December 30, 2009

last night in las vegas

hhhaaayyy...bakit kaya kung kailan nagiging ok ang lahat ay kailangan mong tanggapin na ang lahat ng bagay ay di laging maganda ang kinalalabasan...

tonight is my last night in las vegas. kasama ko si ate lei (and kids), tita annie, suzzet at roland (with baby rae). kain to the max sa asian buffet at sa market place sa california hotel. wwaahhhh! ang taba ko na naman malamang...

nag-punta din kami sa planet hollywood at sa new york new york!...

well, got to sleep now kasi may work pa tomorrow. more entries for the past three days - just the three of us sunday at dinner at tita annie's house monday...

December 27, 2009

day 6 in vegas...

late na akong gumising. tapos, nkipg-laro pa ako sa mga bata. lol! ang saya talagang kalaro mga bata. nakakahiya lang baka sabihin ni ate lei at ni kuya dale pina-palaki ko yung ulo ng mga bata. hehehe. tapos, shopping to the max na!

wala pa talaga akong regalo kina ate lei at kuya dale, kay baby rae at kay baby dale, kaya ito lang yung mga binili ko. nagpunta kami sa KOHL's, Toy's R Us, Anne's Linen, Old Navy, Babies R Us at Target. after the shopping, time to eat! sa BJ's kami kumain sa tapat ng Red Rock - pizza and fries. what a pamatay na combination di ba? lol! on our way home, dumaan kami sa strip. maraming ilaw! lol! nakarating na kami dito pero nabighani pa rin ako. lol!

December 26, 2009

crazy love

i am always in loved! in loved with so many things and right now, i am in loved with this michael buble's latest album. one of the songs there is crazy love! i love it so much!

I can hear her heart beat for a thousand miles
And the heavens open every time she smiles
And when I come to her that's where I belong
Yet I'm running to her like a rivers song

[Chorus:]
She gives me love, love, love, love, Crazy Love
She gives me love, love, love, love, crazy love

She's got a fine sense of humor when I'm feeling low down
And when I come to her when the sun goes down
Take away my trouble, take away my grief
Take away my heartache, in the night like a thief

[Chorus:]
Yes I need her in the daytime
Yes I need her in the night
Yes I want to throw my arms around her
Kiss her hug her kiss her hug her tight

And when I'm returning from so far away
She gives me some sweet loving brighten up my day
Yes it makes me righteous; yes it makes me feel whole
Yes it makes me mellow down in to my soul

day 5 in vegas...

its a very relaxing day. nag-internet lang ako mag-hapon...this is life!

nag-simula na akong mag-create ng website for my community here in chicago. i hope i could finish a draft of it by the end of my stay here in las vegas. nag-laro kami ni AJ ng hot wheels na regalo sa kanya. ang saya! lol!

nag-kausap kami nila tita osie via skype. =) . ang tagal ding nag-usap ni tita osie at ni tita annie. lol . ilang taon talagang di nag-kikita at nagkakausap. lol . hhhaayy...

tomorrow is just saturday...matagal pa ako dito, i still have sunday, monday, tuesday at wednesday. sana makita ko na din yung hinahanap ko! lol! sana! sana!

December 25, 2009

merry christmas...

this is my first time to spend the christmas in an american way! lol! it was so much fun, so many presents and a lot of surprises! most important thing is i spent it with my family here in las vegas...

merry christmas to all my readers!

December 24, 2009

day 3 in vegas...

i had a very gruesome day today...so much work. yet, i love challenges. maybe of the reasons why God sent me here is for me not to become bored of doing the same things all over again.

i was supposed to be finish by 5 pm CT/3 pm PT but i still have to work. i will really log it as OT. lol! anyways, i still had fun with Kuya Dale and the kids on the park. its a nice park but the weather is not that friendly. unlike the last time i went here, the weather is like in the phil. now, its like fall in chicago.

kids will be kids. they play, they had fun and they fight. lol. i also saw, baby rae for the first time. she's so cute...

December 22, 2009

day 2 in vegas

nasa vegas ba ako? sa tingin ko kasi wala. nagtatrabaho pa rin kasi ako. lol

sobra pang daming gagawin at dapat gawin. exactly one year ago, nag-peprapare na ako para sa nalalabi kong oras sa pinas. ngayon, two months na lang, pero di ko pa talaga iniisip yung mga ganitong bagay.

nasa vegas ako. so dapat mag-saya ako di ba? lol!

i'm here in las vegas!

day 1 in vegas...

wow! super tiring yet super fun. its like turning my body clock back by two hours.

i was supposed to wake up at around 5 am but i think shut my alarm off. hehehe. i woke up at 6.30 and did a "ligong-uwak" thing. snow fell yesterday, i can see it along the trail. i arrived midway airport still early by 8 am.

the plane ride was ok. i seat by the window and the entire flight relaxed me with my newly downloaded song by Michael Buble (courtesy of Jay). i super love the "hold on" and "crazy love".

roland and zet met me at the airport. ate lei stayed behind the car because baby dale is sleeping. we ate at the feast buffet - the food is awesome and the service is excellent.

i met tita annie, tito rollie and kuya dale (of course) at ate lei's house. we had dinner altogether.

December 20, 2009

christmas in chicago

today is my last night in Chicago before christmas. i may not be able to have my first white christmas but i made sure that i enjoyed my last night. i went to daley plaza (again) and took a photo of its famous christmas tree



people are still roaming around which is quite unusual during winter. awesome scene! this is trully the Divisoria version of Chicago. lol!

December 16, 2009

walang laman...

ngayon, walang laman yung utak ko...dami kong gustong gawin para maalis sa utak ko ang isang bagay na ayaw kong tanggapin. maaaring naiintindihan ko, ngunit ayaw ko kasing tanggapin.

di ko alam, sa ngayon ito na lang muna masasabi ko...

God, grant me the serenity
to accept the things I cannot change;
the courage to change the things I can;
and the wisdom to know the difference.

December 15, 2009

Thankful

Hhhayyy…there are still things that I couldn’t reveal in my blog - reason for that is to protect the person. There are a lot of things happening to me right now - things that are way beyond my control. If I could cry for one more time, I would. However, I crying will not give me the things that I wanted. The only thing that I should do is to pray and confess. Confess? Yes, confess because I think I am so angry with this so called life for it brought once again a great catastrophe on my loved one.

Despite all these, there are still things that I should be thankful to God. Here they are >>

a. I was able to attend the penitential celebration.
b. I was able to spend a little my community - one of the things that I am really happy about.
c. Jose gave me a ride to Harlem and Lake.
d. I was able to talk to my Mom this morning and she is fine now.
e. God forgave me.

Tomorrow may not be a good day. I don’t know. But if God is with me, who can be against Eddie?

great timing...

ito na naman ako, nag-iisa. ang aga ko na namang gumising...

di ko maalis sa isip ko ang nangyari kahapon. si Lord talaga, kung mang-gugulat, magugulat ka talaga. hehehe. isang araw na puno ng kung ano-anong bagay. drama, suspense, comedy, love story at higit sa lahat adventure. lol...

sa ngayon, gusto kong mag-move on. gusto kong makita na wala dapat maging effect sa buhay ko ito. ngunit sa tuwinang maalala ko yung mga bagay na naririnig ko kahapon, di ko mapigil yung sarili ko kung hindi mag-isip. gusto ko siyang yakapin, pero di ko magawa. niyapos ko na lang yung telepono kung saan ko siya kausap. pero, parang wala pa rin dahil di ko dama yung init ng katawan ng minamahal ko. di ko ma-apula ang pag-luha mula sa kanyang mga mata. hhhaaayyy...buhay OFW. lol.

di ko gusto yung nangyari sa amin, pero ang importante safe sila. walang nasaktan at walang nasugatan. mahal pa rin kami ni Lord dahil tinuro nya sa amin ito. great timing kasi na-off guard ako...lol.

December 14, 2009

patawad daw...

di mo maintindihan. minsan kahit alam mo na pero ang hirap pa ring tanggapin...

alam ko naman na di matutumbasan ng pera ang kaligayahan sa mundo. walang kapantay ang pag-yakap mo sa mga taong tila nag-darahop. walang matatamong kapanatagan kung pulos pera na lang ang laman ng puso mong di matinag ng laman.

pero kanina, naramdaman ko ulit yun. gusto ko siyang yakapin. lumuluha siya ng husto. lugmok na lugmok siya sa kanyang pag-kakabagsak. habang lumuluha'y humihingi ka kapatawaran. paano ko siya mapapatawad kung di naman ako galit? ayaw ko ang ganitong sitwasyon, dahil ayaw kong naririnig na siyang ganito lalo pa't wala ako sa tabi nya. gusto ko siyang yakapin ngunit di ko magawa. malayo kami sa isa't isa...

hhayy...kung pede lang ibalik ang nakaraan na nandun ako sa tabi nya...

December 13, 2009

ang "weekend" ko

matagal-tagal na rin ako dito sa chicago at tama! paalis na rin ako - sampu ng mga kasama ko. nung isang taon, tila wala na akong babalikan sa pinas kapag umalis ako. ngayon ganun na naman yung nararamdaman ko. kaya nga't, di ko sinasayang ang mga sandali na nandito ako sa estados unidos...

sabado...nag-hanap kami (kasama si RJ) ng mga apartments para sa mga papalit sa amin. (di naman sa ayaw kong tumira sila dito sa tinitirhan namin, ang gusto ko lang magkaroon sila ng choices. lol!) marami-rami din kaming napuntahan...sa dearborn at sa lake. habang nag-hihintay kami na ma-kausap yung leasing officer ng isang building, nag-punta kami sa daley plaza. ang daming tao dun. ang daming paninda. sa iba't ibang lugar galing. sa poland, germany at ireland. parang divisoria - american style nga lang.


marami ring pagkain na nabibili. di kami nag-pahuli ni RJ kasi kumain kami ng churros at uminom kami ng mainit na hot chocolate...

meron ding isang malaking christmas tree na kung saan nagpakuha ng picture! lol!


isa sa pinaka-kahangahangang bilihin dun sa daley city ay ang mga maliliit na stars na gawa sa salamin...




gabi naman ng sabado, nagpunta kami sa christmas concert ng mga choir dito sa old st.mary's. sobrang gagaling ng mga bata! magaling din yung mga lalaking kumanta ng solo. sana ganun din yung boses ko. lol! tapos tuloy kami sa despedida ni norms at birthday party naman ni mike sa room nila t.a. daming food.

sunday naman, morning mass tapos diretso kami sa fish pond sa n. clark. filipino restaurant ito na may buffet sila kapag sun from 11.30 to 3.30. grabe, sarap ng food. na-mimiss ko na tuloy yung mommy kong magluto. lol!

nag-pagupit din ako ng buhok. siguro, ito na yung last time kong magpapagupit ng buhok sa tate. lol!

ang saya ng weekend! sobrang busy, pero oks naman...isa ito sa mga dahilan kung bakit kailangan kong maging masaya sa bawat pagkakataon!

December 07, 2009

virgin snow...

and the snow fell from heaven! it's sssooo cold outside.

i didn't go outside, but it is 30 F / -1 C. i know its gonna get colder in the next few days. right now, i am quite comfortable, lying on our sofa like a mashed potato. lol!

well, i just wanted to tell my folks that its the first "REAL" snow fall today. we had a flurry last Thu so i think it doesn't count. lol! Anyways, we did celebrate the first flurry fall. we had our dinner at Hooters. we had so much fun!

there is going to be more snowfall! i hope i will enjoy it this time. lol!

December 06, 2009

let love show you how to let go

maganda ang sabado para sa akin. kahit nagtrabaho ako at medyo natagalan sa pag-gawa ng mga update scripts, maganda ang sabado ko. isang dahilan lang, I saw the glory of God.

kung sasabihin ko yung details, maaaring masukol ko ang boundary ng pangako ko, kaya bird's eye view na lang ang sasabihin ko. nakita ko yung papaano nya sinasabi sa akin how to move forward. na huwag manatili sa kung ano ang meron ngayon at kung ano ang nangyari kahapon. let love show you how to let go. medyo parang cliche na pero ito pa rin yun eh...

just trust in what God will show us. may doubts man ako minsan, pero alam ko kailangan kong maging isang mabuting mamamayan at mananalampataya Nya.

November 30, 2009

november to remember

november is very memorable to me. this is the month wherein i started to loose myself - yes, myself. (mawala sa sarili or became insane) lol!

its really hard. sometimes, i cry alone. sometimes, i laugh alone. sometimes, i make myself a fool. and most of the times, i pray. it helps me a lot if i pray. it makes me feel comfortable and it drains all the worries away.

though its been a busy (work, work, work!) month for me, november somehow excites me.

november has really been an awesome month for me. thank God he's always here beside me.

November 29, 2009

pasko na sinta ko...

di talaga buo ang kapaskuhan kung wala ang kantang ito...

Pasko na sinta ko hanap-hanap kita
Bakit magtatampo iniwan ako

Kung mawawala ka sa piling ko sinta
Paano ang Pasko, inulila mo

Sayang sinta ang sinumpaan
At pagtitinginang tunay
Nais mo bang kalimutang ganap
Ang ating suyuan at galak

Kung mawawala ka sa piling ko sinta
Paano ang Paskong alay ko sa'yo

Sayang sinta ang sinumpaan
At pagtitinginang tunay
Nais mo bang kalimutang ganap
Ang ating suyuan at galak

Kung mawawala ka sa piling ko sinta
Paano ang paskong alay ko sa'yo

November 28, 2009

habang nag-luluto ako...

habang ako ay nagluluto,


...nakita ko ang sarili kong naka-dungaw sa labas. nakikita ang willis tower (dating sears tower). di matatago ang taglay nitong ganda.


...iniisip ko kung paano ako pinakitunguhan ng buhay na pinili ko. nakatutuwa dahil marami itong binigay sa aking magagandang bagay ngunit wala pa akong masyadong napapatunayan...

...kumakain ako ng oatmeal cookie. gustong gusto ko ang oatmeal cookie lalo pa't kung may pasas ito.

...sinusulat ko ang blog na ito. kahit batid ko na maaaring masunog ang niluluto kong pagkain.

...minimithi kong maging maaraw ulit bukas dito sa chicago.

...pinag-darasal ko na ang mga susunod na araw ay kasindali lang ng pag-bigkas ng ABKD. buti na lang, nandito lagi ang Panginoon sa tabi ko. matiyagang nagtuturo sa akin ng mga bagay na takot kong matutunan.

November 25, 2009

$%^*

hinubad na nang pawisang hapon ang kanyang balabal na ginto at naghalili ng abuhing sutla ng takipsilim.* datapwa't kailangang maging magiliw, kailangan pa ring ipaglaban ang kariktang minimithi ng pusong kay palam...

hindi ko batid ang dapat kong gawin. isang bagay na nakakapanibago dahil batid ko ang sinisigaw ng puso ko ngunit nagaalimpuyo ang isip kong binabawalan ang panaghoy ng isa.

matultulan ko pa kaya ang balak sa akin? mabanaag ko pa kaya ang hapon na tila pinag-kakait sa akin?

wala na nga wala. nakapanaig man ang dilim na tuluyang lumalatag sa aking kabalintunaan, kailangang manalig na may isang Maykapal na magbibigay sa akin ng tamang patutunguhan.

*ang mga unang salita ay halaw sa Luha ng Buwaya ni Amado V. Hernandez.

November 24, 2009

kaya ko pala!

masasabi kong tagumpay ako sa una. naibigay ko nang buong puso at kaluluwa yung dapat kong ibigay...



...nagising ako nang 4 am. maraming agam-agam ang namayani sa puso ko ngunit alam ko na dapat paglabanan ko ito. naramdaman ko na kumukulo yung tiyan ko sa gutom. di pa oras kumain kaya pinagpaliban ko ito.



...naaalala kong bigla ang dapat kong pangalagaan. binuksan ko yung kompyuter ko at nag-bukas ako ng brawser. tama! sakto pa. ngunit konti na lang ang natitira. kaya ko pa bang mabuhay nito? ito yung naging tanong ko agad sa sarili ko. pinasukan ako ng dimonyo. di ko man naiisip na umurong, pero ang mga tanong na...bakit ko ba kailangan gawin ito? ano bang mapapala ko? dapat ba akong mag-paka-gutom? paano ako kakain?



...sinara ko na ang kompyuter ko. wala na akong mapapala kung titingnan ko lang nang titingnan ang dapat kong makita. nung papahiga na ulit ako, gusto kong umiyak. sobrang sakit. pero kailangang paglabanan.



...nakita ko ang bibliya na nasa mesa na pagitan ng kama namin ni jay (kasama ko sa kwarto). kinuha ko ito. alam kong ito lang yung mag-papaliwanag sa akin ng mga tanong ko. unang bukas, parang wala akong napala. nabasa ko yung istorya na kung saan sinisigaw ng mga tao na ipako sa krus si Kristo. nakita ko lang yung sarili ko na hinuhusgahan ko lang din siya. pero di naman ito yung sagot sa tanong ko.



...nagbuklat pa ako nang isa pa. kinalibutan ako. ito na yung sagot. naging bulag ako sa katotohanan. at si kristo, kumuha ng putik at pinag-huhugas ako ng mata sa Siloam. ito na yun. naintindihan kong bigla na, kailangan kong gawin ang mga bagay na ayaw ko kasi para makita ko ang katotohanan.



...kaya, ayun! nagawa ko ang ayaw ko ngunit kailangan. nagawa ko! una pa lamang ito. marami pang mga pagkakataon. kaya ko ito!

November 20, 2009

updates lang...

this is so far one of my pinaka-busy na month ng entire stay ko sa US. =( .

pero, sobrang fulfilling, my first two weeks are super filled with activities. two weeks na ako di nakaka-pasok ng Old St. Mary's, imagine that! first, went to Shema and last week was our convivence. sobrang sinusulit ko yung last few weeks ko dito sa US dahil i'm spending it most with my communities. like right now, i just got home from our preparation con wii game. after our preparation, we (fernando, marisa, liz and i) played mario super mario brothers. masaya! pero i really suck in video games. i need to practice every now and then. in which, i could not afford.

hhaayy...natapos ko na rin ang have a little faith ni mitch albom. super, maganda siya! in compare with tuesday's with morrie, i think i love this one. =) .

November 16, 2009

dapat gawin...

The past few days became so special. Special kasi dami kong naiisip at kulang na lang nang lakas ng loob para isulong ang kailangang gawin. Hhhaaayyy! Ang hirap talaga kasi alam mong kailangan mong gawin pero di mo agad magawa.

Siguro napapansin nyo na wala akong masyadong blog entries sa first half ng buwan. Dahil na siguro yun sa sobrang busy ako ngayon at sobrang emotional. Kapag emotional kasi ako, nasasabi ko lahat. Paulo Coelho said in one of his books that emotion is like wild horses that need to be tamed. Tama siya dun. Kailangan kong kontrolin yung emotion ko kasi kapag hindi, patay na! Hehe…

There are some thoughts that I wanted to share with you that molded my emotion for the past few days >>

a. When you see the truth, it started to hurt. This came from the person I consider as Kuya, and its true! Kapag nakita mo ang katotohanan na mali ka, unti unting sumasakit ang puso at damdamin mo. Wwwaahhh! Sobrang naka-relate ako dito nung sinabi nya sa amin (with some of my other friends).

b. You knew me but you never know who I wanted to be. Biktima ako at nambiktima din ako nito. Kahit ano kasing gawin ko, di ko na mabubura sa ibang tao ito yung masama kong ugali. Well, in a way, wala naman akong pakialam kung ano sabihin nila sa akin pero ang punta ko lang – WALA BA AKONG KARAPATANG MAG-BAGO? Haha! Nambibiktima din kasi ganun din yung tingin ko sa ISANG TAO! Haha! This is the best example ng kung anong ginagawa mo sa kapwa mo yun din yung gagawin nila sa iyo. Haha! Anyways, these words from the book of Mitch Albom – Have a Little Faith – is really inspiring! Balang araw, matatanggap ko din yung mga mali ng tao dahil mali ko din yun.

c. God is everywhere. Don’t get me wrong. I know this by heart. Pero ang pinupunto lang nang taong nagsabi sa akin nito ay di importante kung saan ko daw gawin ang dapat kong gawin. Ang importante ay kailangan kong gawin ang dapat kong gawin.

Hhaayy! Magiging mahirap talaga ang mga susunod na araw sa akin. Sana magawa ko.

November 12, 2009

tatlong taon ay tatlong taon...

tatlong taon na ang nakakalipas nung pinost ko ang unang blog entry ko. yes, ang bilis ng panahon. masasabi ko na sobrang naging outlet tong blog ko sa mala-roller coaster kong emotion. sa mga mambabasa, salamat sa inyo.

October 31, 2009

undas

hhhmmm...ito yung unang undas na wala ako sa pinas. ssoobbrraanngg miss ko yung tradisyon sa pinas. namiss ko yung kandila, yung ihaw-ihaw sa kanto, yung inihaw na hotdog at tinapay na tinipay, mga kung ano ano pang mabibili.

namimiss ko din siyempre yung pamilya ko. buong angkan ko sa pinas. lol! kasi ang dami talaga naming pumupunta taon taon sa sementeryo para lang sa araw ng undas.

pero ang konsolasyon ko na lang sa pagkakataon na ito, dalawang buwan na lang ang itatagal ko dito. konti na lang! =)

October 29, 2009

human

most of the times, when least expected, you will see yourself trapped in a very daring situation. you never expect it to be so tempting that you couldn’t resist the power that of that urge is taking over against you. it maybe a thing, a situation or person; the bottom line is you better say NO in some of the things that you have been dreaming to say YES.

what will happen tomorrow is something that you wouldn’t know. God only knows what and when is the proper timing for all the things.

it makes me smile whenever i'm trapped in a situation that will create a big laugh over me. i don’t know; but it makes me feel i’m human again. lol! no longer an undin! a human following what he thinks is right!!

October 26, 2009

malimit na tanong

malimit di ko matanto kung bakit kailangan gawin yung mga bagay na ayaw mong gawin...don't get me wrong, di ako naka-emo mode ngayon. medyo masaya pa nga ako sa gitna nang nararamdaman ko - medyo sinisipon kasi ako ngayon.

di ko lang alam...natanong ko na naman kasi sa sarili ko yan. bakit nga ba kailangan? wwaahh! hirap minsan pero ang gagawin ko lang smile lang at pray para maayos yung disposisyon sa buhay...

October 25, 2009

bakit mode?

hhhaaayyy…what will you do when life treats you so unfair? ok sige nga. di na life in general. lol!

kanina, out of somewhere may bigla akong nakita sa isang website na sssooobbbrrraaannnggg kinasama ng loob ko. well just to set this straight, i have nothing against the person dahil masaya ako at narating nya yun. ang kinasama lang nang loob ko? di ko alam. siguro human nature at urge na yung…hhhmmm…kailangan ko bang sabihin? lol! ok! siguro human nature at urge na yung mag-selos at maiinggit sa kinahinatnan ng ibang tao. kapag yun dalawang yun ang namayani sa puso ng isang tao, patay na!

di ko alam kung binigay talaga sa akin yung chance na yun ni Lord para di ako makapag-trabaho. ooppss! baka may makabasa! lol! don’t worry everything is accounted for. going back, di ko talaga inimagine na ganun yung mararamdaman. i thought its over. kakanta muna ako…

is it over, am i really over it
is it over, or will i take it back again
if it's over me can let that memory in
come on over, i'll let my life begin.


ok tapos na commercial. lol! going back, i really thought its over. i may call it “bakit mode” – pop mo ako kung gusto mong malaman ito. pero, ito na naman eh. wala naman akong magagawa. buti na lang may nakausap akong may sense kanina. may sense, kasi honest sya (ayaw nyang pasabi yung name nya). alam mong honest siya kasi tao siyang nakipag-usap unlike yung iba na sobrang ideal yung sinasabi.

*alam mo ako may feeling din akong ganyan minsan – pertaining to what i feel towards “bakit mode”.

*may mga powerful and very influencial sa mga ******* – kainis! galit ang mga taong nasa gitna ng food pyramid sa mga trapo dahil pulos pulitika na lang ang iniisip, pero silang mga ******* ang isang good example ng trapo!

*pag hindi mo na matake ang system and hindi mo rin ma-influence to change..the best move is to go out… - sobrang ganda ng statement na ito! totoong totoo kasi…

*it shouldn't define kung magaling ka ba talaga or hindi – tamang tama sa akin ito! as in ouch!

di ko na pedeng i-share yung iba kasi kapag pinost ko pa, lagot na talaga ako. medyo critical na kasi ung iba. ang importante dito, nakatulong nang husto yung sinabi nya sa kin.

October 23, 2009

another lonely day!

out of the loneliness that is slowly killing me, i googled (googled daw oh!) for the lyrics of a nursery rhyme that could help me overcome this feeling. here it is and i wanted to share it with you...



kung ang ulan ay puro tsokolate

o anong sarap ng ulan

ako'y lalabas at ako'y nganganga

ah ah ah ah ah ah ah ah ah ah

o anong sarap ng ulan



i'm super happy when i found this in flicker.

October 17, 2009

love na naman

isa pinaka-nakakaaliw na parte ng eucharist ay yung pag-tatanong ng pare sa mga bata. tulad ng sinasabi dati ni rollie sa min, di daw talaga dapat minamaliit ang mga bata kasi marami kang matutunan sa mga sagot nila. kanina, ayun natauhan na naman ako.

bakit nga ba kailangang magpakumbaba ka kung gusto mong mauna sa lahat?

nung tinanong ni father eric ito sa bata, miski ako di ko maintindihan. una, bakit ang hirap ng tanong sa bata. ayun di nakasagot yung bata. miski kung ako yung tanungin di ko masasagot yun eh. hehehe.

simple lang daw ang sagot. dahil sa pagpapakumbaba, matutunan mo ang pag-mamahal na walang hinahanap na kapalit. ito yung tinatawag na "love that consumes" ni paulo coelho - agape.

hhaaayy..."love" na naman...smile na lang ako kasi darating din yun...hehehe...

pearl harbor

after a long time, i was able to watch the movie pearl harbor again...

for me, this is one of the greatest movies ever made...


rafe: it's different out here. its cold, really cold. cold that penetrates your bone. i only do one thing that keeps me warm and that is to think of you...

evelyn: what did you got for winning is respect...

evelyn: every night i watch the sunset and soak up every last ray of its warmth, and send it from my heart to yours...

evelyn: you're acting like i didn't love you. rafe: evelyn, loving you kept me alive.


i even love the theme song...There You'll Be by Faith Hill. (thanks Pam sa correction!)

October 12, 2009

bakit?

isang taong unti unting pinahihirapan ng pagkakataon. lubos na nilugmok ang sarili sa isang kulungan na di nya kayang pang-hawakan...bakit kaya nya pinabayaan ang sarili na malunod dito?

isang taong nag-mimithing lumaban sa isang sitwasyon na di nya ninais. maaaring isang pag-kakamali ng sitwasyon ngunit di nya mabatid ang dapat gawin para maayos ang lahat. pilit siyang lumaban ngunit ang mga taong nasa paligid nya ang tuluyang naglaglag sa kanya...bakit siya pinabayaan?

isang taong lubos na nag-mahal. batid nya ang kahihinatnan nito ngunit handa siyang lumaban para matamo ang nais niyang maangkin. sa huli, wala siyang magawa dahil natuyo ang talulot ng rosas sa kanyang kamay...bakit nya pinaglaban ang sa tingin nyang walang patutunguhan?

ngayon, bakit? tatlong sitwasyon. tatlong tanong. tatlong pagkakataon. isang tao. kung seseryosohin mo yung lahat ng mga bagay, wala kang magagawa. walang mangyayari. walang mapapala.

laban lang ng laban hanggang sa makita mo yung dulo na wala nang patutunguhan. ang importante lumaban ka.

October 11, 2009

an awesome day!

There is nothing like a day started with something fruitful. Though I went home at around 1 am (we came from Hernan’s party), I made sure that 8.30 mass is on top of my To Do’s.

ALARM CLOCK: 8.03 AM Chicago Time.

What’s new?

October 11, 2009 is Chicago Marathon Day. No vehicles are roaming S. Michigan. It is something NEW!

What’s awesome?

Rev. Father Santa Claus (as I call him) gave a very good homily today! He gave us (listeners) two things that are worth thinking and I wanted to share these words to you:

a. The how is as much or far more important than the what. Fine! Everyone knows what to do but would they know how to do it? Some may say YES, but would you know how to do it in a correct way?

b. Let go! Let God! Oh my, it’s really me! I need those words. Most of the times, we have our plans and projects but we should somehow let go of these and let God take control of our so-called life.

What’s hot?

Nothing is gonna stop us now. LOL! Yes, we went to Aurora. I was supposed to buy things for my cousins and other relatives in the Philippines. I thought it will be easy for me but guess what? I failed. LOL! My patience is still the same. Short tempered and I easily gives up on something I do not want to do. Anyways, just to cut the story short, I ended up buying nothing for them. Overall, I enjoyed the day with my friends - John and Jay!

What’s cool?

The weather is very cold! It’s just October yet the temperature is 7 degrees C.


October 08, 2009

isang katotohanan na mahirap takasan

malimit di natin nakikita yung pinag-papaguran ng iba. di natin namamasid na makabuluhan pala. ang gusto lang natin, kabig ng kabig. di nasasalamin na mahirap mag-trabaho. mahirap gumawa ng mga gawaing bahay habang nag-gagawa ng kailangan mong gawin. mahirap umintindi sa mga taong ayaw naman umintindi kahit anong paliwanag mong gawin. alam mong tama ka pero di mo maipilit kasi ayaw nyang tanggapin na mas magaling ka sa kanya.

pero sa kabila ng lahat ng ito. dapat masaya ka pa rin, kasi nalalaman mo na may nasasaktan pala kung kain ka na lang ng kain habang yung iba nag-tatrabaho. mahirap pala yung trabaho ng isang nanay na nag-tatrabaho kasi kinakailangan nyang mag-banat ng buto habang ginagampanan pa rin ang pagiging nanay ng kanyang mga anak. mahirap din pala minsang makipag-trabaho sa isang Edward Alejo kasi ayaw ko ding intindihin yung ginagawa ng iba.

kailangan maging mapag-pasensya dahil marami pang mangyayari sa mga susunod na limang minuto, limang oras, limang linggo, limang buwan o limang taon. (galing kay Bea Alonzo sa pelikulang And I Love You So) =) . di naman ako nag-rereklamo. isa lang itong katotohanan na kailangan nating malaman.

October 06, 2009

isang malamig na gabi sa train station ng franklin park

grabe lakas ng hangin labas.

galing ako sa franklin park para sa word namin pero nung pauwi na ako. sobra ang lakas ng hangin sa train station. dun ako sa gilid ng office station pumuwesto. para at least natatakpan ako ng malakas na hangin at may maliliit na rin na patak ng tubig kaya magandang parte ito para silungan.

habang nag-iintay ako ng train ay may naka-daupang palad akong isang amerikano. madaldal siya pero nakakatuwa. animnapu't anim na taong gulang na siya ngunit kitang kita sa kanya na malakas pa ang kanyang pangangatawan.

marami kaming napag-usapan. tungkol sa "labor union", sa "bob cat", sa "welding", sa salamin nya sa mata, sa "DUI", sa "politics" at syempre di ba mawawala si "Manny Pacquiao" at "Oscar dela Hoya".

natuwa ako ng husto sa kanya. naalala ko yung namayapa kong ama. kung buhay siya ngayon, pareho sila ng edad. ganun din yung tatay, madaldal. maraming kwento. mayabang din. hahahaha! wala lang. na-miss ko lang yung tatay ko. promise! di ako nalulungkot. natutuwa pa nga ako eh kasi parang nakita ko yung tatay ko ulit.

October 02, 2009

ganun pala yung feeling!

ngayon alam ko na yung feeling! wwaahh! do i really have to watch the movie "and i love you so" before i could understand how she feels? wwaahh! super insensitive talaga ako sa feeling ng ibang tao - kahit mahal ko.

di ko ma-reveal yung name nya pero i salute her. di man kami nag-karoon ng masinsinang pag-uusap pero alam ko mahal na mahal nya ako..

...sorry kung di ko na siya maibabalik sa inyo.
...sorry kung di ko siya nabuhay samantalang ako ay nag-patuloy mabuhay.
...sorry kung gusto kong sumaya.
...yung gusto mong lumigaya pero may masasaktan ka namang iba. kapalaran pa ng ibang tao ang nakataya.

wwaahh! sana nababasa din ito ng mga "may ayaw" dati.

pero kung ano man yun, salamat pa rin. mas tumaas yung tingin ko sa iyo. isa kang tunay na bayani sa mata ko.

October 01, 2009

And I Love You So

i dont like regine v. but love her song...two thumbs up for me!

version naman ni gary...awesome!

September 28, 2009

ngiti lang dapat

di ko maipaliwanag pero ang sarap pa rin mabuhay.

>> nakikita mo yung mga bagay na di mo pa naaninag nun.
>> napag-mamasdan mo yung magagandang dalaga na nasa kalye, naglalakad.
>> naaaninag mo araw na unti unting nilalamon ng makapal na ulap.
>> nararamdaman mo ang malakas na pagbayo ng hangin sa maselan mong mukha.
>> nasasalamin mo ang papalapit na tag-lamig dahil sa pag-bagsak ng mga dahon.

marami mang mga problema na kinahaharap pero binibigyan ka pa rin ng Diyos ng isang araw para mabuhay. para malaman na may pag-asa pa.

sa loob ng halos siyam na buwan ko na dito sa lupang pangako (para sa ilan), marami nang nangyari sa akin. marami drama! hahaha! pero marami din naman katuwaan. di pa tapos ang pag-lagi ko dito sa estados unidos. marami pang mangyayari, alam ko yun. masaya man o malungkot, kailangan ko lang malaman kung ano yung binibigay sa aking aral.

kaya ngiti lang dapat...

September 25, 2009

salamat

di ako fan ni yeng constantino...pero lately, i fell in love with her song >>

Kung ito man ang huling awiting aawitin
Nais kong malaman mong ika’y bahagi na ng buhay ko
At kung may huling sasabihin
Nais kong sambitin, nilagyan mo ng kulay ang mundo

Kasama kitang lumuha
Dahil sa‘yo ako’y may pag-asa

Ang awiting ito’y para sa‘yo
At kung maubos ang tinig, di magsisisi
Dahil iyong narinig mula sa labi ko
Salamat, salamat
Haaaa.. yeah yeaah

Sana’y iyong marinig, tibok ng damdamin
Ikaw ay mahalaga sa akin, ang awitin ko’y iyong dinggin
At kung marinig ang panalangin
Lagi kang naroroon, humihiling ng pagkakataon

Masabi ko sa’yo ng harapan
Kung gaano kita kailangan

Ang awiting ito’y para sa‘yo
At kung maubos ang tinig, di magsisisi
Dahil iyong narinig mula sa labi ko
Salamat, salamat
Haaaa.. yeah yeaah

Ito na ang pagkakataon
Walang masasayang na panahon
Mananatili ka sa puso ko kailanman
Para sa yo ako’y lalaban, ako’y lalaban

Ang awiting ito’y para sa‘yo
At kung maubos ang tinig, di magsisisi
Dahil iyong narinig mula sa labi ko
Salamat, salamat

September 24, 2009

urong sulong

ang bilis talaga minsan ng mga pangyayari. yung iba naman mas makupad pa sa pagong. pero kung ano man yan, ang importante ay alam mo kung saan ka pupunta.

ako? wwahh! di ko alam kung sasama ba ako sa isang lakad sa simbahan. actually, alam kong importante yun. kaso lang lagi naman akong naiiwan kung kasama ko sila. hahaha! sa totoo lang...di naman sila yung may kasalanan. marahil, ako na rin. sa mga nakaraang pagkakataon, sa tingin ko, ayos lang. kailangan mo talagang sumama. pero sa pagkakataon na ito, sa tingin ko kailangan ko namang mag-sabi ng "pass". pinayagan na akong mawala sa opisina kaso lang ako na ngayon ang problema. di ko na alam kung tama pa ba yung nararamdaman ko. hahaha!

urong sulong talaga ako, nasa puso ko kailangan kong pumunta. pero sa isip ko, parang sinasabi na wag na lang. sa tingin ko sa pagkakataon na ito, talo ako. hahaha!

September 20, 2009

ayyyiiiisssshhh

hell yes!

bakit ba kapag masaya ako nasasabi ko lahat? hahaha! yes. di ko pa rin maipaliwanag ang taglay kong kaligayahan. kaya nga nung tinanong ako nila (john, jay at rj) tungkol sa isang topic. nasabi ko ang lahat.

i dont want to ruin my indescribable happiness pero nasabi ko yung isa sa pinaka-gusto ko nang kalimutan pero di ko pa rin makalimutan part ng buhay bata ko. yup! tulad ito ng peklat ko sa tuhod at sa lulod, gusto ko man siyang tanggalin pero nandun na siya sa buhay ko.

i don't know how to say it pero it affects my behaviour. mahirap siguro kapag may mga ganun. mababaw marahil sa ilan kasi bata pa naman ako nung nangyari yun, pero di ko pa rin maialis sa isip ko.

forgiving is forgetting. i believe this pero in my case, i need to forget something so i can totally forgive.

ayyyiiiisssshhh!!!

i can't explain

i can't explain pero sobrang sarap ng pakiramdam ko for the past few days. it's like something is going to happen - parang mas masaya pa kapag nanalo ka sa lotto. well, i dont know how it feels like winning in a lotto kasi di ako tumataya. hehehe. pero ang saya lang feeling ko. sabi ko nga sa title ko - "i can't explain".

siguro dahil sa may mga nangyayari na di ko inaasahan pero in favor sa akin. hahaha! i still have no final words coming from the people involved pero malamang sa malamang, ganun na nga yun. i always dream of having things like this before. ooopppsss! its not a thing. its a feeling free from anxiety. hahaha!

to my readers, di ko pa pedeng i-reveal kasi wala pa ngang final words. kapag nagkaroon na saka ko sasabihin sa inyo lahat!

September 16, 2009

haircut...

hindi ko batid kung may dapat bang baguhin...

nag-pagupit ako ng buhok, few weeks ago. kinuhanan ko ang sarili ko ng litrato at nilagay ko as profile pic sa facebook ko. ito ang mga reaksyon ng mga tao...

P1: duds, mukhang receding hairline ah, epekto ba yan ng tate?...(babae na kaibigan ko)
P2: lapit na...(lapit nang makalbo)
P3: congratulations! palakpakan! (tugon sa comment ni P2)
P4: bwahahahaha! (tugon sa comment ni P2 at P3)
P5: mukhang nawawala na ahh....(completely ibang tao)
P6: maikli din pala yung pag-kakagupit sa iyo. (kaibigan ko)
A1: nice haircut! its cute! (kasama ko sa community sa franklin park)
A2: you look good with your haircut. (kasama ko pa rin sa community sa franklin park)
A3: its awesome.

yung P stands for Pinoy. yung A stands for Onaks.

kung makikita nyo, di lahat maganda ang naging comment ng mga pinoy sa bago kong gupit. pero yung mga onaks, puring puri yung buhok ko. kung ano man ang comment nila, wala akong paki-alam. sa tingin ko maganda yung gupit ko. yun yung alam ko.

kung nakakalbo man ako, sino ba yung di makakalbo? hello? una una lang yan! makakalbo din kayong mga nag-mamalinis jan. lol!

ngayon, may dapat bang baguhin? oo. ako guilty din ako dito. instead sa nakikita natin na may pangit sa isang tao, tingnan natin yung magandang punto ng pag-babago. di puro na lang masama yung lumalabas sa bibig natin. sisikapin ko yun. papanindigan ko habang kaya ko. dahil, naranasan ko din minsan ang maging "outcast" dahil sasabihan kang pangit. naranasan ko na itaboy ng mga kasama dahil sa di ako "pogi" sa tingin nila.

kung sino man sila, mamamatay din yung mga yun. kung mauuna man ako, wala akong paki-alam. ang importante. alam ko yung mali sa tama. di ko man magawa yung tama ngayon, at least may bukas pa para mabago ko yung ugali ko dahil alam ko yung mali.

*disclaimer - yung mga comments, depende yan sa tao di depende sa lahi. di ko nilalahat ang mga pinoy o inaaangat ang mga onaks. sa tingin ko lang kailangan ng pag-babago.

ngayon...

ang daming nangyari ngayon. masaya. malungkot. nakaka-aliw. pag-kawala.

masaya...nakaka-amoy ako ng kalayaan. hindi pa man opisyal na pinahahayag, ngunit nararamdaman ko na ang kalayaan. sa ngayon masaya ako, marahil dahil matagal ko nang hinihingi ang pag-babago ngunit ko ko matamo yung minimithi ko.

malungkot...sa kabila ng kaligayahang nadarama ko, may mga bagay na pilit pa ring bumabalik - sa ayaw mo mang o gusto. di ko mawari dahil wala na naman sa kanya yung problema - nasa akin na. pero kung paka-iisipin mo, siya yung nag-simula nun at hindi ako.

nakaka-aliw...makalipas ang isang linggo, narinig ko na naman ang boses ng mahal kong ina sa telepono. ang saya, dami nyang kwento tungkol sa bago kong pinsan, sa mga nangyayari sa bahay at buhay ng mga lagi nyang kasama. lalo kong hinahanap-hanap ang buhay Pinas, buti na lang pauwi na ako.

pag-kawala...maaga pa man para mag-paalam ngunit kailangan ko nang unti untiin ang sarili ko. lilisan ako tangay sa puso ko ang pag-mamahal na di ko ninais ngunit kusang lumapit at sumibol sa kaibuturan ng puso ko. ang pamilya ko dito sa franklin park ang isa sa pinaka-hahanap-hanapin ko kapag umuwi na ako...

September 14, 2009

coffee bean...

its been a lllooonnnggg time...

i spent almost 5 years working in makati. and with these wondrous (or should i say grueling) years, i fell in love with “The Coffee Bean and Tea Leaf”. for me its better than starbucks. better in terms of ice blended coffee. =) . no doubt that coffee bean in makati (near GT) is one of the most memorable places for me. this is where i give my angels a treat…




i will surely miss these girls (oooppss, two girls and one boy).

i miss coffee bean so much that’s why i was sssooo excited to see that there is a coffee bean just nearby the place of ate ann. ate ann is the older sister of john, it was in her place where we stayed for more than a week in LA. thanks to that LA trip, i rejuvenated my bond with said coffee shop.

sssooo happy when i got my ice blended green tea with whip. yay!

September 10, 2009

be careful

Be careful of what you wish for!

Naku! Lesson ko ngayon yan sa buhay ko! As in sa kalagayan ko ngayon, para sa akin yan! Bakit kasi kailangan minsan ang bilis dinggin ni Lord yung panalangin mo? Hehehe! Di ba pedeng mag-ROLLBACK TRANSACTION?

Anyways, as of today, wala pa talagang final decision. Kung ano man mangyari, God’s will yun eh. Kailangan ko lang ma-get over lahat ng mga reservations ko sa buhay buhay! What the ****! Of all times ko naiisip ito, bakit ngayon pang nasa L.A. ako. Makakapag-enjoy pa ba ako nito? God’s will yun. Kung ano man ang mang-yari, God’s will yun para tumibay pa ako sa mga susunod na araw!

September 08, 2009

disneyland...

nakarating na ako sa disneyland - part ito ng L.A. trip namin. grabe maganda talaga dun. yun lang masasabi ko...

sobrang nakaka-miss lang kasi...

a. tumingin ka sa kanan, kaliwa, harapan or likuran ay may pamilya! wwaahh! well, siguro ganun lang talaga kasi may times na kailangan mong pag-labanan ang nararamdaman mo. buti na lang, God is so great. he made me feel comfortable.

b. dami kong nakitang mag-ama. wwaahh! namiss ko bigla daddy ko. naalala ko nung ibinili ako ng daddy ko ng isang bag. yung usong bag nun. sabi nya, kahit ano daw kuhanin ko. wwaahhh! kaya naman kung mabibigay ko din luho ng mga taong mahal ko gagawin ko eh...

c. sobrang na-fascinate ako sa mga bata. daming mga batang sobrang saya! Sana maging masaya din ako tulad nila – walang iniisip, walang nag-hohold-back. yung tipong gusto mo lang maging masaya…

pero, in fairness, kahit mahirap gawin ay nagawa kong mag-enjoy at ma-fascinate na tulad ng mga bata…

September 05, 2009

nandito ako sa LA

nandito kami (with john and jay) ngayon sa L.A. medyo mainit pero mas ok na ito kaysa sa malamig na panahon sa chicago. mas gusto ko talaga ang mainit na panahon.

masaya ang first day, nakakainis lang yung trabaho pero ok na rin. di naman kasi kami papayagan mawala ng sabay sabay.

sana mag-patuloy yung magandang mood ko! ahahaha! lately kasi, sobra akong pre-occupied sa mga nangyayari sa opisina at sa mga nangyayari sa paligid.

August 31, 2009

agosto 31

last day of the month and last day of the fiscal year. sabi ko nga sa status ko sa facebook, i have a new horizon to fly. kung ano man ang ibigay sa akin, kailangan lang ay smile. may binibigay sa akin si God na mga lessons na kailangan kong matutunan. pede ring may mga bagay na wala pa akong nagagawa. ang importante ginawa ko ang magagawa ko. sa daan patungo sa destinasyon natututunan ang lahat ng bagay, di ito pabilisan. ngiti lang kasi kailangan mo pa ring maging masaya sa kabila ng dalamhati at pag-papalam...

August 30, 2009

ang hirap

wwaaahhh...!!! smile lang pero kailangan isipin pa rin kung ano dapat ang gawin...

…ang hirap minsan tanggapin lalo na kung ganitong time of the year. hehehe…makakarelate sa akin yung ibang tao pero kailangan lang talaga siguro is maka-set up ka ng tamang isipan.

…ang hirap umiwas sa tukso. lalo pa’t kung lalapit talaga siya sa iyo. in my case, mahirap kasi nasa paligid ko lang ang tukso. nasa mga ginagawa ko at nasa mga kinikilos ko.

…ang hirap kasi ilang buwan na lang paalis na ako. napapamahal na ako sa mga taong nung una ay ayaw kong mahalin dahil alam kong luluha lang ako. pero ngayon, kahit anong iwas ko wala akong magawa. bumabagsak ako.

masaya ako in a way pero malungkot sa kabilang banda. ngiti lang kasi kailangan di maubusan ng gasolina sa pagpapagal. ang himaymay ng akong pag-daralita ay masasabi kong luto na nang panahon. ngiti lang kasi kailangan ko pa ring gumising sa katotohanan na ito ang nangyayari.

wag kang matakot

ang hirap talaga kapag nauunahan ka ng selos, ng inggit at pag-nanasa...
yup. ang mga ito ay mahirap pag-daanan ngunit kailangang pag-labanan.
di ko alam, pero mas maganda siguro na nararanasan ng mga tao ito para makita ang dapat makita...

pagod na akong malungkot, kaya kailangan lang ngumiti lang ng ngumiti...
kailangan ko lang alalahanin lagi itong lyrics ng kanta na ito...

wag kang matakot na matulog mag-isa
kasama mo naman ako
wag kang matakot na umibig at lumuha
kasama mo naman ako
wag kang matakot na magmukang tanga
kasama mo naman ako
wag kang matakot sa hindi mo pa makita
kasama mo naman ako


ito yung binibigay sa akin ni God na salit para di dapat akong matakot...

August 26, 2009

panaginip

nakakatawa, nanaginip ako kanina nang masama. umiiyak daw yung kapatid ko sa panaginip ko at sobrang alalang alala ako...

bigla akong bumalikwas ng bangon dahil sa sobrang takot ang naramdaman ko...tapos di na ako nakatulog. baliw talaga ako, di ba? ahahaha

August 22, 2009

...God chose me

i attended the eucharist today. yes. i did. i'm almost late but was able to make it on time. after few months without Eucharist, i can say that it is really worth it to attend one.

i was so amazed with father, he was an old man but you can see the youth behind his eyes. what also amazed me is one of the people who did an echo. her last words are “…God chose me.” somehow, some axons inside my body really did it’s job – to conduct electrical current away from neuron. i felt the same thing, too. despite my addiction, tactless words, endless murmurings and some inhuman activities (this is subjective to my beliefs), i'm still here walking with my community with hopes that someday i can call myself as a good follower of Christ. i am not good as others would think. i go to church every week to attend mass. i prepare for the celebration of the words. i do admonitions. but, i would say that i still love myself more than any thing else.

hhaayy (deep sigh) … when can i see myself fulfilled with the things that i do? i hope soon. i believe that because God chose me.

August 19, 2009

my valentine

don't get me wrong. i just love this song...

If there were no words
No way to speak
I would still hear you

If there were no tears
No way to feel inside
I'd still feel for you

And even if the sun refuse to shine
Even if romance ran out of rhyme
You would still have my heart
Until the end of time
You're all i need
My love, my valentine

All of my life
I have been waiting for
All you give to me
You've opened my eyes
And showed me how to love unselfishly

I've dreamed of this a thousand times before
In my dreams i couldnt love you more
I will give you my heart
Until the end of time
You're all i need
My love, my valentine

La da da
Da da da da

And even if the sun refuse to shine
Even if romance ran out of rhyme
You would still have my heart
Until the end of time
Cuz all i need
Is you, my valentine

You're all i need
My love, my valentine

August 16, 2009

new jersey

ito na yung huling araw namin sa new jersey. medyo nakakapagod ang mga nag-daang araw ngunit masaya naman. na-release ko si mantra di ko alam kung papaano pero ito na yun! tuloy tuloy na ito. yung mga saktong pang-yayari ay sasabihin ko sa mga susunod kong blog entries...

pero masaya. excited lang ako ngayon kasi makikita ko na sila daddy peng, mommy tonnette at si kuya mike (kasama yung family nya). halo halo yung nararamdaman ko pero napapangibabaw pa rin ang excitement.

definitely, babalik ako dito sa new jersey.

August 12, 2009

usapang lasing vol 2.03

OGAG: wazzup! wazzup!

TANGA: adik ka ba? anong sinasabi mo?

OGAG: sabi ko, what is up?

TANGA: aahh. ok naman...

OGAG: eh bakit may beer ka na naman?

TANGA: wala marami lang iniisip. kung ano ba ang nakatadhana para sa akin...

OGAG: drama na naman nga ito. sige, kwento ka.

TANGA: di ko kasi alam kung ano ba talaga tong nararamdaman ko...kung ano ba talaga yung gusto kong gawin.

OGAG: like?

TANGA: gusto kong maging pulis, gusto kong maging mayor, gusto kong maging abogado, gusto kong magkaroon ng asawa, ng maraming anak, ng isang mansyon...gusto ko kong maging superhero. gusto kong lumipad...

OGAG: alam mo di mo matutunan lahat ng yan sa isang buhay...ang ibig kong sabihin, kailangan mong mamili ng tama. kung ano ang dapat mong gawin. isip ka ng mabuti.

TANGA: di nga ako makapag-isip eh. gusto ko lahat yun...

OGAG: di pede kasing lahat yun. kailangan mo ng kausap. yung matino. wag ako...

* ang mga tauhan ay pawang halaw lamang sa aking makitid at di mapaliwanag na isipan...kung may masasaktan o matatamaan sa mga sinasabi ko, wala akong pakialam...

August 11, 2009

feeling ko...

parang mas mabuti ang kalagayan ko ngayon...bakit? hehehe...di ko pa pedeng sabihin. ang alam ko lang masaya ako.

di ko inaakala na mag-kakaganito pa ako. after few failures, pero handa na ba ako? paano ko makikilala kung sino? paano ko malalalaman kung paano? paano ko masusumpungan kung ano? di ko din alam eh.

ang labo ba? ako din nalalabuan. alam ko lang masaya ako kung ano ang meron ngayon...

feeling ko...this is it...

August 08, 2009

sulat ko kay God

sulat ko ito kay God...

dear God -

nakakapagod nang maging malungkot...sabi nga ni bea alonzo sa bago nyang movie. sabi ko naman, nag-sasawa na akong hindi mag-salita at tumingin na lang sa kawalan. di ko alam kung bakit ako ganito...

di ito simpleng homesick lang alam ko. kasi may nag-sasabi sa akin na wag kong gawin itong bagay na ito, wag akong tumawa, wag akong mag-saya, wag akong mag-joke. sabi ko nga may bagay na nag-sasabi sa akin na wag kong gawin itong mga bagay na ito...

kung ano man itong nag-pipigil sa akin na ito, alam mo naman yun di ba? alam ko labag yun sa utos mo, pero pasensya na aahh, yun pa rin yung nararamdaman ko. ayaw ko nang manuro kung sino may kasalanan kasi alam ko, nasa akin din naman yun. di ba?

naniniwala akong nag-babasa ka ng blog ko, araw gabi. sana naman mabasa mo ito, ang marinig mo yung pag-sasamo ko na tanggalin mo ang sarong na kinasasadlakan ko ngayon, ngunit siyempre depende pa rin sa iyong kagustuhan yan. ikaw pa rin ang masusunod. bigyan mo lang ako ng mga dahilan kasi alam mo naman na matanong ako.

yun lang. thank you!

August 07, 2009

ikaw na naman

hhaaayy...nagpaparamdam ka na naman. tama na. kung nung isang taon, pede ko pang pag-isipan, pero ngayon wag na lang.

wag mo nang itanong kung bakit. basta wag na lang. kahit malungkot yung kinasasadlakan ko, di mo naman magagawang maayos ang pakiramdam ko.

sige, di muna ako mag-sasalita ng tapos, pero sa tingin ko di talaga pede yung iniisip mo. hanggang dito na lang. wag ka nang mag-isip ng kung ano ano pa.

mag-iiwanan lang din naman tayo dahil sa natatangi nating pananaw. sige sige, halos pareho pero magkaibang magkaiba. tama na!

usapang lasing vol 2.02

OGAG: uuyy, mukhang ok ka ngayon aahh...

TANGA: sino kausap mo?

OGAG: ikaw. wala na namang ibang tao dito eh.

TANGA: ako? sana. sana ok na ako.

OGAG: bakit ba ang drama mo na naman ngayon?

TANGA: si tabil kasi eh. ginugulo na naman ako.

OGAG: oh, ano na naman ang sinabi sa iyo?

TANGA: wala. yun nga eh. wala siyang sinasabi sa akin pero affected pa rin ako.

OGAG: hhaaayyy! ano bang problema? sala ka sa init, sala ka sa lamig...

TANGA: wala nga sinabi! sandali nga bibili ako ng beer.

* ang mga tauhan ay pawang halaw lamang sa aking makitid at di mapaliwanag na isipan...kung may masasaktan o matatamaan sa mga sinasabi ko, wala akong pakialam...

pag-ibig

may mag-ama na naiwan sa bahay nila. ang ilaw ng tahanan ay wala at may pinuntahang ibang lugar. kung saan pupunta ang ama, sinasama nya ang anak nya. ang anak ay naguguluhan kung bakit siya kailangang isama sa tuwing aalis ama. tanong...mahal ba ng ama ang anak nya dahil ayaw nya itong masadlak sa tukso at mauwi sa panonood ng pornograpiya? wala bang tiwala ang ama sa kanyang anak?

isang babae na malayo sa kanyang kasintahan. malapit siya sa isang lalake. ang lalaking ito ay masasabi kong sawi sa pag-ibig. tanong...hinahanap hanap lang ba ng babae yung kanyang kasintahan kaya napapalapit siya sa lalaki? naghahanap lang ba ng kapupunang pag-ibig ang lalaki sa piling nang babae? nag-gagamitan lang ba sila?


may isang babae na lubos na umibig. naging buhay nya ang kanyang kasintahan sa mahigit na isang taon. ngunit nauwi lang ito sa wala. pinilit nyang ipaglaban ang kanilang pag-mamahalan ngunit wala ring nangyari. tanong...mag-lalakas loob pa kaya siyang sumugal sa laro ng pag-ibig? paano kaya siya babangon?

may isang binata na kinulong sa pananaw ng mundo. di siya nag-karoon ng lakas upang lumaban at ipag-tanggol ang kanyang sarili. naniwala siya sa mga haka haka at bulong bulungan. ang kay palam nyang buhay ay nadagdagan pa ng pag-takbo ng kanyang kay lupit na kapalaran. tanong...kailan siya makakalaya sa kabaluntinaang ito? paano siya makakabangon sa putikan na kanyang kinaroroonan?

isang lalaki na takot mahusgahan ng mundo. pilit na tinatago ang kanyang relasyon sa kapwa nya lalaki. pilit na nag-papanggap na maging lalaki. tanong...kailan sya mag-laladlad sa mundo? kailan siya magiging taas noo at pag-mamalaki na bakla siya?

...ibat ibang mukha ng pag-ibig sa kapwa.
...pag-ibig na tila di maarok nitong isipan at diwa.
...pero pag-ibig nga bang maitatawag itong nararamdaman?
...o bugso lang ng damdamin na dala ay kapahamakan?

August 06, 2009

Because I could not stop for Death

once in my life, i was super addicted with emily dickinson's literary works. below is my favorite >>

Because I could not stop for Death,
He kindly stopped for me;
The carriage held but just ourselves
And Immortality.


We slowly drove, he knew no haste,

And I had put away
My labor, and my leisure too,
For his civility.


We passed the school where children played
At wrestling in a ring;
We passed the fields of gazing grain,
We passed the setting sun.


We paused before a house that seemed
A swelling of the ground;
The roof was scarcely visible,
The cornice but a mound.

Since then ’t is centuries; but each
Feels shorter than the day
I first surmised the horses’ heads
Were toward eternity.

from http://www.bartleby.com

ang araw ko...

isang napaka-mahabang araw. ang daming ginawa. pero oks na yun kaysa wala.

nanuod kami ng play. spring awakening . maganda yung play! naka-relate ako ng konti kay mortiz. hindi yung part na traumatized by puberty pero yung isang side nya. yung tipong, may kailangan siyang patunayan lagi sa mga tao na kailangan ganito siya pero di naman siya ganun. hanggang sa di na nya kaya...

maganda rin yung role ni melchior. matapang siya pero ayun, minsan wala talagang pag-dadalhan yung tapang lalo na kung ang mundo mong ginagalawan ay sanay sa mga walang kwentang panuntunan. alala ko nung medyo bata pa ako! hahaha! wala akong pakialam kung aawayin ko yung teacher ko, basta eto yung gusto ko. parang isang malaking SH^T ung mundo pero wala naman akong magagawa di ba?

all in all, maganda talaga yung spring awakening. na-awaken ako. hehehe.

August 05, 2009

a thought about loneliness

' "Perhaps solitude has made his madness worse, " Brida thought, and again she felt the first stirrings of panic. She may have been young, but she knew the harm that loneliness could do to people, especially as they got older. She had met people who had lost the glow of their being alive because they could no longer fight against loneliness and had ended up becoming addicted to it. They were, for the most part, people who believed the world to be an undignified, inglorious place and who spent their evenings and nights talking on and on about the mistakes others had made. They were people whom solitude had made into the judges of the world, whose verdicts were scattered to the four winds for whoever cared to listen.'

these were the exact words written in the book Brida by Paulo Coelho. when i read these words, i came to realize something and in somehow understand myself and others. its really hard to become lonely for it can definitely kill somebody.

kahapon sa piling nila...

Mukhang dumami yung hits ko kahapon aahh! Dahil ba sa parang “drama mode” ako ngayon? Hahaha! Anyways, salamat sa mga nag-babasa.

Pero to clear things up, di ako “drama mode”. Yung mga previous entries ko ay dahil lamang sa makitid kong pag-iisip – nothing else. Dito lang sa blog entries ko nailalabas yung second personality ko. Hahaha! Sa tingin ko nga kasi may MPD (Multiple Personality Disorder) ako! Hahaha!


Kahapon yung isa sa pinaka-masayang araw ko sa piling ng community ko dito sa St. Gertrude. Ang saya! Kahit, di ako masyadong nag-salita pero ang saya pa rin. Unti unti ay ang dami kong natutunan sa kanila. Hindi naman sa wala akong natutunan sa community ko sa Pinas, pero dito natutunan ko lahat yun nang di ako kailangang mag-salita. Miss na miss ko na yung community ko sa Pinas. Masaya DIN pala yun. Don’t get me wrong. Nag-sasalita naman ako. In fact, kahapon yung first word namin na kami yung in-charge. Ako yung nag-general admonition. Kasama ko sa group si Carolina, Fernando at Marisa. Kahit talaga sanay na sanay na ako sa pag-bibigay ng admonitions, may oras pa rin na ma-mental block ka at yun yung nangyari sa AKIN. MENTAL BLOCK. Kahapon din ay penitential celebration namin. At last, nakapag-kumpisal na ulit ako. Medyo kakaiba yung sinabi sa akin ni Father. Hehehe. Pero masaya kasi tama naman siya. Mahirap nga daw pero kailangan gawin. Hahaha! Kung di ko gagawin yung tama, ako naman yung talo sa dulo. At syempre, kapag may confession, may kainan! Gutom na gutom na ako pero kailangang tiisin. Tuwang tuwa sila sa dinala kong Cinnabon (cinnamon rolls). Natuwa ako dahil Cinnabon Guy daw ako! Mababaw man pero masaya lang kasi naramdaman ko na parang at home ako for the first time - after ilang araw ng solitude. Yung lahat nandun, di lang sina Jose, Adrianna, Moses, Angel at Sophie.

Ito na yung kinatatakutan ko. I am falling in love with my community. Baka mapa-iyak ako ng husto kapag umalis na ako. Pero sabi nya ni Ana, kailangan, just cherish every moments. Habang nandito ako kailangan kong maging masaya - kahit maraming problema. Smile pa rin kasi dapat masaya ka. It’s not pleasing other people but pleasing yourself.

I hope I can bid goodbye to my hormonal imbalance! Hahaha!

August 04, 2009

cory

makiki-uso lang...hehehe

kahit di ko talaga siya gusto nun, minulat ng mama ko at ng papa ko na lolo ko daw si marcos, pero i learned to love her.

she seems to be very peaceful. ang galing nya. dami kong nakukuhang points to ponder sa kanya.
kung nasa pinas lang ako ngayon, di ko papalampasin na makarating sa burol nya. kakalungkot pero kailangan talaga maging matatag. fight for democracy!

August 03, 2009

usapang lasing vol 2.01

OGAG: oh, ano na naman yang drama mo sa buhay?

TANGA: wala. masama bang uminom ng beer?

OGAG: di naman. alam ko lang kasi kaya ka lang umiinom ng beer para makatulog agad at panandaliang mawala sa isip mo yung problema.

TANGA: ganun nga.

OGAG: so nag-da-drama ka nga?

TANGA: di nga drama eh. suspense horror plus may kasamang konting action.

OGAG: horror? suspense? action? ano na naman yun? kwento mo nga para maliwagan ko...

TANGA: action kasi may mga pangit na kontrabida. suspense kasi pabigla bigla na lang darating, parang out of no where bigla na lang na lalabas. horror kasi nakikita ko mukha ko...

OGAG: comedy ka naman eh. nag-papatawa ka ba or serious?

TANGA: di mo naman talaga ako sineseryoso nun pa. kapag emo mode ako bale wala sa iyo.

OGAG: kasi naman bakit mo iniisip yung mga yun? ang tindi talaga ng inferiority complex mo ahh! adik ka ba? akala ko lasenggero ka lang? sino naman nag-sabi na pang-horror yung mukha mo?

TANGA: p&*ang i&a naman oh. kinakalimutan ko na nga, pinapaalala mo pa! alam mo naman si tabil.

OGAG: tanga ka talaga. bagay yung pangalan mo sa iyo. pinapaniwalaan mo yun. di yun worth it na paniwalaan. wala naman kwentang tao yun eh.

TANGA: wow! nice word..."worth it". alam ko naman na masamang isipin ko yun, pero walang pakialaman. yun yung nararamdaman ko eh. anong magagawa mo? inuman na lang tayo!

* ang mga tauhan ay pawang halaw lamang sa aking makitid at di mapaliwanag na isipan...kung may masasaktan o matatamaan sa mga sinasabi ko, wala akong pakialam...

August 01, 2009

sana...alam ko...

kanina, habang nanunuod kami ng isang movie, may kausap akong isang tao. isang tao na alam kong nag-dala sa akin kung ano man yung alam ko ngayon. ang laki ng utang na loob ko sa kanya. at kanina, pina-alalahanan nya ako ng mga bagay na dapat kong gawin...naalala ko na naman yung tanong ko nung isang araw, paano mo ma-le-let go ang isang bagay na di naman pala sa iyo? grabe, ang hirap. akala ng mga kakilala ko madali lang, pero depende siguro talaga sa sitwasyon. at masasabi ko na mahirap yung sitwasyon ko...

alam ko kaya ko ito...kaya ko ito...sana lang di ganun kahirap...alam ko nandiyan si God para tumulong sa kin...kaya ko ito...

July 31, 2009

trying to win over the game...

it is few minutes before the july ends. july has been a bad month for me. a lot of trials, tribulations and difficulties but i guess survival is the name of the game. i don't want to wake up tomorrow feeling so helpless. i just wanted to see myself again. no more barriers, no more hits, no more walls, no more closed doors. i wanted to be the same edward alejo few months ago. a man eager to know new things and excited to do a lot of things.

goodbye july. i am trying to win over the game so-called life. goodbye and wish me the best.

July 28, 2009

five reasons kung bakit ako malungkot

malungkot ako. oo. at nasa baba yung mga dahilan >>

a. …dahil sa mga naririnig kong nangyayari sa pinas. di ko alam kung yun talaga yung gusto ni God pero ganun talaga. mahirap ang buhay pero kailangan lumaban. saka isa pa, di ko din naman alam kung ganun pa rin ang mangyayari kung nasa pinas ako. waahh! nakakalungkot.

b. …dahil sa di ko na-aachieve yung mga bagay na gusto ko. siguro, para mailagay ko sa mas magandang konteksto, di ko alam kung ano ang gusto ko ngayon i-achieve financially. sa lahat ng ayaw kong problema ay problema sa pera.

c. …dahil maraming nakakapag-pabagabag sa aking pag-katao. minsan nauuwi na lang ako sa isang sitwasyon na tinatanong ko sa sarili ko kung tama ba ang sinasabi ng mga tao sa akin? tama ba na ganun ako?

d. …dahil sa di ko makuha yung tamang timpla ng toyo ko. oo. toyo. tama yung sinasabi kong hormonal imbalance kasi may pagkakataon na ganun talaga ako. wala ako sa mood at mas nalulungkot ako dahil sa di ko ma-kontrol yung mood swings ko.

e. …dahil hanggang ngayon di ko alam kung ano yung plano para sa akin. kung hanggang dito na lang ba ako o kailangan ko nang sundin yung isipan ko. alam kong nag-huhumiyaw yung puso ko na di ito yung para sa akin pero wala pa rin. give me signs, God!

nakakapagod nang maging malungkot kasi ilang araw na rin na ganito ang nararamdaman ko pero anong magagawa ko kung ganito talaga yung nararamdaman ko. di ko naman siguro kailangan mag-paka-plastic para lang i-please yung ibang tao di ba?

a happy thought out of gloomy days

naka-1001 hits na ako! yahoo!



ang galing. salamat sa mga nagbabasa ng blogs ko...

July 26, 2009

usapang lasing - vol. 1.02

isa na namang pag-uusap ni tanga at ni ogag...

OGAG: ano pare ok ka na?

TANGA: ok naman talaga ako eh. di ko na lang papansinin si tabil...

OGAG: tama yan, wag mo na lang siyang pansinin...pero naiisip mo ba na baka naman biro nya lang sa iyo yun?

TANGA: siguro nga biro nya lang na pangit ako...siguro nga biro lang yun...

OGAG: ayun naman pala eh...kaya wag mo na lang papansinin si tabil...

TANGA: oo kaya nga mukha na naman akong tanga kanina eh...

OGAG: bakit?

TANGA: di ko siya pinansin tapos ayun...kung ano ano na naman ang sinabi sa akin...

OGAG: tanga ka talaga. ano sabi mo?

TANGA: wala...

* ang mga tauhan ay pawang halaw lamang sa aking makitid at di mapaliwanag na isipan...kung may masasaktan o matatamaan sa mga sinasabi ko, wala akong pakialam...

July 25, 2009

usapang lasing - vol. 1.01

di ko naman kasalanan kung ganun ako. so anong magagawa ko? kawalan ko na ba yun bilang isang tao? tingnan mo ang isang nakatutuwang usapan ng dalawang tanga >>

OGAG: minsan may mga tao talagang ibababa yung nararamdaman mo dahil di nila makita na tama ang ginagawa mo. ikaw naman si tanga pinaniniwalaan mo yung sinasabi nya. kahit naman alam mong bunga lang yung nang matabil ang dila ni tabil.

TANGA: eh, anong magagawa ko? tanga talaga ako. kaya nga tanga yung pangalan ko eh. pede bang palakasin mo na lang loob ko? kaysa pag-duhan mo pa yung mga ginagawa ko?

OGAG: paano ko nga gagawin yun? eh kahit ano naman sabihin ko sa iyo eh di naman papasok sa makitid mong kokote yung mga sasabihin ko?

TANGA: buti alam mo. ah basta! ang alam ko lang down na down ako ngayon dahil sa pakiramdam ko, di ako tao. isa akong hayup na hindi nilikha ninuman.

OGAG: tingnan mo yung katigasan ng ulo mo! isang tao lang ang nakasakit sa iyo tapos ganyan na nararamdaman mo. parang galit at wala ka nang pakialam sa mundo.

TANGA: galit, definitely hindi. kasi alam ko naman na may pinag-huhugutan si tabil nung sinabi nya na pangit ako. alam ko naman yun eh.

OGAG: hindi ka pangit. ok. ok. ok. di ka lang masyadong gwapo. pero di ka pangit.

TANGA: tingnan mo na! pati ikaw. di ko naman sinasabi na gwapo ako eh. pero kapag sinasabi ni tabil yung mga salita na yun, feeling ko wala na. ako na ang pinaka-pangit na tao sa mundo.

OGAG: di ka lang pala tanga eh. ogag ka pa! sabi ko sa iyo, isang tao lang yun di ba? bakit mo papakinggan yun?

TANGA: di mo nararamdaman ang nararamdaman ko. mababa na self esteem ko. kaya pede bang wag ka na lang maki-alam.

OGAG: eh para saan pa pala ang usapan na ito! hayup ka pala eh. inuman na nga lang tayo at saka ilabas mo pa yung nararamdaman mo.

* ang mga tauhan ay pawang halaw lamang sa aking makitid at di mapaliwanag na isipan...kung may masasaktan o matatamaan sa mga sinasabi ko, wala akong pakialam...

July 22, 2009

nanliligaw, naliligaw

most of the times, i really can't help my self but to fall in love with opm love songs. i super like this song...>>

nanliligaw, naliligaw
lloyd umali and ima castro

madalas kitang makitang may kasama
magkahawak ang mga kamay
bumigat ang puso ko
laging nangangarap, na ako’ng kapiling mo

dapat nga kayang sa iyo ako’y humanga
kahit na ako’y mayroon nang iba
pigilan man ang puso ko
tuwid man ang tingin lumilingon ang isip ko

ang puso ko ay nanliligaw
ang puso ko ay naliligaw
bakit kay tagal nang hinihintay
at ngayon ka lang nakita
at di na ako manliligaw
at di na ako maliligaw
kung sasabihin mong ikaw at ako ang magkapalad

kung sakaling mang magulo itong damdamin
naghahabol sa iyong nagdaan
nauna nang pagsuyo niya’y lihis sa ‘yong landas
pagkat tayo ang tadhana

pag nilalaro mo ang aking isipan
halik at yakap mo ang nararamdaman
akala ko’y nabihag niya
ang puso kong itong sa ‘yo’y malayang nagpasya

ang puso ko ay nanliligaw
ang puso ko ay naliligaw
bakit kay tagal nang hinihintay
at ngayon ka lang nakita
at di na ako manliligaw
at di na ako maliligaw
kung sasabihin mong ikaw at ako ang magkapalad

di ko kayang masaktan ang damdamin
siya’y nagmamahal ng tunay sa akin
paano na ang aking pusong
ikaw lamang ang tanging buhay


ang puso ko ay nanliligawang puso ko ay naliligawsana nga’y maging ikaw at akoat wala ng hahanapinang puso kong nanliligawang puso kong naliligaw

July 21, 2009

my first…

i had a lot of my first moments this past two weeks.…

my first…

a. catechesis in english – i was so nervous but i think i did it. it is not what i expect it to be but i think i well.
b. visit in the lincoln park zoo – i enjoyed my visit. its all i can say. see my pictures in my facebook.
c. domestic celebration – i had it with ana and alex. i was so nervous at first but it went well.
d. team building with the whole project – i enjoyed it. super!

these are just few…i still had a couple but i'd rather keep it. hehehe! july so far is awesome! i hope the next few days will be great, too.

July 18, 2009

movie day...

ang galing, isa itong napakalaking movie day for me...

nanuod kami ng harry potter. maganda yung movie, pero sa tingin ko medyo bitin. pero sabi nya nila jay, kaya daw bitin yung kasi may kasunod pang part yung movie.

next stop, ice age three...i so adore the three dinos. ang galing at ang cute nila...

at huli, twilight! grabe, second time ko pa lang napapanuod ito pero i'm super hooked with it. maganda yung mga linya nilang lahat. pati plot ng istorya maganda din...

July 17, 2009

tapos na sa wakas

tapos na!? sinabi kong tapos na kasi wala na sa sistema ko ang pinaka-bago kong drama. pero syempre di pa rin maiiwasan ang pang-hihinayang. kaso lang wala naman akong magagawa eh. di ba?

just accept the fact that most of the time you cannot have them all. may ibang tao na may masamang ugali, may iba naman na mabuti. may ibang palabiro at may ibang di nag-sasalita. kung ano man ako dun. or kung ano man sila dun. bahala na. basta ako, tapos na yung drama ko. kung ano man ang ipagkaloob sa akin kailangan ko lang siyang tanggapin at bukas palad na akuin ang responsibilidad na iniaatang sa akin...

July 15, 2009

ito na naman...

ito na naman yung pakiramdam na ito...

dapat masaya ako, dahil sa mga rason sa baba >>

a. masama mang sabihin pero natuwa ako dahil sa pagkakamali ng iba. ang sama ko ano? pero magandang maranasan naman nila yung batas ng isang taong inaalipin...
b. nakatanggap ako ng isang mensahe sa isang tao. di ko inaasahan na ganun yung mensahe nya. natuwa ako. simple pero may kurot sa puso. ayaw ko nang mag-kwento para di ito maging "connect the dots" na tila pinag-durugtong-dugtong ko ang mga kwento, haka-haka, nararamdaman at opinyon. alam ko namang wala. so sana makuntento na ako dun...

pero sa kabila ng mga bagay na dapat kong ika-siya, namumutawi pa rin sa mga labi ko ang lungkot at pag-hihinagpis. pati ang kunot kong noo at mata kong tila napapalibutan ng isang maitim na ulap dahil sa "eye bag". nandito na naman yung sinasabi ko pagkakataon kung saan tinatanong ko ang sarili ko ng "kung sana".

kung sana nasa pilipinas ako, di na ako nagkakaganito. ang "kung sana" ay parating nauuwi sa "akala ko". akala ko magiging masaya ako. at nauuwi ito sa "pero". pero akala ko lang pala yun.

kung sana nasa pilipinas ako, di na ako kailangang gumawa ng isang mahirap na desisyon. akala ko binibigay sa akin ng pag-kakataon. pero di pala...

mahirap ipaliwanag sa iyo. ikaw nga. nag-babasa ng blog entry na ito. kung gaano ako kalungkot ngayon. kung paanong tumutulo ang luha sa aking kaliwang mata na pag-katapos ng ilang saglit ay sa kanan naman. maya-maya pa ay pag-singhot naman ng uhog para di ito tumulo. pag-kalipas naman ng dalawang minuto ay tatawa ako at hahalakhak ng malakas para mapawi ang lungkot. hhaaayyy...ang hirap ngunit ganun talaga. ang buhay ng isang taong nais lumigaya na may sariling plano.

alam ko na nababasa ni God yung puso ko dahil sa labis na pag-darahop. pero nababasa Nya kaya itong blog entry ko na ito? hehe. ayan na naman ako. nag-tatanong kung hanggang saan ang kakayahan Nya. sana mawala na itong nararamdaman kong ito. pero ang kalooban sana ng Nya ang masunod.

July 14, 2009

july 15...

this is totally is it.

ito na yung unang pagkakataon ka para mag-bigay ng katekesis...nakapag-bigay na ako dati kaso lang iba talaga ito dahil nasa wikang ingles ito.

wwaaahhh!!! ninenerbyos ako lalo na nung sinabi ni jose na alam na nila marla at ni ana yung sasabihin ko. baka may mali akong masabi o baka ma-mental block ako.

pero ginagawa ko ito dahil sa alam ko para sa ikabubuti ko...

go! aja!

July 10, 2009

ner bus

saan kaya ang ruta nito? hehehe.

yan yung nararamdaman ko ngayon. alam ko kasi ang kahinaan ko. hehehe. siguro sobrang yabang ko pa dahil masyado akong proud sa sarili ko.

sana mawala na itong nararamdaman kong ito. kasi ayaw talaga ng pakiramdam. may isang beses na hindi ako makatulog. tyak yun! dahil sa ner bus ko.

bakit kasi di ko pa masabi, di ba? ang mga dapat kong sabihin? akala ko sobrang tapang ko na kaya kong sabihin. pero di ko pa rin masabi ang mga bagay na gusto kong sabihin pero di ko masabi.

sana lang, magkaroon ako ng lakas ng loob. kasi nahihirapan na ako.

July 09, 2009

my only u

nagising ako ng 4.40 am kanina. guess what? di na ako nakatulog after nun. naglaro ako ng pokemon pero walang effect. di pa rin ako dinapuan ng antok. kaya ginawa ko nag-start akong mag-work. hahaha! addict. 6 pa lang nag-wowork na! i tried browsing my old multiply account at out of no where nakita ko ito...


Kasama kang Tumanda

Itong awiting ito
Ay alay sayo
Sintunado man to
Mga pangako ko sayo
Ang gusto ko lamang
Makasama kang tumanda

Patatawanin kita
Pag hindi ka masaya
Bubuhatin kita
Pag nirayuma ka na
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda

Ibibili ng balot
Pag mahina na tuhod
Ikukuha ng gamot
Pag sumakit ang likod
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda

Chorus:

Sasamahan kahit kailanman
Mahigit kumulang di mabilang
Tatlumpung araw sa isang buwan
Umabot man tayo sa three thousand one

Loves na love parin kita
Kahit bungi bungi ka na
Para akin ikaw parin
Ang pinaka poging papa
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda

At nangangako sayo
Pag sinagot mong oo
Iaalay sayo buong puso ko
Sumangayon ka lamang
Kasama kang tumanda



ito yung kinanta ni toni gonzaga to vhong navarro sa movie na my only u. well, naalala ko lang naman. gusto ko kasi yung movie.





source: http://getitfromboy.net/tonigonzaga-vhongnavarro-myonly

July 08, 2009

distilled water is harmful to your health?

sorry kung mag-papaka-technical ako ngayon...

kanina, nagbabasa ako ng blogs. na-encounter ko ang isang siute na nag-sasabing harmful daw yung distilled water sa health natin. as in sobra akong naging curious dahil di ko alam yung pinag-sasabi nya. ang alam ko, distilled water is safe to drink. nakakainis lang dahil masyadong one sided ang blog nya. well, it is her own opinion not mine. this is mine...

walang evidence na harmful ang distilled water sa katawan natin. unang una, paano naman magiging harmful yung distilled water eh tubig lang talaga yun na tinanggalan ng ions. sige nga? sagutin nyo yung tanong ko. tapos, ang distilled water DAW (sabi ng babaeng blogger na ito) ay harmful dahil nag-aabsorb DAW ito ng carbon dioxide which makes it acidic in nature. sa akin lang, hello? alam ba niya na in general, kapag kumuha ka ng water sa ref, acidic din ito in nature? hello ulit? alam din ba nya na kahit basic yung tubig - pH greater than 7 - ay pede pa ring mag-exist ang carbon dioxide sa tubig? carbon dioxide when dissolved in water yields carbonic acid which is a WEAK ACID.

di naman obvious na inis ako di ba? sana lang sa mga bloggers na tulad ko ay maging responsible tayo sa mga sinasabi natin lalo pa at maraming nakakabasa nito...

sa kabilang banda, tama naman yung sinabi nya tungkol sa vitamin water. wala naman talagang vitamins ang tubig kung pinag-halong distilled water at crystalline fructose lang ang halo nito. magaling siya kasi alam nya yung sinasabi nya kaso lang the way we present the data.

references >> http://www.cyber-nook.com/water/distilledwater.htm and http://www.aquapurefilters.com/contaminates/116/carbon-dioxide.html.

July 05, 2009

masaya lang ako...

happyness is always a choice. (irritated ka ba sa spelling ko ng happyness? - well, live with it!) . tulad ngayon, natutuwa ako kahit di kami masyadong nag-enjoy sa taste of chicago kasi medyo late na nung nagpunta kami, pero masaya pa rin ako.

di ko alam. siguro dahil sa nag-sasalita na si jay (lol) at dahil sa nakikita kong mukhang ok na rin si john. nakakahawa talaga yata ang pagiging senti ng mga kasama ko. lol .

pero, bakit nga ba ako masaya? di ko din alam. ang alam ko lang, masaya ako and i should cherish every moment na masaya ako dahil kapag na-homesick na naman ako lagot lagot na. by the way, what makes me happy?
  • a cup of ice cream.
  • a good run along the lake shore.
  • an awesome laugh with my friends.
  • playing pokemon.
  • heard that roger fed won wimbledon.

ilan lang yan sa mga nag-papasaya sa akin. lastly, marahil wala pa sa radar ko ang feeling of belonging with someone else. after a failure, here i am again so eager to know what God offers me. wish ko lang malapit na.

July 03, 2009

ika anim na buwan...

ito na yung ika-anim na buwan ko sa chicago. ang daming nangyayari sa buhay ko dito. alam kong madami pa ring magaganap...

sa dami ng mga bagay bagay, di ko ma-explain lahat! hahaha! ang alam ko lang ngayon, masaya ako dahil marami akong natutunan. sana lang, wag akong mag-sawa. hahaha! anim na buwan na lang ulit ang bubunuin ko at babalik na ako sa pinas! ang galing, parang kailan lang...

quotes from my favorite author...Bob Ong

..."Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa." - Bob Ong

- maganda ito...ahahaha! tawa ako ng tawa dito sa quote na ito...

..."Ang pag-ibig parang imburnal, nakakatakot mahulog, at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka."- Bob Ong

- totoo nga, nakakatakot. hahahaha! ayaw kong bumaho ng ganun na lang...

..."Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?" - Bob Ong

- hindi din ako nakatulog...hahahahaha!

June 29, 2009

...$%&()...

walang ibig sabihin yung titulo ko. wala lang akong maisip na akmang titulo ng blog na ito.

sa kasalukuyan, nandito ako sa sala. nanunuod ng the tonight show with conan o'brien. umaasa na makatisod ng mga salitang makakapag-patawa sa kin sa mga oras na ito. akala ko masaya ako. masaya kasi wala na akong nararamdamang sakit - ngunit hindi pa pala. magaling lang akong mag-tago. magaling lang akong tumakbo sa mga problema. mahusay lang akong mag-kubli ng luha.

minsan natanong ko sa sarili ko, bakit ako tumatakbo? para maiwanan ko ba yung problema ko? para ba kahit sa konting panahon ay mawaglit sa aking isipan na di ako masaya? alam ko lang para sa akin ito. para sa sarili ko kaya akong tumatakbo. gusto kong pumayat - mas pumayat. subalit, nagsisinungaling ako kung di ko sasabihin na parte nga ng pag-takbo ko ay ang makalimot ng problema - kung mababasa ito ni jay at ni john ito sasabihin na naman nila na nagtatago ako sa problema. =) . pero sana maunawaan nila na sanay akong ako lang yung nag-lulutas ng problema ko. kasi alam ko kaya ko ito...

nilipat ko ang channel ng tv. oprah na ito ang pinapanuod ko. tungkol kay ted haggard. nakakatuwa lang isipan kung paano siya minahal ng asawa nya. buong pusong pagmamahal. sa kabila ng ginawa ng asawa nya. pagmamahal na di lang iniisip ang sarili bagkus iniisip kung ano at para pag-mamahal. isa akong gago. isa akong sira ulo. pero marunong din akong mag-mahal.

ang problema ko ay di lang tungkol sa pagmamahal kundi pagtanggap sa nakaraan. kailan ko ba mapapatawad ang sarili ko? di ko pa alam. alam ko lang ngayon, nailabas ko yung nasa puso ko ngayon. mas maluwag na siya. kailangan ko lang siguro konti iyak.

puno ako ng pag-asa na binibigay sa akin ng Panginoon para mas maging malakas lang ako. sana mawala na ito sa mga susunod na araw, pero kung gusto ng Panginoon na yun yung matutupad...

June 28, 2009

chicago's taste

well, well, well...nung una ayaw ko talaga dito dahil sa weather - masyadong malamig. pero ang summer is sssuuupppeeerrr fun! grabe. kanina, we went again to taste chicago - taste of chicago. maraming pakulo! syempre di maiiwasan ang sayawan...

ang saya! we had a good time with the people and the band as well...next stop namin, sumali sa rock band competition! abangan natin next week!

June 27, 2009

takbo

wala na akong maisip na title...malimit talaga akong tumakbo ngayon. this, week walang araw akong di tumakbo. tama! takbo ako ng takbo. gusto ko kasing mas maging mapayat.

dati, nung medyo malamig pa. sa treadmill lang ako lagi. pero ngayon, mas maganda na ang panahon, sa labas na ako tumatakbo. ang laki ng kaibahan. sobra! siguro dahil sa labas mas marami kang nakikitang tao unlike sa gym treadmill lang ang nakikita mo. gusto ko din yung tanawin sa labas, ang ganda! maraming mga gusali na matatayog, maraming mga yate, iba't ibang uri ng aso.

sa mga susunod na araw, maaari ko nang ibahagi sa inyo yung mga bagay na natutunan ko sa pag-takbo...

June 23, 2009

takbo ko kanina

kanina, tumakbo na naman ako. ang kakaiba nga lang ngayon, may bitbit akong bag kasi gusto ko kumuha ng mga larawan. kakatuwa kasi ang dami talagang magagandang tanawin dito sa chicago. marami ring mga tao na iba't iba ang lahi. parang di ka talaga maliligaw kasi alam mo na maraming maliligaw kung ikaw ay naliligaw. natutuwa lang ako kasi ang daming taong nagkalat sa kalsada...

sabi ng kasamahan ko sa trabaho, kaya daw ako tumatakbo ay dahil sa may problema daw ako. sa tingin, hindi. tumatakbo ako kasi para na sa akin ito. noong una, kailangan kong tanggapin na tama siya. pero ngayon, hindi na. natutunan kong mahalin yung bagay na nag-lalayo sa akin sa katotohanan...


June 21, 2009

araw ng mga ama

pinag-diriwang sa buong mundo ang araw ng mga ama. ito ay unang ipinagdiwang noong ika-19 ng hunyo, 1910 sa washington. si lyndon johnson ang presidente ng estados unidos na pumirma para ratipikahan ang isang proklamasyon na nag-sasabing ang ikatlong linggo ng hunyo ay maging araw ng mga ama.

wala lang, gusto ko lang maging magaling. lol . pero wala lang talaga. naaalala ko lang siguro yung tatay ko. pero sa dulo, ganun talaga. una una lang yun. kung nasaan man ang tatay ko ngayon, maligayang araw ng mga ama!

salamat!

June 13, 2009

pilgrimage v.05

Wow! Meeting Kiko really thrilled me! We left Connecticut early because we need to be in Washington before 2.30 in the afternoon. The day went well. =) . We passed several other states. It was fun to know a part of US history. They mentioned about a brief history of Delaware and Maryland. Don’t ask me about it – I already forgot what they said.

We arrived at D.C. on time. It was fun to see other pilgrims walking towards the stadium with their banner and flag in which state they represent. The feeling was really awesome because I remembered how we did it in Ilo-ilo last 2007. Do you have any idea of what I was doing at that time? Of course, I was secluding myself and just looking around. Though, I was with Gerardo but he has other friends, too. So, I just wondered around the place. Two days without taking a bath was big deal for me. This means that I just wanted to get out of other’s path. LOL!


There were a lot of people in the stadium – as in a lot! The best way to control the crowd is to let someone sing a song in front so that others would follow – as in! The biggest delegates were from California and New Jersey. We were all thrilled when Kiko went up the stage. I was hoping that he will be speaking in English but I guess I failed. I decided to give my mp3 player a try if it will work with the translation but I forgot it in my bag. The bus driver was nowhere to be found - so good bye! Too bad, I could not understand most of Kiko’s words. However, there were these words in which I was truly struck. It seemed that God paved a way so that I could understand what Kiko is telling me. He was telling me to “convert”. Yes to convert! I did not know where it came from but it appeared that I translated the words correctly. Oh my! It is really me. When the gathering was over, we all played music outside. Sorry, they played the music and I danced with others.



Virginia was our next destination – believe me or not but I really do not have an idea that we were in Virginia that night. We went into this place where they gave us food (pizza and some drinks) until I saw a building permit document posted in the wall saying that we are in Fairfax, Virginia. We spent a few hours there before we went to St. Timothy Church in Chantilly, Virginia. It was just 11 pm at that time so we practically have longer of sleep this time. =) .

June 12, 2009

pilgrimage v.04

I experienced one of the best Eucharistic celebrations in Bridgeport, Connecticut. I forgot the name of the priest who presided the celebration but it was the best. It is because the songs are very lively and it totally uplifted my spirit. I was totally ecstatic when they sung Shema (I really do not know if this is the complete title of song) but it goes something like “Shema, Israel. Listen, Israel”. I can feel my heart is being beaten. It feels like God is knocking on the door of my heart asking if He could enter. Oh my! Its really me. You know, totally melodramatic.

Anyways, one of the highlights of the said event is the baptismal of two babies. Yes! They baptized two babies that night. Everyone is so excited whenever we do this. Flashes coming from cameras are all over – of course I am one of them.


We had an agape after the celebration. Afterwards, Gerardo and I picked up our things and prepared to sleep. We slept inside the church. I can really feel that we are really pilgrims because we do not have a permanent place to sleep.

By the way, the church is very unique for me because it is full of paintings from the Way. As in, I was super amazed because I do not have even a bit of an idea that such church exists.





We slept at around 2 AM but we need to be awake at 6 and get ready to meet Kiko. =) .

June 09, 2009

di ko alam

Nandito ako ngayon sa train papunta sa Franklin Park. Malamig ang panahon, parang hindi Summer. Nanunuot ang lamig sa aking kalamnan dahil sa manipis ang dala kong pang-ginaw. Malakas din ang hangin na hinahambalos ang matatayog na gusali dito sa Chicago. Maraming tao ang naglalakad sa kalye na tila di alintana ang mala-yelong paligid. Puno din ang kalsada ng mga ma-iingay na sasakyan. Lahat ay gusto na mauna sila para makarating ng maaga kani-kanilang patutunguhan. May mga iilang ibon sa himpapawid na malayang lumilipad.

Abala ang lahat – mga sasakyan, ibon, lamig, hangin at mga tao – sa kani-kanilang ginagawa, hindi batid ang aking nadarama. Ano nga ba ang pakialam nila sa nararamdaman ko? Teka, saan ba ako papunta? Oooppps, sa Franklin Park nga pala. Balik tayo sa nadarama ko. Lagi kong bukambibig ay di ko alam. Lagi kong sambit ay bahala na. Lagi kong suot ang aking mga ngiti kasama nakikita ang pangit kong mga ngipin. Sa likod ng mga ito, ano ba talaga ang nararamdaman ko? Ano ba talaga ang nasa isipan ko? Uulitin ko, di ko alam at bahala na. Ang alam ko lang ngayon ay may kakaiba akong nararamdaman.

Di ko alam kung ito ang paraan ng kanyang pag-samo. Sa totoo lang, di ko talaga alam. Alam ko lang may luha na namumutawi sa aking mga mata dahil gulong gulo na ako. Tatalikuran ko na lang ba iyon at haharapin ang mundong kasing-lupit ng mga mababangis na hayop? O pag-hahandaan ko ang isang pag-kakataon na minsan minsang sumasagi sa aking isipan?

Napapahaba na ako, ngunit malayo pa ako sa Franklin Park. May katabi akong Pana. Medyo di ko talaga gusto ang amoy nila pero kailangan kong pag-tyagaan. Sa ugali kong ito? Nararapat ba ako sa kanya? Muli, di ko alam. Di ko alam ang sagot kasi di ko talaga alam.

Ito ba ay takot lamang? Ito ba ay isang paraan ng aking pag-takbo sa kapalaran? Ito ba ay isang paraan ng pag-samo ko sa mundong di ko alam kung kailangan ako? Sandali, sandali. Kailangan ba talaga ako ng mundo? Or kailangan ko siya? Nalilito na talaga ako. Di ko maipaliwanag ngunit wala akong magagawa sa ngayon kundi mag-dasal. Magdasal na bigyan ako ng tamang desisyon at pananaw sa buhay.

Ang hirap talaga ng walang kinain sa tanghalian. Ang alam ko lang, dapat maging masaya ako. Bakit? Di ko alam. Kasi dapat? Kasi ito yung gusto ng mundo? Malamang hindi. Ito yung gusto Diyos na maramdaman ko. Maging masaya kung saan man ako naroon.

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons