na buhay ako. Tumatawa ako ngunit hindi ko mapigil ang lumuha. Nag-sasalita ako ngunit alam kong ang isip ko ay ayaw makipagtalo. Nasisiyahan ako ngunit ang puso ko ay pilit na naghihimagsik. Kung gagawin ko ang nais ko at hindi yung inaasahan ng iba na gagawin ko, ituturing kong ako ay musmos na nag-aalimpuyo ang ulirat dahil sa pagkakasadlak ng aking buhay sa di maipaliwanag na pagkakataon. Ngunit, pag-asa at pag-asa pa rin. Marahil, ang naghuhumalugpos kong damdamin ay di sapat para isunod sa pag-papalam ng daigdig. Mahirap man ngunit ang taong may lakas ng loob na isugal ang sarili para sa kanyang kaligayahan ay siya lamang ang nagwawagi. Dapat akong tumaya sa kapalaran para sa aking kaligayahan.

April 16, 2008

Takot at Pag-asa

Malimit, sa hindi maipaliwanag na mga pagkakataon, kailangan nating gumuhit ng mga larawan sa ating isipan. Isang dibuho ng mga pangyayaring hindi natin maipaliwanag – hindi natin matanto. Ang mga larawang ito ang magbibigay sa atin ng pag-asa na may maitatago pa tayong lakas o kapangyarihan na paikutin ang mga bagay na hindi natin magawa sa ngayon.

Mahirap man, ngunit kailangan nating lumaban sapagkat ang may lakas ng loob lamang na lumaban sa agos ay siyang makakarating sa gusto niyang patunguhan. Sa iba, mas gugustuhuin nilang mag-mistulang mga pipi na tumutugon sa bawat pangyayari. Mga bagay na sa tingin nila ay di karapat-dapat ipaglaban. Ngunit sa aking sariling pananaw, mas maigi nang sabihin ang nararamdaman at ipahayag ang isipan kaysa hintayin na matuyo ang dugo sa katawan. Tunay na kay sakit at mag-dadala ng palam ang bawat katotohanan. Ngunit sino ang nakakaalam ng katotoohanan? Hindi ba’t tanging ang Poong Maykapal lamang? Ang ating sariling pagpapagal ay tanda ng pagtitirapa sa Manlilikha. Kaya’t dapat isabuhay at ikagalak ang bawat sandali ng ating sariling buhay.

Mula dito sa ideya na ito, babanggitin ko ang di maipaliwanag kong pag-hanga sa mga mga kapwa ko Pinoy. Mahilig silang makipag-laban para sa kanilang sariling dignidad. Ganito ang ginawa ng mga mag-sasaka ng Sumilao. Hanga ako sa kanilang katapangan at lakas ng loob para banggain nila ang isang higanteng mamumuhunan - Del Monte Philippines, Inc. (DMPI). Tunay na kahanga-hanga ang kanilang lipi. Ito ay nagbigay sa akin ng kakaibang lakas ng loob upang tanggapin ang ilang mga bagay sa aking sarili at ipaglaban ang nararapat para rito. Masakit man aminin ngunit batid nila ang kahirapan nila. Kaya nga’t pinaglalaban nila ang lupa na para sa kanila. May mga pagkakataon na di natin magawang aminin ang ilang mga bagay na nakikita sa ating pag-katao. Kaya’t napakahirap kumilos para baguhin ang ating sarili dahil di natin matanggap ang ilang bagay sa atin. Sa ipinakitang katatagan ng mga mga taga-Sumilao, nakita ko ang kahinaan ko. Ang takot na hanggang ngayon ay namamayani sa akin. Ang kawalan ng pag-asa na nananalantay sa aking dugo. Salamat sa mga magsasaka ng Sumilao. Saludo ako sa inyo!

Ang larawan ay kinuha ko mula sa blog ni Adrian Ayalin - isang reporter ng ABS CBN. Ito ay larawan ng mga magsasaka ng Sumilao dito sa Maynila.

March 28, 2008

it was her birthday

--March, 2008
It was her birthday yesterday. Maybe it is just a coincidence but it was also a day where I died for my self. Many things are happening in the office, in our church community, in my former affiliations and to me. I feel that the world is slowly devouring me. In as much as I wanted to explain every thing, I’d rather choose to pick from one of them.

One of my mentors told me that our life in the company and in this world, as well, is not a SPRINT but a MARATHON. Well, indeed my mentor is correct. Most of the times, I try to grab on opportunities only to find out that it is not meant for me. In the end, I will call myself as a cheap looser. Marathon is a footrace run on an open course usually of 26 miles 385 yards (42.2 kilometers). With this long race, it will sure test your endurance and needs deep concentration on what you are doing. If you can read my mind, the operative term is endurance - that is another strong word. The battle of endurance is between you and yourself. The ultimate question is… “Are you going to quit or not?”

Today, I am 3 years and 11 months old in my job. So far, I love it here. I get to enjoy a lot of perks and freebies. I learned to love the technology. I love the values and environment that the company is trying to transpire. Lastly, the company pays me quite fairly. However, as most of the people say that you really cannot please yourself all the time. There are really people that will pull you down. We Filipinos refer to this as CRAB MENTALITY. If someone sees you as a threat, he will do everything just to pull you out of his way. I do not want to drop some names so I will call them as Jack and Jill. We are neither in war nor close to each other. If I ask them questions, they would answer them and vice versa. But frankly saying, I do not like them. I think they are not real people. They are monsters. They are playing as if they are Gods and I truly hate them for that. And to sum up all things, I am their last victim. This breaks my heart. I do not know how I feel at this point. All I have is the fact that both of them are slowly breaking my heart.

Therefore, who is that HER in my first sentence? She was my great love. She decided that it is better if we go on separate ways and master her own craft alone. I grieved but I am happy for her. I am happy but I neither grin nor laugh. I cried and trapped myself inside the solitary room for almost two years. She is indeed my one great love. Every year, I always remember her birth date. And every year, I always find myself in the abyss of darkness.

March 25, 2008

minsan may isang alitaptap…

sa gitna ng isang daan ay natagpuan ko ang isang alitaptap. nagbibigay ito ng mumunting liwanag na aking nababanaag sa gitna ng kadiliman. ibinigay ng alitaptap ang nais kong liwanag. isang tanglaw sa daan na nais kong tahakin. binigyan nito ng kulay ang isang tila masukal na kapaligiran. hinandugan ako ng alitaptap ng lakas ng loob na aking kailangan para magpatuloy at lumaban. at binigay rin nito sa akin ang kakaibang pag-asa na makamit ang aking mga adhikain sa buhay.

habang pumapailanlang ang alitaptap ay gumuguhit ito ng isang dibuhong di ko maintindihan at maipaliwanag. kaya’t ako ay lubusang nabighani sa taglay nitong kakayahan. ninais ko siyang hulihin ay isadlak sa isang garapon upang permanente siyang maging akin. ngunit ako ay nabigo.

ilang araw bago mag-march 1, 2008

Ang saya ng araw ko. Hindi dahil sa nag-kita-kita na naman kaming mag-kakaibigan, kundi dahil sa alam ko na may gagawin akong kakaiba sa isa sa pinaka-matalik kong kaibigan…si Tina.

Si Tina yung tipo ng tao na hindi mahirap pakisamahan. Di siya nangingiming sabihin kung ano ang kulang sa iyo. Sasabihin nya ang gusto nyang sabihin dahil alam nya na ito ang tama at ito ang makakabuti sa lahat. Marami na kaming pinag-saluhan na kalokohan ni Tina. Isa siyang Spider Man fanatic na tulad ko. Ang hilig namin ay gayahin si Spider Man. Tila kami mga gagambang nais na kumawala sa kamangmangan ng mga nasa paligid namin. Nakakatawa dahil feeling namin noon ay wala kami sa mundong aming ginagalawan. Hindi namin iniisip na baka may sabihin ang ibang tao sa amin. Ang nasa aming mga puso ay malaya kami sa kaalipinan ng mundo. May pag-kakataon din na nakasama ko siya sa bahay. Iisang bahay lang tinuluyan namin noong nag-review kami para sa Board Exam sa UP Los Banos. Kasama ko siya sa pag-aaral at sa mga lakad namin. Nakakatuwang isipin na may isang tao na tulad ko. Sa maikling pananalita, isa rin siyang baliw. Walang pag-kakataon na kami ay nag-talo o nag-kainisan man. Kung papipiliin ako ng Diyos na mabuhay na muli at mag-karoon ng ibang kapatid, marahil si Tina ang pipiliin ko.

Ngayon, huling araw ko na siyang makikita bilang Cristina Berti. Sa susunod ay isa na siyang Cristina Dollosa. Kasama ng isa ko pang kaibigan na si Aldrin, hinatid namin siya sa kanilang bahay para sa isang Wedding Shower. Surpresa ito ng kanyang mga kapatid sa kanya bago siya ikasal. Tulad ng dati, ayaw kong umiyak kaya pinigilan ko na maluha. Ito ang pag-kakataon na kailangang maging masaya siya. Di ko naisip kailanman na makadadalo ako sa isang pag-diriwang na katulad nito. Ayaw ko kasi ng mga ganitong happenings. Pero dahil sa importante si Tina sa buhay ko, dumalo ako. Hindi naging madali para sa akin ito, pero kailangan kong pag-labanan ang mga kahinaan ko.

Naging masaya ang pag-diriwang. Marami ay tumawa, umiyak at siyempre kumain. Di ko pinag-sisihan ang pag-punta ko sa Wedding Shower ni Tina. Sa huli, bago kami nag-hiwa-hiwalay nila Aldrin at Tina, niyapos ko si Tina ng buong higpit. Di man ako makakadalo sa isa sa pinaka-importanteng araw ng kanyang buhay, alam ko na magiging masaya siya. Hhhaaayyy…ayaw ko na namang umiyak ngunit wala akong magawa kung hindi lumuha. Sa tuwinang naalala ko ang March 1, 2008, alam ko na may dalawang tao na pinag-buklod ng Diyos na maging isa at may isang tao na mas piniling kilalanin ang sarili nya kaysa dumalo sa kasal ng kanyang kaibigan. Sayang at natutulog siya sa litrato. =)

Tina, kung mag-kakaroon ka ng pagkakataon na basahin ang blog na ito, ang salitang salamat ay di sapat. Kaya ang masasabi ko lang ay wala.

February 22, 2008

Road Block

I am an Amazing Race fanatic. I am fond of the idea on going to different places and performing different tasks and challenges. However, the last season of the Amazing Race – both in the US and Asia – is a great dismay for me.

In Amazing Race (US), I love the tandem of Christina and Ronald. They are a father and daughter tandem. Both of them are strong and confident. But these traits are not good enough to win the race. The team ended up to be the second place.

In Amazing Race Asia, Marc and Rovilson are the dynamic duo that made history. They won seven out of the possible ten pit stops. They are both agile and smart. Both of them are really funny because they make the most out of each race. I love the team very mush because of these characters and to top all my reasons – they represent my country Philippines. Unfortunately, the season concluded with them being in the third place.

All of them are my bets and they have one more thing in common – they had a hard time completing the road block challenge. If you have watched the final episode of both races, the teams are actually taking a big lead over their competitors. Twist of fate came and made them placers not winners. Too bad both teams because the reality really bites – and this so called reality devour their dreams away.

Both races, made me realize that life is a big race. No one can be assured that he will be successful in his chosen field on endeavour. Every minute counts. Every moment is important. One should use his brain to think, his body to move, his heart to feel and his mind to express his faith. Each obstacle requires decision. Every hurdle needs strength. Each way caters a happy thought. And every moment demands a renewal of our personality. Even though both of my bets did not win the game, I still love them as a team. Being contended and happy, already made them winners. Christina was with her Dad when they finished the race and she is so proud of it. And for Ronald, they are already winners in his heart. For Rovilson and Marc, it is rather hard not to admit the truth so they accepted it with open arms. I love both of them when they carried the Philippine flag while running to the pit stop. They even jumped with their signature moves when they reached the pit stop. It is not important if you win or loose in the race, it is how you play the game.

February 14, 2008

I met Morrie

Who is Morrie? If you are a bookworm, you might know him. Morrie is a fictional character in the novel of Mitch Albom entitled “Tuesdays with Morrie”. In this book, Morrie was an old dying man. However, instead of giving up, he spent his last few days in earth sharing the wisdom of his heart. Armed with difficulty, he managed to entertain friends and visitors that need his encouragement. The book moved me. The book gave me the encouragement that I need. It taught me different lessons in life. I read the book few months ago but the lessons are still fresh into my mind. I wished that I could meet someone like Morrie. And last week, this wish came true.

I met Morrie. We were able to exchange our thoughts. I was totally convinced that I really met Morrie. Morrie was personified in the presence of my English Skills Training – Basic teacher – Linda Alcantara Amon. She is very jolly and agile. Morrie and Ma’am Linda have many things in common in terms of their talent in encouraging people. I never saw such an amazing woman at that age teaching English in a very effective manner. She is not just a stupendous teacher but a woman full of positivism as well. Even before I met her, I already believed in the power of positive affirmation. However, Ma’am Linda taught our class not just to have positive affirmation but also to put action towards it. Positive affirmation plus guts to do it is perfect and invincible. This revitalized idea of positive affirmation helped me manage my paranoia and cynicism. I do not consider myself as pessimistic in all aspects of my actions. I just wanted to control my expectations and set it to be more realistic. Unfortunately, I was not aware that I am already depriving myself of what others call as determination to succeed. This realization is a revelation for me and I thank Ma’am Linda for making this possible. I will never forget her telling us that we should recite our affirmations daily.

I am strong and intelligent.
I can be calm and peaceful.
Definitely, I will be successful in life.

These three sentences are quite simple but full of meaning to me.

I am so happy that I met Morrie – Ma’am Linda.

January 13, 2008

I Quit Match

This is one of the famous matches in the WWE (World Wrestling Entertainment) where two wrestlers will fight against each other with no holds barred. The game will only end if one of them will say “I Quit”.

Ang pag-suko ay simpleng pag-amin na di mo kaya. Maaari ito ay sa trabaho, sa relasyon, sa negosyo or sa giyera. Sa akin, mas magandang aminin natin ang totoo kaysa manatiling tayong nakakulong sa sa ating sariling pag-iimbot. Sino man sa atin ay di nais na mabansagan na siya ay madaling sumuko. Ngunit, importante marahil ay malaman mo ang limitasyon mo bilang isang tao.

Admitting that you cannot do something is already act bravery. Isn’t it? But of course, everything is really depending on how a person sees a certain opportunity or event. Quitting might be a way of saying that you will prepare for the next big thing.

That is why, quitting should not be connected from the words, “NO I CAN NOT DO IT!” but instead it should be to “NO I CAN NOT DO IT AT THIS TIME”.

prayer

Kanina, natamo ko ang isang katanungan na bumabagabag sa aking isipan. “Bakit kailangan nating magdasal sa Diyos kung alam naman ng Panginoon ang lahat ng gusto ko?”. Simple lang pala ang sagot. It is to feel His presence. Naalala ko ang ‘yung kuwento ng isang lalaki na hindi nag-simba ng ilang linggo. Dati siyang palasimba, at dahil dito ay nabagabag ang pastor sa kanilang komunidad. Isang araw ng linggo, pinuntahan ng pastor ang taong ito. Naabutan ng pastor ang lalaki sa harap ng isang “furnace” (pugon – wala kasing furnace sa Pilipinas). Sa halip na kausapin ng pastor ang lalaki upang tanungin ang kung bakit di siya dumadalo sa mga nakaraang misa, inalis ng pastor ang isang kahoy mula sa “furnace”. Isang apoy na malakas ang baga. Umupo ang pastor at hindi pa rin nag-salita. Makalipas ang ilang minuto, nawala ang baga sa kahoy. Naintindihan ng lalaki ang ibig ipahiwatig ng pastor sa kanya. Kung tayo ay di lumalapit sa pinag-mumulan ng apoy, ay maaari tayong manghina. At matatanim sa ating isipan na lahat ng bagay na ating nagagawa ay mula sa ating kakayahan at hindi sa Diyos nag-mumula.

May logic naman di ba? Ang yayabang kasi nating mga tao. We are very proud of ourselves. They thought that they could conquer the world by themselves alone. Conquering the world is merely a satisfaction and not a goal. Thank God that we have some friends to help us realize these things.

habang naglilinis

I stayed awake until two in the morning just to watch my favorite travel show. Right now, instead of preparing to sleep, I decided to scribble in my journal.

Kanina, naisipan ko ulit na mag-siga sa likod ng bahay namin. Nais ko sana na bugawin ang mga langaw sa likod at syempre para mabawasan ang mga tuyong dahon sa bakuran namin. While doing preparing for the fire, I realized that raindrops are starting to fall. Kaya napag-isipan kong patayin na lang ang apoy sa pamamagitan ng pagbuhos ng tubig dito. At first, it worked out. Nawala yung apoy ngunit patuloy pa rin ang pag-usok nito. Iniwan ko na lang ito. Ngunit pag-katapos ng ilang oras ay tinawag na lang ako ng aking Mommy at sinabing umaapoy yung sinisigaan ko sa likod ng bahay namin. Nagulat ako noong una. Panatag kasi ako na pinatay ko na ito. Ngunit napag-tanto ko na di ito kataka-taka dahil sa napansin kong may usok pa ito kanina.

Sa nakita ko, hanggang may usok pa na nagmula sa sinisigaan ko ay patuloy pa rin ang paglaban ng apoy para mabuhay at lumaban – at ang mabuhay para sa kanya ay kainin ang mga tuyong dahon na pinaglipasan na nang panahon. I suddenly saw the perseverance of the fire to stay alive. But despite this enthusiasm to live, the fire should end – must end. Everything – including us , has what analytic geometry call as asymptote. Asymptotes are formally defined using limits. Ang limitasyon ng apoy sa aking kuwento ay ang mga tuyong dahon. Ang mga dahon na ito ay nag-sisilbing parikit upang tuluyang mabuhay sila. Tayo bilang tao, may mga limitasyon din. Maaari tayong mapagod at sumuko. Nakakaranas din tayo ng mga pag-durusa. Ayaw man natin, ngunit di natin maiiwasan ang mga bagay na ito. Ang importante, alam natin higit sa lahat na kailangan nating tumayo at lumaban. Kailangan din nating gamitin ang lahat na naitatago nating kaalaman upang maging isang tao sa harap ng sanglibutang ating ginagalawan. Madaling gumawa ng paraan para mabuhay, ngunit kaakibat sa pag-gawa natin ng paraan ay isang resposibilidad para maging tao.

I do not have any intention of expounding this idea. I know that people knows what I am trying to say. It is easy to have sex and create a human being but to be human is not as simple as ABC. Nakakatuwa! Mula sa simpleng pag-sisiga sa bakuran ay nabuo ko ang isang sanaysay na tulad nito. Masaya ako dahil alam ko na nandito ang Diyos. Katabi ko para bigyan ako ng hindi lang tuyong dahon ngunit kasama pa ang kanyang pag-gabay habang umaalab ang aking damdamin at hangaring maging tao.

-- June 23, 2007

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons